MyDevilSweetHeart
#MDSH 7
A/N: Dedicate to Wisdom, oo wisdom po yung totoong pangalan nya. haha pangako ko kasi sa kanya na isa sa mga kwento ko ay ilalagay ko at isasama ko sya bilang isang karakter sa isa sa kwento ko. paulit ulit?. hahaha kaya ito ang pa-belated birthday suprise ko sa iyo hope you like it.
enjoy this Chapter..haha mahaba-haba po ito.
-WackyMervin.
Dwayne’s POV
Nasa hapag-kainan na ako. Kinukulit pa ako ni Saturn ng oras na iyon na nasa aking paanan. Dinidilaan pa nito yung paa ko. Lagi nya kasing ginagawa ito panglambing nya sa akin. Saka nya ako dadaganan pero, pinaalis ito ni mommy, at inutusan si aling sita na paalis nga ito sa hapagkainan. Tahimik lang kami ng oras na iyon, pinipilit kong bilisan yung pagkain ko para, hindi na namin pag-usapan yung nangyari kanina.
Pero….ng biglang dumating itong si Mira na may bitbit na gamit. Ay nag-iba ang scenario.
“Oh? Saan ka pupunta iha?” tanong pa ni mommy kay Mira. Isn’t obvious mom?. Aalis na sya sa bahay natin?. Hays…ewan ko ba sa iyo kung bakit. Ka nagpapatira ng isang surot dito sa pamamahay natin. Mahawaan pa tayo ng sakit nya. Hays!
“Aalis na po ako, hindi ko na po kasi kaya yung trabaho eh” sabi pa ng umaarteng babaeng ito sa mommy ko. If I know, umaarte lang sya para tumaas yung sweldo nya. Napaka-pathetic talaga.
“Hindi ako papayag” sabay sagot ni mommy. Tumayo ito at lumapit kay mira. Ibinaba pa nito yung gamit ni mira saka pinaupo sa may couch at nag-usap pa silang dalawa ng masin-sinan.
“Ano bang problema?, bakit ka naka-pagdesisyon ng ganyan?” tanong pa ni mommy. Oo naririnig ko sila kahit na medyo malayo sila, inaatay ko yung isasagot ng surot na ito sa mommy ko. Hays kapag may sinabe lang talaga ito na madamay yung pangalan ko. Humanda sya, mata nya lang ang walang latay. Yihaaaa. (insert karate kid)
“Dahil ba ito kay Dwayne?” tanong ulit ni mommy kay Mira.
Umiling si Mira. Buti nalang
“So ano?, anong dahilan?. Nahihirapan ka sa trabaho?. Paano nalang yung mga ipinangako mo sa mga kapatid mo sa probinsya nyo?. Paano nalang yung pangarap mo?. Iha mahirap maka-hanap ngayon ng magandang trabaho. Napaka-swerte mo at hindi ka napunta sa masamang amo.” Bigla akong nabulunan sa sinabe ni mommy. Is she talking about me?.
“kung si Dwayne ang problema. Wag mo syang alalahanin” sabay tingin pa sa akin ni mommy, naging busy tuloy ako sa pagkain para hindi halata na nakikinig ako sa kanya.
“Ganito nalang, kung hindi talaga si Dwayne ang problema. Hmmm sana magstay ka pa ng mas matagal, pangalawang araw mo palang dito oh?. Ganito nalang….dadag-dagan ko yung sweldo mo, tapos here’s the big suprises. You will be studied at St. Francis University next School year. Kahit anong coarse ang kunin mo. Ako nang bahala sa tuition fee mo.”
“talaga po?. Wow, salamat po. Maraming maraming salamat po”
Hmmmm gold digger talaga. Well ok lang. kung mas tumagal pa sya dito. Para may laruan ako, boring kasi sa bahay na ito. Buti nalang nandito na ulit sya para may pag-laruan ulit ako. Hahahahah
(insert devil laugh)
Pero ano yung ibinulong ni mommy kay Mira?
………………………….
Mira’s POV
Pagkatapos kong ihanda yung hapag kainan, at yung mga pagkain. Ay kaagad akong pumunta sa kwarto ko. Inihanda ko narin kasi yung gamit ko para umalis na sa bahay na ito. Yung totoo, nagdadalawang isip ko kung tama ba itong ginagawa ko?. Pero kung ganito nalang ang mangyayari, kung lagi nalang akong babastusin ng walang modong lalakeng ito, na amo ko ay aalis nalang ako dito.