Hunger 6

7 0 0
                                    

Mikael's side, and written in third person point of view.

~~

Minsan lang magmahal si Mikael, nasaktan pa siya at iniwan. Hindi niya na namalayan ang matinding epekto nito sa kanya. Napabayaan niya narin ang society. Ang dating palakaibigan ngayon ay gusto na lamang magkulong sa kwarto at ayaw makita ang kahit na sino.

Sa tuwing bumabalik sa kanya ang pangyayari hindi niya maiwasang magwala o magalit, ang manakit. Nakita mismo ng dalawang mata niya ang pakikipagtalik ng nobya sa iba, sobrang nasaktan siya, parang natapakan nito ang pagkakalalaki niya. Bakit? Hindi pa ba siya sapat?! Anong kulang sa kanya?!

Nagdilim ang paningin niya noon at napatay ang kaniig ng kasintahan. Maging si Mendes ay nasaktan niya pero sa bandang huli nangingibabaw parin ang pagmamahal niya rito, handa niya na itong patawarin at magsimuli muli ngunit matigas na ang dating maamong si Mendes, umalis ito ng walang paalam at iniwan siya sa ere.

"Tama na, please." Bawat paghagupit ng latigo ay agad na lumalatay sa maputi at makinis na balat ni Ria. "Parang awa mo na.... Tama na."

Nung una wala siyang pake sa pagdating ng babaeng ito. Kahit magkahawig sila ng dating nobya ay wala siyang naramdamang espesyal katulad ng kay Mendes, pero noong nagtama ang kanilang mga mata, meron sa loob niya na nagsasabing, sa kanya ang babaeng ito... Hindi niya maaaring pakawalan, dahil pagmamay-ari niya ito.

"Makinig ka naman sakin, wag... Tama na." Nakakaawa na ang kalagayan ni Ria, daig pa niya ang isang kinakatay na hayup sa kanyang sitwasyon.

Nag-init ang ulo ni Mikael hindi dahil sa nabasag nitong litrato kundi sa pagpasok nito sa kwarto niya ng walang paalam dagdag pa ang pangingialam nito. Ayaw niya ng ganun lalo na't hindi niya pa ito lubusang kakilala, pero ng makita niya itong umiiyak biglang nagdilim ang paningin niya, bumalik sa kanya ang araw na pilit niyang binabaon sa limot, nakikita niya sa babae ang dating nobya, yung pangyayaring nahuli niya ito at nakuha pang magmakaawa wag patayin ang kasama nito sa kama.

Sobra siyang nasaktan nun, parang paulit-ulit siyang sinasaksak sa dibdib. Tinatanong niya sa sarili kung minahal ba siya ng kasintahan kahit konti o tumatanaw lamang ng utang na loob. Binigay niya naman ang lahat dito, ano pa bang kulang sa kanya.

Ayaw niyang saktan ang babae pero parang may pumupilit sa kanya na gawin iyon lalo na nung makita itong papatakas, maiiwan na naman siya ulit? Hindi na siya papayag. Hindi niya akalain na mabubuhos niya lahat ng hinanakit niya sa babae. Lahat ng bigat at sama ng loob ay ibinuhos na niya, sa kawawa at inosenteng si Ria.

"Patayin mo na ako... Okay lang, sige na... Patayin mo na ako." Huminto ang kamay ni Mikael sa ere at hindi natuloy ang siguro'y pangtatlumpong hampas nito.

"Sige na.. Pagod na ako, patayin mo na lang ako." Nangilakbot siya at naibaba ang kamay kasabay ng pagbitaw sa latigo at napahawak sa kanyang dibdib, parang may tumusok na kung anong roon. Walang sinuman ang magmamakaawa upang patayin sila, lahat ay humihiyaw ng tulong at dumadaing ng pagmamakaawa, ngunit iba ang babaeng 'to, gusto na nitong masundo ni kamatayan.

Napatitig siya sa babae at do'n napagtanto kung anong kahayupan ang nagawa niya rito. Halos hindi na makilala ang babae sa dami ng galos nito sa buong katawan, pinapaligo narin nito ang sariling dugo.

Nataranta si Mikael at kinalagan sa tali si Ria, bumagsak ang mahina nitong katawan sa kanyang bisig. Tangina! Ano 'tong ginawa ko! Galit na usal niya sa kanyang isip.

Tall, Dark and HungryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon