MDSH 23

1K 28 1
                                    

MyDevilSweetHeart

#MDSH 23

Dwaynes’s POV

“Willing ka bang samahan ako? I mean, willing ka bang kilalanin ang isang tunay na ako?" sa totoo lang, hindi ko alam kung ano na yung mga bagay na pinagsasabi ko kay Mira. Pero may mga kakaiba akong nararamdaman sa bawat salitang lumalabas sa aking bibig.

                Sa totoo lang din. Hindi naman talaga ako ganito. Hindi ako palasigaw, hindi rin masama ang ugali ko. Hindi ko na nga lang alam kung bakit bigla-bigla ay naging ganito ako. Siguro nagsimula ito noong nalaman kong nililigawan ni Wisdom si Ginger. Laki nang galit ko sa lalakeng iyon, kaya dali-dali ay tinanggal ko siya sa grupo namin. At walang nagawa kahit ni isa sa mga kagrupo ko sa desisyon kong iyon.

Kaibigan ko si Wisdom noon pa man. Simula pagkabata ay kaming dalawa na ang magkasama sa mga kalokohan namin, idagdag mo pa si Trevor na naging ka-close namin noong tumuntong na kami sa highschool, at doon namin naisipang buo ng Banda, pare-pareho kasi naming love ang music at pare-pareho din naming Idol ang bandang PNE. Kaya sabay-sabay kaming nangarap na mararating din namin ang pangarap namin ito, ang makapagperform kasama ang pinaka-paborito naming banda. At nangyari na nga ito, kaso hindi na nga lang kasama si Wisdom doon.

Saka ko nalang nalaman na bigla nalang silang naghiwalay. At muling bumalik si Ginger sa aming piling. Kaso nga lang, hindi na ako pumayag na sumama pa ulit sa grupo si Wisdom. Ewan ko, parang ang laki ng galit ko sa kanya, gayong wala naman dapat akong ikagalit. Oo siguro sinulot niya yung babaeng pinaka-mamahal ko. Kaso nga lang patago. And I know for the fact that he also likes Ginger, malakas lang talaga ang loob niya kesa sa akin kaya niya siguro nasulot si Ginger sa akin.

“Kung hindi ka gagawa ng paraan upang makuha mo siya. Baka isang araw, magising ka nalang wala nalang siya sa iyo” Ito ang iniwang kataga sa akin ni Wisdom, isang araw bago ko malaman na naging sila na pala ni Ginger.

“Aalis na tayo” sigaw pa ni Dustin sa likod ng pintuan. Inihahanda ko na kasi yung gamit ko, dahil sa nagplano ang barkada na pumunta Baguio. Sa totoo lang, nakahanda na talaga siya, tinulungan ako ni Mira na maghanda. Binuksan ko yung pintuan at nakita ko sa baba na nandoon na rin yung iba ko pang mga kaibigan. Sina Terrence, Dustin, Tristan at si…Trevor. Nakatingin ako ngayon kay Trevor. Halos magdadalawang linggo na ata noong huli ko siyang makita. And it’s nice to see him again. I think that hindi ko talaga kayang mag-isa. Tama nga ang kasabihan that, no man is an island. Walang nabubuhay na mag-isa. Kelangan ko ang mga katulad nila, kahit na medyo makukulit at wala silang kwenta kausap, kelangan ko parin ang isang barkadang makakaintindi sa akin, in my worst day of my life.

“Are you guys for the trip?” sigaw pa ni Dustin sa loob ng kotse. Katabi ko si Mira, as usual kasama siya. Kelangan ko kasi ng isang taong uutusan. Hindi ko naman pwedeng utos-utusan ang mga barkada ko, dahil sa may mga kanya-kanya silang gagawin sa trip naming ito. Lalong lalo na si Dustin na nagbitbit na naman ng isang babae. Na hindi namin alam kung saan na naman niya nakilala. Pasaway talaga!

Habang nasa biyahe, hindi namin maiwasan ang kumanta. Oo gawain na namin ito sa tuwing naboboring kami sa haban ng biyahe. Sinimulan ni Tristan ang pagstrum ng gitara sa saliw ng kantang Overdrive ng Eraserhead.

Magda-drive ako hanggang baguio. Sabi pa ni Tristan. Tumingin naman kami sa isa’t isa. At ang sumunod naman na kumanta ay si Dustin na nakayakap parin sa babaeng bitbit niya. Magda-drive ako hanggang bicol, magda-drive ako hanggang batangas, tapos magswiswimming doon sa beach. Sumunod naman ay si Trevor, na kahit busy sa kalalaro ng Flappy bird na hindi naman niya mataasan ang recent score niya ay nilalaro parin niya ito kahit na kulang nalang ay ihagis nito ang kanyang tablet.

My Devil SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon