Chapter 1.2

9.1K 249 0
                                    


"Talitha, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Dorcas sa kaibigan. Nasa loob sila ng ladies' room ngayon dahil kinailangan niyang samahan ang kaniyang kaibigan dahil sa sunod-sunod na pagsusuka nito. Kung bakit kasi napadami pa rin ang nainom nitong alak kahit ilang beses pa niya itong sinaway.

Hindi makasagot si Talitha. Putlang-putla ito at tila nanghihina. Hindi nakatulong ang marahan niyang paghagpos sa likod nito.

"I guess we need to go home. Ikaw kasi, bakit ba ang tigas ng ulo mo? Para kang lalaki kung uminom," inis na sabi niya habang inilalagay sa sariling balikat ang isang braso ng kaibigan. Hindi nito kayang maglakad mag-isa kung kaya kailangan niya itong alalayan. Wala namang kibong sumunod lang si Talitha. Dinampot niya ang sling bag ng kaibigan at kahit kapwa nahihirapan ay paika-ika silang lumabas ng ladies' room.

Medyo mahaba ang pasilyong nilakad nilang dalawa upang makalabas sa pribadong lugar na iyon. Pagtapat nila sa men's room ay tiyempo namang may tatlong lalaki na nakatambay sa pinto. Agad niyang namukhaan ang mga ito. Ito ang grupo ng mga lalaki na katabi nila ng table at nahuli niyang nakatitig sa kanila ni Talitha. Pulos guwapo, makikinis at maaayos ang mga damit palatandaang may sinasabi sa buhay. Ang may mahabang buhok ang pinakaguwapo at pinakamatangkad sa tatlo. Ang isa naman ay medyo chubby ngunit may itsura rin. Ang isa naman ay medyo maliit at payat at may mohawk na hair style.

Sinadya kaya ng mga ito na tumambay sa parteng ito upang makita ang lasing nilang itsura at kung gaano sila kamiserable? Puwes, nagkamali sila. Dahil si Talitha lang ang lasing at hindi siya.

Parang nakakalokong ngumisi ang mga ito pagkakita sa kanila. Makahulugan ang mga palitan ng sulyap sa isa't isa.

"Need help? Mukhang lasing na lasing ang kasama mo, ah." magaspang na bati sa kanya ng long hair. Guwapo nga ito ngunit bastos kung makatitig. Lumipat ang mga mata nito kay Talitha. "Hi, baby."

"Hi," mapanuksong tugon naman ni Talitha.

Nainis si Dorcas sa malanding sagot ng kaibigan. "No, thanks," pormal na tugon niya. Binilisan niya ang hakbang hanggang halos makaladkad na niya si Talitha.

"Friendship, ano ba? Nagmamagandang-loob lang naman iyong tao," tutol ni Talitha na tila hindi nagustuhan ang pagmamadali niyang makaalis na agad sa lugar na iyon.

"Shut up, Talitha. Binabastos na tayo pero hindi ka pa rin nakakahalata?" gigil na sabi niya.

Ngunit sinundan sila ng lalaking nagsalita at maagap na iniharang ang katawan sa kanilang dalawa. Nasa likuran naman

nila ni Talitha ang dalawa pa nitong kasama na kapwa nagtatawanan.

"Ang suplada mo, ah. Akala mo kung sino kang mahinhin." Matalim ang pagkakatitig nito sa kanya.

Agad na nag-init ang mukha ni Dorcas. Ngunit kahit nakaramdam ng pagkainsulto sa ginawi ng mga lalaki ay pinili na lang niya na magsawalang-kibo. Wala siyang panahong makipag-away at higit na mas mahalaga ngayon ang makauwi sila alang-alang na rin sa kondisyon ni Talitha. "Just let us go," mahinahong sabi niya.

Tila walang narinig si long hair. Agad itong lumapit kay Talitha sabay hapit sa baywang nito. Kapwa nila hindi inaasahan ang kapangahasan ng lalaki.

"Come with me, baby. I'm sure you want me to knock you up," magaspang na sabi ng lalaki.

"Bitiwan mo ako," sigaw ni Talitha na tila biglang nawala ang kalasingan. Nagpipiglas ito ngunit lalo namang humigpit ang yakap dito ng lalaki.

Elusive Me (Scandals and Seduction Series Book 2) Self- Published/IncompleteWhere stories live. Discover now