Hunger 7

8 0 0
                                    

(Ria)

Naalimpungatan ako sa isang malakas na kalabog. Napabalikwas ako sa pagkakahiga. Sht! Ang sakit ng katawan ko. Nahihirapan pa akong idilat ang mga mata ko dahil sa sobrang pamamaga nito.

Napadaing ako ng sakit sa may hita ko. Lintek! Ang hapdi! Pinilit kong igalaw ang katawan ko kahit mahirap. Bumaba ako ng kama at hindi ko inaasahang matutumba ako. Tangina! Ganto ba ang katinding pagkabugbog ang naranasan ko. Hindi ko na pinilit pa ang sarili ko at nanatili na lang nakaupo sa gilid ng kama.

Narinig ko muli ang mga kalabog. Napayakap ako sa aking mga tuhod. Hindi ko mapigilan ang pagnginig ng buo kong katawan. Natatakot ako! Baka saktan na naman niya ako! Bakit ba hindi niya pa kasi ako pinatay? May balak ba siyang paghiwalayin ang ulo ko sa katawan ko para tumigil na siya.

Kumalabog ulit. Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang pagnginginig nito. Pero ang pagbagsak ng mga luha ko ay hindi na napigilan pa. Sunod sunod na silang nagsipatakan.

Ang hina ko! Ang hina hina ko! Bakit sa lahat ng problemang napagdaanan ko, dito ako pinakanaduduwag. Hindi ko magawang lumaban, tinakasan ako ng tapang ko! At sht! Hiniling ko pa na patayin niya na ako! Hindi ko masisisi ang sarili ko, marahil ito na ang pinakamatindi.

Sa sobrang pagiisip hindi ko namalayang nakatulog na pala ulit ako.

Nagising na lamang ako ng may humaplos ng buhok ko. Akala ko si Sanguini kaya iniangat ko kagad ang ulo ko mula sa pagkakayuko pero nadismaya lang ako, pagkadismaya na napunta sa takot.

Si Mikael!

Anong ginawa niya rito?!

Umatras ako ng umatras hangga't napasandal na lamang ako sa side table na yari sa kahoy. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Napapikit ako ng mata ng inilapit niya ang kamay sakin. Akala ko sasampalin niya ako pero, hindi.

Inilapag niya ang palad sa aking noo, pababa saking leeg, balikat, Dibdib, tiyan... Nailang ako ng hawakan niya ang hita ko. Napasinghap ako ng marahan niyang hinaplos iyon. Pero bakit ganun! Hindi ako makagalaw! Nanigas na lang akong bigla. Uminit rin ang paligid. Bakit gano'n?!

Idinilat ko ang aking mga mata at sumalubong sakin ang pares ng mga asul na mga mata. Napanganga ako. Ibang iba ang mga matang yon kagabi lang. Biglang nawala ang takot at kaba ko. Guminhawa narin pati pakiramdam ko. Anong ginawa niya sakin?

Napababa ang tingin ko sa mga rosas niyang labi. May kung anong tumulak sakin at hinalikan ko siya.

Sht!

Anong sumapi sakin at hinalikan ko siya. Hindi dapat nangyayari 'to! Matapos niya akong bugbugin, hahalikan ko siya?! Ano bang kalokohan 'to!

Kakalas na sana ako sa halik ng gumanti siya ng mas malalim na halik. Hindi na ako nakawala pa. Lalong naghina ang mga tuhod ko kaya napakapit ako sa matigas niyang balikat.

Hinapit niya ang bewang ko at idinikit sa katawan niya. Napaungol ako do'n. Kinagat niya ang ibabang labi ko kaya napabuka ang bibig ko at malaya niyang naipasok ang dila sakin at pinaglaruan ang dila ko. God! Nababaliw na ata ako! Ayaw ng isip ko 'tong ginagawa ko pero yung katawan ko ayaw sumunod.

"Nand-----

Naitulak ko si Mikael sa sobrang gulat. Si Sanguini kasi biglang pumasok.

"Pasensya na, itutuloy niyo na."

Sobrang hiya talaga ang nararamadaman ko ngayon! Aba dapat lang na mahiya talaga ako! Ako nagsimula!

Tall, Dark and HungryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon