Hunger 3

2 0 0
                                        

(Ria)

Naalimpungatan ako ng mauntog ang ulo ko sa... Teka, nasan ako? Eck! Nasa umaandar ako na kotse. The hell! Paano naman ako napunta dito?

Huminto ang kotse at pinagbuksan ako ng pintuan nung lalaking hinatiran ako ng pagkain sa kwarto na hindi ko rin naman nakain kasi hindi naman niya tinanggal ang tali sa mga kamay ko.

"Baba!" Utos nito sa mataas na tono, aba't sinisigawan pa ako ng mokong na'to. Tinaasan ko siya ng kilay. Patigasan kami ngayon.

"Baba sabi!" Lalo ko pang tinaasan ang kilay ko at umiling-iling. "Ayaw mo ha!" Napatili ako ng marahas niya akong hinila palabas ng sasakyan. Sa huli ay tinanaw ko na lamang ang papalayo niyang kotse na tumatakbo ng mabilis, loko yun! As if naman mahahabol ko pa siya.

Paglingon ko saking likuran, bumungad sakin ang isang napakalaking pintuan. At sa ilang segundo lamang ay bumukas iyon. Iniluwa nun ang isang napakagandang babae.

"Kamusta? Tuloy ka," nakaawang ang bibig ko habang dahan dahang pumapasok sa mansyon. Mas malaki pa iyon kesa sa mansyon ni Arkis, mas moderno rin ang pagkakaayos. "Ako si Sanguini, ikaw si...?" Nahihiya akong tumingin sa magandang babae.

"R-Ria" Nauutal kong sagot.

"Ria," paguulit niya sa pangalan ko. "Inihanda ko na ang kwarto mo sa itaas kung sakaling gusto mo ng magpahinga, kung nagugutom ka naman wag kang mahiyang magsabi." Naku! Sobrang gutom na ako pero nahihiya ako. Hindi ko siya kilala at lalong hindi ko alam kung nasaan ako ngayon at kung anong gagawin ko dito, hays! Ang dami kong tanong na hindi ko alam kung masasagot. "Halika, ihahatid kita roon."

Sabay kaming umakyat sa hindi ko mabilang na baitang na hagdan, basta pagdating namin sa itaas ay hingal na hingal ako.

"Ito ang magiging kwarto mo," Pumasok kami sa isang napakalaking kwarto, aakalin mong bahay na yon sa sobrang laki. "Ito ang banyo, lahat ng gamit na narito ay pwede mong gamitin." Papalabas na sana siya ng kwarto ng tawagin ko ang pangalan niya.

"Ano ho bang gagawin ko rito?" Binigyan niya ako ng isang maaliwalas na ngiti. "Irereserve niyo ho ba ako para kainin. Ang unfair naman po kung bibigyan niyo ako ng ganitong treatment pero sisipsipin niyo rin ang dugo ko sa huli." Alam kong bampira siya, nararamdaman ko. Kung gusto naman nila akong kainin, wala ng kaso sakin yun, tanggap ko na.

Napakunot ang noo ko ng ang ngiti niya ay naging tawa.

"Hindi ba nasabi sayo ni Arkis?" Ow, so may kinalaman pala ang mestisong unggoy na yun kung bakit ako narito, Baka binenta niya ako sa babaeng 'to.

Tall, Dark and HungryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon