Pagod na ako at umiikot na ang paningin ko sa sobrang gutom. Kumikirot narin ang mga paa ko, kanina pa kasi ako takbo ng takbo, lakad ng lakad pero hindi ko parin mahanap kung nasaan ang kusina. Tangina! Wala bang ibang tao sa bahay na ito para mapagtanungan ko man lang.
Nakaamoy ako ng masarap na ulam, agad naman kumalam ang tiyan ko. Sinundan ko ang amoy and just great, nagmukha akong asong ulol sa ginawa ko at sa wakas natumbok ko rin ang dining area. Bumungad sakin ro'n ang dalawang tao na napahinto sa pagkain at halatang nagulat sa pagdating ko.
"Ria nariyan ka na pala," alanganin kong nginitian si Sanguini. "Halika, saluhan mo na kami." At hindi na ako tumanggi pa sa alok niya.
Hindi na ako nagabala pang tingnan o batiin man lang ang lalaking nasa kabisera. Tumabi ako sa tabi ni Sanguini, at hindi ko napigilang mapanganga sa dami ng nakahain na pagkain sa mahabang mesa. Parang fiesta. First time sa buhay ko ang makakita ng ganito.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pinuno ang aking plato, wala na akong pake basta subo lang ako ng subo. Bahala na, mapatay man ako ng kung anong elemento sa mansyon na'to at least busog ako.
"Ang sarap po ng pagkain!" tuwang tuwang sabi ko kay Sanguini kahit puno pa ang bibig ko ng kanin.
"Dahan-dahan lang Ria at baka mabulunan ka." Pinagsalok ako nito ng tubig sa basong nasa harapan ko. Natatawa ito habang tinatapik tapik pa ang likod ko.
"Diba bampira kayo? Bakit kayo kumakain ng pagkain ng tao? Yung ngiti nito biglang nawala at napansin ko ang pagsulyap nito sa pamangkin.
Padabog na inihagis ni Mikael ang kanyang kutsara at tinidor saka umalis. Ops, may nasabi ata akong hindi maganda.
"Hayaan mo siya, kumain ka lang." At gaya nga ng sabi niya kumain lang ako ng kumain hangga't sa mabusog ako. Nabigla ata ang tiyan ko kasi sumakit ito.
At dahil busog na ako bigla na lang ako nakaramdam ng matinding antok. Nagpaalam na ako kay Sanguini na magpapahinga na. Pasalamat naman ako at natatandaan ko ang daan pabalik ng bodega.
Nang makarating ako sa silid, inihiga ko kagad ang aking pagal na katawan sa matigas na papag. Sanay na naman ako, ganito rin ang hinihigaan ko mula bata sa ampunan hanggang sa kasalukuyang kong inuupahan. Binaluktot ko ang aking katawan at ipinagsiksikan ang aking sarili sa kakarampot at manipis na kumot. Hindi ko na kinaya pa ang bigat ng aking mga talukap at tuluyan ko na silang ipinikit.
~~
Nagising ako sa ingay. Sigawan at mga pagdaing ng sakit ang naririnig ko. Napaupo ako at tinatantya kung anong oras na. Babalik pa sana ako sa pagkakahiga ng makarinig ako ng sobrang lakas na tili.
Tuluyan na akong tumayo at sumilip mula sa parisukat na butas. Wala naman akong makitang kakaiba. Huminga ako ng malalim bago buksan ang pintuan, naglikha yun ng ingay, masakit sa tenga ang tunog.
Dahan dahan akong naglakad sa pinangagalingan ng mga boses. Habang papalapit ako sa lugar lumalakas at lalong lumilinaw ang mga naririnig ko.
Nagdere-deretso lang ako sa paglakad ng mapansin kong nakaawang ang pinto ng isa sa mga bilanggo, tatlong silid bago ang akin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Biglang dumaloy ang pinaghalong kaba at takot sa sistema ko. Diyus ko! Ito na nga ang kinatatakutan ko.
"Maawa ka sakin....
Maawa ka, wag please..."
Pero nandun parin ang kagustuhan kong malaman ang nangyayari sa loob ng silid na iyon.
Mariin kong pinikit ang mga mata ko at pinisil-pisil ang mga palad ko. Pinilit kong humakbang ng sobrang gaan para hindi makalikha ng anumang ingay.
![](https://img.wattpad.com/cover/82820808-288-k273076.jpg)
BINABASA MO ANG
Tall, Dark and Hungry
RandomA wild beast who crave for human flesh, A woman whom wants affection, Both different world, but love made them as one. Written year 2017 Language: Filipino Written by: MissParanotic