MDSH 21

1K 17 0
                                    

MyDevilSweetHeart

#MDSH 21

 Dwayne’s POV

                Napaka-sakit. Walang ibang pupwedeng maihalintulad sa nararamdaman ko kundi sakit. Kahit na itong alak na iniinom ko ngayon ay hindi makakakayang maalis ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi kita gusto. Dwayne, ano ba? Magkaibigan tayo diba. Alam kong magkaibigan kami, pero hindi naman niya kelangang ipamukha sa akin at sa maraming tao na kaibigan lang ang tingin niya sa akin? Napakatanga mo talaga Dwayne. Bakit hindi mo na inisip na kaibigan lang talaga ang tingin niya sa iyo? Na walang hihigit pa sa pagiging magkaibigan niyo. Ngayon sa ginawa mong pag-amin sa kanya sa tunay na nararamdaman mo. Gumawa ka lang ng paran upang mas lalo siyang lumayo sa iyo, dahil diyan sa putchang nararamdaman mo na kahit kelan hind magiging tama. Dahil sa..kaibigan kita. At. Bakit kasi hindi kami pwedeng maging kami? Bakit kasi, pinatagal ko pa at pinabulok yung nararamdaman ko sa kanya? Bakit kasi sa haba-haba nang panahon na magkasama kami ay sorbang wrong timing yung ginawa ko. At bakit nga ba kasi nakinig pa ako sa mga walang kwentang kaibigan ko na ang sasaya ngayon sa harapan ko, nakikipaglandian pa sa mga babae nila, samantala ako? Eto lulong na sa alak pero hindi parin napapawi yung sakit na nararamdaman ko.

                Pinilit kong tumayo at naglakad sa labas. Iniwan ko na yung mag lokong iyon sa loob ng Terranova Club na siyang pagmamay-ari ng kapatid ni Terrence. Hindi talaga ako umiinom, paminsan-minsan lang siguro, pero hindi katulad ni Dustin na parang tubig nalang sa kanya ang alak at ganun din si Terrence. Siguro sa aming apat, ako lang at si Trevor ang medyo matino. Oo matino pa talaga ako nito sa ganitong lagay. Tiningnan ko ang phone ko, halos sumabog na ito sa sobrang daming missed calls na galing kay mommy. Siguro ngayon mga oras na ito ay alam na niya ang tunay na nangyari sa party. Ang pinagtataka ko lang, bakit nandun ang babaeng iyon? Anong ginagawa ni Mira sa parting iyon? Saka ko lang naalala si Wisdom. Ang walang hiyang lalakeng iyon? Ang kapal talaga ng mukha niyang magpakita sa parting iyon? Gusto kong pasabugin ang nguso niyang oras na iyon, kung hindi lang talaga ako niyakap ng husto ni Dustin upang hindi ko masaktan yung lalakeng iyon. Bigla tuloy bumalik sa aking ala-ala yung panahon na, niligawan nito  si Ginger. I know and he know that gustong-gusto ko si Ginger, pero nagawa parin niyang ligawan ito, at naging sila. Yun na siguro ang pinaka-masakit na nangyari, mas ginusto ni Ginger ang lalakeng iyon over me? Pero hindi ko naman kasi hawak ang puso’t isipan ni Ginger. Hindi ko naman alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Kaya dali-dali kong inalis si Wisdom sa grupo namin na ChalkHeads. At kagaya ng ibang mga kaibigan ko ay tinakwil na namin siya, pero dikalaunan ay hindi nagtagal ang relasyon nilang dalawa ni Ginger, may kung anong bagay ang siyang nagpagulo sa isip ko ng mga oras na iyon. Muling bumalik sa aming piling si Ginger, muli na naming siyang nakakasama, pero hindi si Wisdom. Nakikita ko siya sa school, pero hindi at wala akong balak na kausapin siya.

                “Buwisit talaga ang babaeng iyon?” sabi ko pa sa aking sarili habang naglalakad sa kalsada. Pagod na pagod na yung katawan ko, pati narin yung puso ko ng mga oras na iyon. Ang gusto ko nalang gawin ay matulog, para kahit papaano ay mawala at makalimutan ko man lang yung sakit na nararamdaman ko. May tumabi sa aking isang lalake. Napatingin ako sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin na para bang may ibang gagawin ito sa akin. Isang masamang bagay, may kung anong itinitutok ito sa aking tagiliran.  Gustohin ko man manlaban pero hindi ko na nagawa, inilabas ko nalang ang aking cellphone at kaagad na ibinigay sa kanya. Pero hindi pa siya nakuntento doon, kinapakapan pa niya ang buo kong katawan na parang isang baklang sarap na sarap sa pagdikit ng kanyang palad sa aking machong katawan. Nakuha nito ang wallet ko sa loob ng aking pantalon, walang labang ibinigay ko ito sa kanya at parang nanalo sa lotto ang ngiti nito noong umalis ito. Siguro sa isip nito, ito na siguro ang naholdap niya na walang ginawa kundi ibigay ang lahat. Sana nga naholdap nalang ako, naholdap ni Ginger, dahil willing akong ibigay ang lahat para sa kanya. Pero hindi, kahit na nga willing akong ibigay ang lahat sa kanya, pero kung siya mismo halos isuka ako, may magagawa pa ba ako?

My Devil SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon