MDSH 4

1.4K 27 2
                                    

MyDevilSweetHeart

#MDSH 4

Mira’s POV

Halika na, pumikit limutin ang problema.

Hihintayin…ang umaga.

Basta’t tayo’y magkasama, laging mayroon umagang kay ganda

Pagsikat ng araw, may dalang liwanag. Sa ating pangarap.

Haharapin natin.

Nakuha ko pa talagang kumanta sa umagang ito. Ala singko na ng umaga pero kakatayo ko palang sa aking higaan.Oo ang aga ko gumising, kasi yun ang bilin ni aling sita sa akin, na dapat maaga akong gumising. Nakakalimutan ata nila na laking probinsya ako, ibig sabihin maaga talaga ako gumising pero ngayon lang ako nalate ng ganito. Oo late na ito para sa akin. Kadalasan ang gising ko ay alas kwatro ng umaga.

Kasi naman iniisip ko kasi yung nangyari kagabi. At haysssssssss at kung paano ko haharapin yung lalake kong amo.

Bakit ba kasi sa dinarami-rami ng taong magiging amo ko eh yung ugaling demonyong pang iyon. Patawad sa masamang salita ah?. Pero kasi nakakainis lang talaga yung kasamaan ng ugali nya. Mas lalo na tuloy akong kinakabahan sa mga susunod na araw. Oh kung may araw pa nga ba akong aabangan bukas?.

Inayos ko na yung sarili ko. Maaga akong naligo, tamang-tama. Maaga ring naghanda ng umagahan si aling sita, pero hindi para sa amin. Bilang isang kasambahay dapat mauna munang maka-kain ang aming amo bago kami makakain. Kinakailangan na nagawa na raw ang mga dapat gawin. Tulad ng mga damit na syang susuitin ni Dwayne.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabe nya.

“Ano po?, ako po ang maghahanda ng susuutin ng…” hindi ko na naituloy yung sasabihin ko. Na Demonyo. Kumakabog na yung dibdib ko sa kaba. Parang gusto na nitong lumabas sa aking dibdib. Ng makarinig ako ng bell. Sinyales na may kailangan itong si Dwayne sa akin.

Lumapit pa ako kay aling sita, saka hinawakan ko yung kamay nya. Nanginginig yung buo kong katawan sabay sabing.

“Manang..kinakabahan po ako” garalgal na boses ko. Patuloy parin sa pag-kalembang itong si Dwayne na para bang nagtitinda ng Ice cream sa kalsada. Ang ingay hays.

“Kaya mo yan. Mabait namang bata yang si Dwayne eh” sabay tulak nya sa akin. Huh? San banda yung kabaitan nya?. Siguro nakatago, tapos nakalock. Tapos may password pa siguro yung password na hindi maintindihan. Haysssssssssss tulonggggggggggggg. Gusto ko pang mabuhay. Ilayo nyo ako sa demonyong ito.

Dahan dahan akong umakyat sa second floor, at noong nakarating na ako sa harapan ng kwarto ni Dwayne, ng demonyo kong amo. Bigla itong bumukas. Nanlaki ang mga mata ko dahil nasa harapan ko na ang demonyo kong amo, este si Dwayne pala.

“Bakit ang tagal mo?. Saan ka ba galing ah?, Busy?....nagbubusihan ka?” hindi ako nakasagot. Nanginginig yung buo kong katawan. Pati yung kalamnan ko, nagbavibrate.

“Ano? Tatanga ka nalang dyan?. Ihanda mo na yung damit ko dahil maliligo na ako, at baka ikaw pa ang maging dahilank kung bakit ako malelate. Tsk.” Sabi pa nya.

Umalis na sya sa harapan ko. Pero parang may rugby na nakadikit sa paa ko ng oras na iyon at hindi ako makagalaw. Na stock yung katawan ko sa kinatatayuan ko.

Narinig ko ulit syang nagsalita.

“Ano? Hindi ka ba papasok?”

“Papasok na po ba ako?”

“Alam mo, hayssssss….bakit ba kasi nag-hire si mommy ng bobong katulong na katulad mo?. Bobo ka na nga, wala pang kwenta?. At higit sa lahat walang common sense. Syempre papasok ka. Sa loob mo ihahanda ang gamit ko hindi syan sa harapan ng pintuan ko adik ka ba?” para syang babae kung makipag-usap sa akin.

My Devil SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon