Hunger 5

4 0 0
                                    

Nanginginig pa ang mga kamay at paa ko paakyat ng hagdan papuntang kwarto ni Mikael. May dala pa akong tray ng pagkain para sa kanya. Inutusan kasi ako ni Sanguini na maghatid nito dahil hindi pa ito sumabay sa amin para magalmusal.

Naikwento sakin ni Sanguini habang kumakain kami kanina na nagkakaganoon raw ang pamangkin dahil sa pagiwan rito ng mahal niyang babae, dati naman daw ay palagi itong nakangiti, malambing at mapagbiro pero ngayon gusto na lang manirahan sa kwarto habang buhay. Nagulat ako ng malamang kamukhang-kamukha ko ang nobya nito dahil sa ipinakita saking litrato. Natatawa ako dahil sakin sila nakaasa, na babalik ang dating Mikael dahil kamukha ko ang umalis nitong kasintahan, pero mukhang imposible, maaaring magkamukha kami pero magkaiba kami ng ugali.

Siguro ay lampas limang minuto na akong nakatayo sa harap ng pintuan niya. Kinakabahan ako. Hindi ko maiangat ang kamay ko para kumatok.

Huminga muna akong malalim bago pilitin ang braso kong ikatok sa pintuan ni Mikael. Nakatatlong katok ako pero hindi ako pinagbuksan. TSS. Kumatok pa ako ng mga apat na beses, wala parin.

Aksidente kong napihit ang doorknob at bumukas iyon. Hindi naman pala nakalock. "Tao po?" Mali ata ako dapat 'bampira po', natawa ako saking isip, nagawa ko pa talaga magbiro sa lagay na'to. "M-Mi-Mikael?"

Tuluyan ko ng ipinasok ang sarili ko sa loob. At napanganga ako sa laki ng kwarto niya. Panglalaki-na-Panglalaki ang dating. Ang ayos ng gamit, nakaorganize lahat. Naginit naman ang pisngi ko ng makakita ng mga nude life-sized painting.

Umandar ang pagkachismosa ko ng makita ko ang napakaraming picture frame sa may grand piano na nasa may bandang gitna ng kwarto. Inilapag ko muna saglit ang tray sa libreng mesa at lumapit doon.

Nabasa ko dati -sa libro ng kapatid kong hilaw na rapist- na allergic raw sa ilaw ang mga bampira, sa araw man o sa simpleng flash ng camera pero bakit tila ang daming litrato ni Mikael kasama ang nobya niya. Ay, Oo nga pala, naikwento rin ni Sanguini na kalahating tao si Mikael dahil tao ang nanay nito at hinalay lamang ng isang malibog na bampira, namatay raw ito ng ipinanganak si Mikael kaya si Sanguini na ang nagsilbi nitong ina, ginawa siyang bampira ni Mikael para sa mahabang buhay.

"What are you doing here!" Nagulat ako sa malakas na boses kaya nailaglag ko ang hawak kong picture frame at nagkapira-piraso yun sa sahig. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Mikael at pinagpapalit-palitan akong tignan at yung nabasag na frame.

"Alam mo ba kung ano ang nasira mo?" He said in gritted teeth. Hindi siya nakasigaw pero galit ang tono niya. Para niya akong lalamunin ng buo sa sama ng tingin niya.

"I'm so---

Lumanding sa mukha ko ang kamay niya, sa lakas nun ay napaupo ako at ang ipangtutungkod ko sanang kamay ay bumagsak sa mga bubog. Napaiyak na ako sa sakit.

Iniangat ako nito sa pamamagitan ng pagsabunot saking buhok.

"Ang ayaw ko sa lahat ang mga pakialamera!" Sigaw niya sa mismong tenga ko. Para akong nabingi. Ang sakit narin ng anit ko dahil sa pagkakasabunot niya.

"H-hindi ko sinasadya, please bitawan mo na ako, nasasaktan ako." Binitawan nga ako nito sa pagbalibag sakin at tumama ako sa mesa na pinaglagyan ko ng pagkain kaya natapon lahat sakin yun.

Muli ako nitong dinampot na para lamang akong basahan at ibinalibag sa kama. Gagapang na sana ako para tumakas pero naabutan niya ang binti ko. Hinawakan niya ako ng napakahigpit sa magkabila kong braso.

"Siguro naman ngayon Mendes magtatanda ka na!" Nangunot ang noo ko, Mendes? Diba yun ang pangalan ng nobya niya? Baka akala niya ako siya dahil nga magkamukha kami, baka naghahalucinate siya.

Tall, Dark and HungryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon