Hunger 1

19 0 0
                                    

(Ria)

"Hoy Ria! Yung customer mo inaantay ka na sa labas." Di ko na pinatulan pa ang pagbatok sakin ni Karis, katrabaho ko. Nakatulong naman kasi dahil nagising ako sa aking malalim na pag-iisip. "Wala ka na naman sa sarili mo, sabi ng tigilan mo na ang pagpapak ng tawas!" Dagdag pa ne'to sabay hagalpak ng tawa na akala mo wala ng bukas.

Tinitigan ko lang siya hanggang sa matapos siyang tumawa, napanguso ito at umiwas ng tingin sakin. Makapang-asar kasi akala mo close kami.

Tumayo na ako saking kinauupuan at lumabas ng kwarto, tinungo ko kung saan palaging nakapwesto ang regular customer kong mas matanda pa ata sa tatay ko. Well, hindi ako sigurado, dahil lumaki akong walang magulang, lumaki ako sa bahay ampunan. Kaya wala akong kahit anong hint tungkol sa tunay kong pagkatao, tanging iniwan lang sakin ang napakabaho kong pangalan.

By the way, Im Imperia. Yes Imperia is my name. Nakasulat raw ang pangalan na ito sa papel na nakadikit sa suot kong damit noong sanggol ako at iniwan sa harap ng simbahan. Imperia De Guzman. That's my whole name, I get my last name sa nagampon sakin, na akala ko bibigyan ako ng magandang buhay, pero puta, lalo nila akong ginawang miserable.

Ginahasa ako ng tinuring kong ama, pinagpasa-pasahan ako ng dalawang lalaking tinuring kong mga kapatid at ginawa akong kasambahay ng babaeng itinuring ko ng ina.

Pero imbes na patayin ko ang sarili ko, tumakas na lang ako. At dahil wala akong pinag-aralan itong trabaho lang ang kinasadlakan ko.

"Ambango bango mo naman," Hindi ako gumalaw ng pilit na pinagsisiksikan ng matandang huklaban ang mukha niya sa leeg ko. Nandidiri ako, nandidiri ako sa sarili ko. Ang dumi-dumi ko pero wala akong magawa dahil dito ako kumukuha ng panlaman tiyan, at nagiipon rin ako para maipagpatuloy ko ang aking pag-aaral. Ayoko kasing habang buhay na lang maging mang-mang at tagapag-aliw sa mga kalalakihang uhaw sa laman.

Sa huli natapos rin ang gabi ko sa madilim at malamig na silid. Aabutan ako ng pera pagkatapos kong magpaligaya. Sa ganyan na lamang umiikot ang buhay ko araw-araw. At ayokong maging permanante ito.

Tinungo ko ang quarters namin. Matapos kong magbihis ng simpleng pulang T-shirt at maong na pantalon, inipon ko ang mga gamit ko sa dala kong bagpack at naghanda ng umuwi.

Papalabas na sana ako ng pinto ng makarinig ako ng pigil na paghikbi. Mukhang galing yun sa banyo. Nacurious ako kaya inusisa ko ang loob at do'n ko nadatnan si Patricia, bagong salta rito sa bar.

"Anong iniiyak-iyak mo dyan?" Naglabas ako ng sigarilyo at sinindihan iyon, humithit ako ng isang beses at bumuga ng usok sa mismong mukha niya. Nakita ko ang masamang tingin na pinupukol niya sakin. Napangisi ako. I remember myself to her before, ganto rin ako kahina, ganto rin ako kaduwag pero ngayon parang normal na lang ang lahat sakin. Kung hindi kasi ako magiging matapang paniguradong nakalambitin na sa kisame ang malamig kong bangkay. "Masasanay karin."

"Hindi niyo ako katulad, hindi mo ako katulad." May galit sa bawat bagsak ng kaniyang salita. Patuloy parin ang pagdaloy ng luha sa mga mata niya. Basa na nga ang buong mukha niya ng pawis at luha pero lutang parin ang taglay niyang ganda.

"Okay." Naaawa ako sa kanya dahil mismong sarili niyang ina ang nagdala sa kanya sa impyernong lugar na ito. Nakita ko sila no'ng isang araw lamang, ipinagbili siya ng kanyang ina sa manager namin sa malaking halaga.

Tatalikuran ko na sana siya ng may maalala ako. "Yung sobre sa lamesa mo, kung ako sayo itatago ko na yun... Maraming malikot ang kamay rito." Nakakailang hakbang pa lamang ako ay muli akong huminto para harapin siya. "Lahat ng bagay ay may reason kung bakit sila nangyayari, tama ka! Hindi tayo magkatulad pero parehas tayong gustong takasan ang mundong 'to. Kaya kung ako sayo titigil na ako sa pag-ngawa kasi hindi nakakatulong, nagsasayang ka lang ng oras." Tuluyan ko na siyang iniwang nakatulala.

Tall, Dark and HungryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon