Nagising ako ng biglang nakaramdam ako ng lamig. Shem's! Nakahubad kasi ako, bra o panty wala! Kaya nanunuot sa kaduluduluhan ng ugat ko ang lamig. Kinapa ko ang kumot ng hindi ko idinidilat ang aking mata. Nang mahawakan ko na, mabilis kong ibinalot sa iyon sa katawan ko.Pero hindi pa nakakadaan ang isang minuto ay may biglang naghigit ng kumot at pati ako nasama. Sumalampa ako sa isang matigas na...
Kinusot ko ang aking mata at talagang dinilat ko ng malaki para masiguradong si Mikael nga itong katabi ko. Ibig sabihin hindi niya ako iniwan kagabi, tapos sinamahan niya pa ako rito matulog. Hindi ko alam sa sarili ko pero biglang naginit ang mga pisngi ko. At pumorma ang mga ngiti sa labi ko.
"Anong nakakatawa?" Shit! Gising na pala siya at nakatitig siya sakin. Nataranta ako kaya muntikan na akong mahulog sa papag, buti na lang nahawakan niya ang... Tsk! Sa pwet talaga!
Tapos ay napasampay ang braso ko tagiliran niya at napasubsob naman ang mukha ko sa dibdib niya. Nasilayan ko tuloy ng malapitan ang malutong na six pack abs niya. Damn! Nakakagutom!
Nagslide pataas ang kamay niya papunta sa bewang ko paakyat sa balikat ko at tumigil iyon sa may ulo ko na ginabayan niya na makahilig ng maayos sa dibdib niya. Sa ginawa niya dumaloy ang milyong milyong kuryente sa katawan ko. Para akong teenager na kinikilig sa ginawa niya. Hindi ko na napigilang mapangiti ng todo tutal hindi naman niya nakikita.
Napatingin ako sa may pahalang na butas sa itaas ng kwarto, nagsisilbi yung bintana para sakin. Napansin kong maliwanag na, ibig sabihin umaga na pala. Nageenjoy man ako sa ganitong sitwasyon kailangan ko paring tulungan si Sanguini para maghanda ng umagahan.
Tatayo na sana ako ng binigatan niya ang kamay sa may ulo ko. "Just stay still." Sabi nito sa namamaos na boses, marahil ay kakagising lang kasi.
"A.. Ka-kasi tutulungan ko pa si Sanguini sa paghahanda ng almusal."
Wala akong nakuhang sagot sa kanya, nanatili lang siyang nakapikit.
"Alam mo kasi nakakahiya kung hindi ko siya matutulungan ngayon, inaasahan niya kasi ako tuwing umaga 'e."
Ganun parin, wala parin siyang kibo.
"Kung gusto mo----
"Ba't ba ang daldal mo?! E di umalis ka kung gusto mo!" Tinalikuran ako nito kaya halos mahulog na ako sa pagisod niya. At sinakop niya ang buong papag.
TSS! Topakin! Ambilis uminit ng ulo! Daig pa ang babaeng may buwanang dalaw! Padabog kong dinampot ang damit ko at sinuot yun.
Nilakbay ko ang daan papuntang kusina pero nasa sala palang ako ng makita ko si Arkis. Napangiti ako. Babatiin ko na sana siya ng may humablot sakin at tinangay ako paakyat ng hagdan. Sa sobrang bilis niya pakiramdam ko hangin ang tumatangay sakin.
Nakita ko na lang ang sarili sa loob ng banyo kasama si Mikael.
"May gusto ka ba kay Arkis?" Nakakunot noong tanong nito habang hinuhubad ang maong na pantalon sa harap ko.
"A.. E.. I...----
"Ano balak mong komplituhin ang patinig bago ka sumagot ng maayos?"
Tangina! Sino ba naman kasing makakapagsalita habang naglilive stripping siya sa harapan ko. Di ko tuloy alam kung saan ako magpopokus. Sa tanong niya ba o sa katawan niya.
Sa huli napagdesisyunan kong tumalikod.
"Babatiin ko lang naman siya ng good morning, wala akong gusto sa kanya noh!" Pagdepensa ko. Totoo naman! Gusto ko lang siyang batiin. Yun lang!
BINABASA MO ANG
Tall, Dark and Hungry
AléatoireA wild beast who crave for human flesh, A woman whom wants affection, Both different world, but love made them as one. Written year 2017 Language: Filipino Written by: MissParanotic