"Pakawalan niyo ako rito!" Sigaw ko kahit magkanda-putol-putol na ang ugat ko sa leeg. Ramdam ko na rin ang pagdurugo ng aking palapusuhan dahil sa pagpupumilit kong kumawala mula sa lubid na nakatali sa kamang kinahihigaan ko.
Simula ng makarating kami sa mala-mansyon na bahay ni Arkis ay kinulong nila ako sa kwartong ito, wala nang tigil ang pag-agos ng luha ko at wala atang balak tumigil pa iyon.
"Putang ina! Kainin mo na ako! Sipsipin mo na lahat ng dugo ko! Patayin mo na ako! Wag mo na aking pahirapan pa!" Hays! Ba't ba ang lupit ng buhay sakin? Ba't ba hindi na lang ako mamatay para matapos na.
Muling dumaong ang mga luha ko saking magkabilang pisngi. Kahit mga sarili kong uhog ay nakakain ko na dahil nga hindi naman ako makapagpunas.
Ilang saglit pa'y bumukas ang pintuan at pumasok mula ro'n ang lalaking nakasuot ng pangpormal na damit na akala mo ay waiter sa isang five star hotel. Gaya rin nila Arkis ang hitsura into, malamang bampira rin siya.
"Kumain ka na raw," Inilipag nito sa bedside table ang isang tray ng iba't ibang klase ng pagkain at umalis rin pagkatapos. Aba't gago 'to ah! Paano kaya ako makakain kung nakatali ang mga kamay ko. Gutom pa naman ako, nakalimutan ko ng makapaghapunan kagabi na palagi namang nangyayari. Tapos ngayon hindi ko alam kung umaga pa ba, hapon o gabi na. Pakiramdam ko kasi ang tagal tagal ko ng nakakulong dito.
Mariin kong pinikit ang aking mga mata at hinayaang lamunin ng antok ang pagod at panghihinang nararamdaman ko.
~~
(Arkis)
Hayup! Napakaingay ng babaeng yun, nabasag ata ang kaloob-looban ng tenga ko. Kung hindi lang para kay Mikael, naku malamang siya ang inumagahan ko.
Tinawag ko ang utusan kong si Mantis sa pamamagitan ng aking isip.
And as expected wala pang tatlong segundo ay nasa harapan ko na siya. "Ano pong ipaguutos niyo Senyor?" Napaangat ako ng tingin mula sa pagbabasa ng dyaryo.
"Gusto kong dalhan mo ng makakain ang tao at siguraduhin mong kakain siya."Tumango lamang ito at sa isang pitik ay nawala na siya sa paningin ko. Ibinalik ko ulit ang atensyon ko sa pagbabasa. Napangiti ako ng nabasa ko sa headline ang patuloy na pagmamayagpag ng empire city kahit na matagal ng hindi ito nasusubaybayan ng may-ari.
Ilang minuto pa ay hindi ko na narinig ang mala-tarzan na pagwawala ng babaeng yun, salamat naman at nakapanahimik narin ang bahay ko.
Oras na siguro para sa sorpresang bisita sa matalik kong kaibigan na si Mikael at sa mahalaga kong regalo. Matuwa man siya o hindi, wala na akong magagawa pa, ito na ang huling alas para bumalik siya sa dati.
Ipinahanda ko kay Mantis ang sasakyan at nagbyahe patungo sa exclusive subdivision na tinitirahan ni Mikael. Pagkarating ko ro'oy sinalubong ako ng kanyang tiyahin.
"O' Arkis napadalaw ka ata," malugod ako nitong pinatuloy sa kanilang mansyon. "Sayang at hindi pa kayo nagkaabot nila Caius."

BINABASA MO ANG
Tall, Dark and Hungry
AcakA wild beast who crave for human flesh, A woman whom wants affection, Both different world, but love made them as one. Written year 2017 Language: Filipino Written by: MissParanotic