"Kilala mo siya, hindi ba?" Pangungulit ni Talitha kay Dorcas habang naglalakad sila pabalik sa kanilang table matapos kumuha ng pagkain sa buffet table. Pinili nilang magkaibigan ang isang mesang pangdalawahan lamang upang makapag-usap sila.
Mabuti na lamang at mahigit isang daan ang lahat ng empleyado na naroroon sa maluwang na hall kung kaya naging imposible para kay Errol na makita si Dorcas na labis naman niyang ipinagpasalamat. Isa pa ay hindi naman ito tumatayo sa pagkakaupo kasama ang board of directors, at naging abala ito sa pakikipag-usap sa deans, heads at iba pang office managers ng PSU.
"Who doesn't know the Mondegos here in our province?" sagot-tanong niya kay Talitha pagkatapos lumagok nang malamig na tubig. Kanina pa nanunuyo ang kanyang bibig at lalamunan dahil sa pagkabigla at tensyon sa kaalamang ang iniiwasang lalaki ang bagong big boss ng pinagtuturuang pamantasan. Pakiramdam niya tuloy ay hindi lalampas sa lalamunan niya ang pagkain sa mga sandaling ito.
"Of course I know them as a prominent family here. Idagdag pa na ang governor ng ating lalawigan ngayon ay si Simoun Mondego na lolo naman niya. Pero hindi araw-araw ay nakakakita ako ng miyembro ng pamilya nila kung kaya hindi pamilyar sa akin ang mga itsura nila. Pero siyempre iba ka, Dorcas. Your brother-in-law Stefano is his first cousin, kung kaya madalas mo siyang nakikita sa mga family occasion, I'm sure."
Sumulyap si Talitha sa kinaroroonan ni Errol. Bahagyang nakagilid ito kung kaya kalahati lang ng mukha ang nakikita nila. Hindi maitago ni Talitha ang kilig dahil sa kaguwapuhan nito.
Maging si Talitha ay hindi maitago ang paghanga sa lalaki. "My gosh, friendship. Ang guwapo niya. Paano mo nagawang ilihim sa akin na may kilala ka palang ganito kaguwapo? Ni hindi mo siya nababanggit sa mga kuwentuhan natin? Mukha siyang artista at pinoy na pinoy ang itsura at kulay niya. At ang height! My gosh! I think he is six footer or above."
"Correction, he's just a mere acquaintance," inis niyang sabi sa nagwawalang kaibigan. "Hindi close ang family ko sa mga Mondego. Una ay dahil we're political rivals. Pangalawa, ay dahil wala ni isa mang miyembro ng aming mga pamilya ang nag-effort na maging magkakaibigan kami."
"You mean hindi man lang kayo nagkakausap o nagkausap man lang ng lalaking iyan kahit kailan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Talitha. Mukhang nakalimutan na nito ang pagkain kahit kanina lang ay dumaing na ito ng gutom. Panay pa rin ang sulyap nito kay Errol na noon ay kumakain na. Maging siya ay hindi rin mapigil ang sarili sa pagsulyap at panaka-nakang mapatitig dito.
Tama si Talitha. Guwapo talaga si Errol mula ulo hanggang paa. Bagama't noon pa niya iyon napapansin ay pilit naman niyang iwinaksi sa isip sa takot na mahulog siya rito lalo na at nagparamdam nga ito sa kanya noon. Ginawa niya ang pag-iwas dahil sa paniniwalang hindi siya bagay dito. Idagdag pa ang eskandalong kinasangkutan ng kani-kanilang pamilya.
Napabuntong-hininga si Dorcas. May dapat ba siyang panghinayangan sa hindi niya pamamansin noon sa lalaking ito? Bakit ngayon ay tila may kiliting hatid ang kaalamang narito rin ang binata sa lugar na ito kahit ilang metro ang layo sa kinaroroonan niya at tila imposibleng mapansin siya dahil sa dami ng tao.
"Hoy, friendship. Ano ba? Pati ba naman ikaw ay na-starstruck na rin sa kanya?" Ikinumpas ni Talitha ang dalawang kamay sa mukha niya upang kunin muli ang kanyang atensyong inagaw ng presensiya ni Errol. Napakurap siya.
"Ano nga palang itinatanong mo kanina?"
"Kunwari ka pa, friendship. Aminin mo man o hindi, attracted ka rin sa kaguwapuhan ng bago nating university president." Sinundan iyon ni Talitha ng hagikhik. Napatawa na rin siya. "Pero hindi kita masisisi. He's very hot and looks very manly. Lumalabas na ang nakatagong kalandian sa katawan mo, friendship. Iniisip mo rin ba ang nasa isip ko? Like, kung gaano siya kasarap sa kama?"
![](https://img.wattpad.com/cover/79483092-288-k256200.jpg)
YOU ARE READING
Elusive Me (Scandals and Seduction Series Book 2) Self- Published/Incomplete
Romance"I am crazy with love, Errol. I yearn for the comfort of your lustful touch. Your hungry mouth awakens all maiden desire in me until I ablaze wonderfully. I ache for your love, I crave for your soul. Own me forever and never set me free."