MDSH 13

1K 18 7
                                    

MyDevilSweetHeart

#MDSH 13

Dwayne's POV

"Sige na sir, please.....parang awa nyo na...nagmamakaawa ako sa inyo....isama nyo na ako" nakaluhod na sa harapan ko si Mira, oo mukha syang aso. At hindi kamukha ni Saturn ah. Dahil maganda si Saturn, hindi katulad nya. Tsk! Mukha syang basura. Sinipa ko pa sya, at dahilan para madapa sya. Tumayo ito, inayos ang kanyang damit. Saka hinila ang braso ko't dahilan para mapalingon ako sa kanya. Sobrang lapit namin sa isa't isa. Napatitig ako sa kanya. Yung mata nya sa mata ko. Yung ilong nya sa ilong ko, yung labi nya?....oooopppp! muntik ko nang mahalikan itong basurang ito!. Kaagad ko syang tinulak, pero this time hindi na sya natumbad. Buti naman! So much lampa!.

"Anong bang ginagawa mo ah?" sigaw ko pa sa kanya. Napayuko ito, alam kasi nya na nag-iinit na ang ulo ko't hindi na ako natutuwa sa ginagawa nya.f

"Wala kasama si Aling sita dito, at hindi ka pwedeng sumama. Makakasira ka lang sa performance namin, baka gumawa ka pa ng eksena doon. Hindi...hindi...hindiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii" mas lumakas pa yung sigaw ko. Nagpupumilit kasing sumama si Mira, sa gaganaping concert namin, bukas sa Cebu. At hindi ako papayag na sumama din sya. Dahil kalalabas nya palang sa hospital, oo mukha na syang magaling. Kasi nakukuha na nga nya ulit akong sagutin, suwayin at higit sa lahat, painitin ang ulo ko. Tsk!

Hanggang sa may isang boses ang syang nagsalita sa akin likuran.

"Okay lang Mira, pwede kang sumama" napalingon ako sa babaeng nagsalita sa aking likuran, and It's my mom.

"Mommy" I was about to say something against what had she said, pero kaagad syang umakyat sa taas. At tumingin ulit ako sa babaeng basurang iyon. Na parang asong binigyan ng buto nag nagtatalon sa sobrang saya hawak hawak pa nito yung kamay nang matandang si Aling sita. Na nakangiti din. Tsk! Wal ana akong magagawa, kasama na sya.

....................................................

Mira's POV

Yehey!!! Sobrang saya ko?. Hindi naman halata, oo sobrang saya ko. At hindi ko maipaliwanag ang sobrang kasiyahan ko noong pinagtanggol ako ni Mam Ara, para payagang sumama ako sa Event na pupuntahan nila Dwayne.

Nag-aayos na ako ng gamit ko, oo kelangan ko raw magdala ng damit. Pero? Konti lang yung damit ko. Ano dito sa mga damit ko yung dadalhin ko. Eh sabi pa ni Dwayne mukha raw akong basura sa mga damit ko?. Ehhh wala nang oras para bumili ng damit. At wala pa akong pera kasi hindi pa ako nasuswelduhan ni mam ara. 2 linggo palang ako dito sa katapusan pa yung sweldo ko. Tsk!...kakaasar naman, magagalit na naman sa akin si Dwayne.

Napatigil ako sa aking ginagawa noong, may kumatok sa pintuan.

"Sino yan?" tanong ko sa taong nasa likod ng pintuan.

"Buksan mo, oh gigibain ko itong pintuan mo?" tsk! Alam kong si Dwayne yun. Demonyo talaga, hindi ba pwedeng sumagot ng oo?. Kelangang maging sadista?. Kaagad aong tumayo at pumunta sa harapan ng pintuan ko't binuksan ito.

At tama ako, si Dwayne nga ang nasa harap ko.

"May kelangan po ba kayo?, hmmm sana tinawag nyo nalang sa telephono para hindi na kayo tumayo" reklamo ko pa sa kanya. Hays!!! Ano na naman kaya ang ipag-uutos nito sa akin?. Pero bakit parang  may kakaibang bagay na nasa kanyang likuran. Tumuon ang tingin ko sa bagay na nasa kanyang likuran. May hawak si Dwayne!. Napatingin din sya sa direksyon nang aking mata.

"Eto?" sarcastikong abot nya sa akin. Kinuha ko naman ito kaagad. Pero hindi ko pa  binuksan.

"Para sa akin?" tanong ko ulit. Huh? Wag kang mag-assume, hindi yan para sa iyo, mukhang mamahalin yung lalagyanan. At hindi yan para sa iyo Mira. Sabi ko pa sa sarili ko.

My Devil SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon