MDSH 12

1K 20 3
                                    

MyDevilSweetHeart

#MDSH 12

Dwayne’s POV

Bakit parang, nasasanay nang gabi itong umuwi si Mira. Kahit na alam kong kasama na naman nya itong si Trevor na ewan ko ba kung ano yung nagustuhan dito sa babaeng ito?. Halos kasing kaugali kasi ni Alexa itong si Mira. Dating kasintahan ni Trevor itong si Alexa, pero sa kasamaang palad ay kaagad itong kinuha ng langit. Dahil sa sobrang mabait sya kinuha kaagad sya ni lord. Joke!!!! Peace!!!! Namatay sya sa isang malubhang sakit. At sobra itong kinalungkot ni Trevor. Dahil sa sobrang baliw sya dito. We was about to kill himself para raw makasama na nya yung babaeng mahal nya. Tsk!!! Baliw! Hindi lang si Alexa yung nag-iisang babae sa mundo. Sabi pa namin sa kanya. Saka na sya natauhan, pagkalipas ng isang taon. Ok na ulit sya. Nakakasama na ulit namin sya.

Narinig ko nang bumukas yung gate. Nakarinig narin kasi ako may humintong kotse sa harap ng gate sa aming harapan. And it was Trevor’s car. Nakanoot na yung mukha ko. Nakatitig pa sa akin si Aling sita. Na kanina pa nanginginig. Alam kasi nyang galit na galit na ako.

At noong nakapasok na sa loob ng bahay si mira. Kaagad syang hinila ni Aling sita’t itinabi, itinago ito sa kanyang likuran.

“Mira…bakit ngayon ka lang, kanina ka pa hinahanap ni sir. Dwayne” bulong pa ni Aling sita kay mira na may kasamang panginginig ng boses. Nakuha pa akong titigan ni Mira. Tumayo ako galing sa pagkakaupo ko. Yung mata ko ay parang magnet na nakatitig parin sa mga mata nya. Halos hindi tumutuklap yung mga mata ko sa mata nya. At parang may kuryenteng dumadaloy sa mata naming dalawa.

“Anong oras na?” tanong ko pa kay Mira.

“May relo po kayo, bakit hindi nyo tignan?” aba? Ang kapal ng mukha nang babaeng ito?. Nakuha pang sumagot?. Kumukulo na yung dugo ko ng mga oras na ito. Yung kamay ko namamasa na. nanginginig pa.

Piloposong babae? Grrr….she’s getting into my nerves.

“Alam ko. At marunong ka rin bang tumingin nang oras?, ipapalala ko lang sa iyo na hindi ka nandito para mamasyal o sumama kung kanino at kung sino sino, nandito ka para pagsilbihan ako. At ang bahay na ito. Gusto ko lang ipa-alala sa iyo na isa kang katulong, maid, mutsatsa at higit sa lahat, pinapainit mo ang ulo ko sa mga pagsasagot mo sa kain ng ganyan. Wala kang respeto”

Tumataas na talaga ang dugo ko sa kanya.

“Hindi ko po nakakalimutan na isa akong katulong sa bahay nyo, na may mga kelangan akong gawin dito sa bahay nyo. Pero nagawa ko na po iyong lahat, bago ako sumama sa sinasabe nyong kung sino-sino. At hindi sya sino-sino. Kaibigan nyo po sya?. Si Trevor. At oo tama po kayo pinasyal ako ng kaibigan nyo, kaya nga ako ganitong oras umuwi. Dahil may basbas po ito ng inyong ina.” Itong babaeng ito. Grrrrrr bakit ba sobra akon naiinis sa kanya?. At ngayon ginagamit pa nya ang pangalan ni mommy para protektahan ang sarili nya?.

“Wala akong pakialam. Wala akong pakialam sa buhay mo. Kung maglandi ka fine, pero wag na wag mong idadamay ang apelyedong pascual sa mga kababuyan mo babae”

“Wala po akong ginagawang masama!” sagot pa nya.

“hindi halata tsk”

“Ewan ko sa inyo, sir! Bakit parang ang init init ng dugo nyo sa akin?. Ginagawa ko naman po ang lahat para mapalapit sa inyo. Nagiging mabait na ako sa inyo pero ginaganito nyo parin ako, hindi na nga ako nagrereklamo kung paano nyo ako itrato sa harap ng mga kaibigan nyo eh. Pero sir! Kahit na katulong lang ako, kelangan ko rin po ng kahit konting respeto. Respeto na galing po sa inyo” blalalalalala

Hindi ko sya pinakinggan.

“Ewan ko sa iyo. So much drama. Maraming nakatambak na hugasan dyan. Maghugas ka yang ang dapat mong gawin. Wag mo akong iiyakan dahil hindi ako naawa sa iyo, basura!” tsk!!! Iiyak pa sya akala naman nya naawa ako sa kanya.

My Devil SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon