MDSH 9

1K 22 2
                                    

MyDevilSweetHeart

#MDSH 9

 

Mira’s POV

Nakapwesto na silang lahat, nag sound check pa sila bago pa nla simulan yung pagpapractice nila. Tumingin pa si Dwayne kay Tristan na syang base guitarist nila. At kay Dustin na Drummer nila, at lead guitarist naman si Trevor. Ang astig tignan ni Trevor habang bitbit bit nito yung gitara nya. Kininditan pa nya ako noong magsisimula na sila.

“Sayang” panimula pa ni Dwayne. Saka na sila nagsimlang tumugtog. Wow….ang galing nila, halos kasing katunog na nila kung gumalaw yung PNE.

Sayang
Bakit hindi kita niligawan
Ngayon ako'y nanghihinayang
Kasi naman tatanga-tanga pa ako noon


Ang ganda ng boses ni Dwayne. Oo napaka-ganda at halos kaboses din nya si Chito kung kumanta. Napa-wow ako, ng patago. Ayaw ko magkita ng kung anong emosyon o kasiyahan sa harap ng demonyong ito. Tsk! Baka kung ano pang isipin nya.

Walang humpay na paghintay sa hindi
dumarating na pagkakataon


Natapos nila yung kanta na maganda at masigla. Parang wala nga lang kay Dwayne noong kumanta ito eh. Sisiw lang sa kanya.

Pero biglang nag-iba ang ihip ng hangin noong….

“Marunong kang kumanta Mira?” tanong pa ni Trevor sa akin. Napaturo pa ako sa sarili ko.

“Ako?” sabi ko pa sa kanya. Tumingin ako kay Dwayne pero hindi sya nakatingin sa akin. Mukhang busy sya sa ginagawa nya. Na hindi ko naman maintindihan na kinakalikot yung songsheet nya ata?.

Tumingin pa ako sa ibang mga myembro nila. Ngumiti si Dustin sa akin. At ganun din si Tristan. Busy rin kasi itong si Terrence kaya di ko nakita yung reaksyon nya.

Umiling ako. Na nagsasabing oo.

“Great, can you do us a favor?” sabi pa ni Trevor. Nang nakangit. Wag mo akong ngitian Trevor, pwede ba?. Hindi ako makahinga.

“Ano yun?” pagtataka ko pa. saka ako hinila palapit kay Dwayne. Nagtaka naman si Dwayne kung anong yung ginagawa ni Trevor sa akin. At itinabi ako sa demonyong ito.

“What’s happening here?” pagtataka rin ni Dwayne.

“Try nyo mag-duet” sabi pa ni Trevor.

“Duet?, with her? No way” sabi pa nito sa akin. Huh! Humanda ka, baka kapag narinig mo yung boses ko eh. Mainlove ka pa!

My Devil SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon