Chapter 1.1

16.3K 295 7
                                    



Nangingiting ini-log off ni Dorcas ang kanyang Skype account. Katatapos lang nilang mag-usap ng kaniyang ate na si Daphne na kasalukuyang nasa Spain kasama ng kabiyak nito na si Stefano. Masayang ibinalita ng kaniyang ate ang tungkol sa malusog na sanggol na nasa sinapupunan nito.

Ngunit kaakibat ng kaligayahan nilang magkapatid sa biyayang handog ng Diyos ay ang kalungkutan dahil sa suliraning pinagdadaanan ng kanilang pamilya ngayon. Nang malaman ng kanilang ama na si mayor Rodante na sumama si Daphne kay Stefano ilang buwan na ang nakakaraan ay inatake ito sa puso dahil sa matinding galit at pagdaramdam. Kasunod noon ay sumailalim ang kanilang ama sa isang maselang operasyon.

Bagama't tagumpay ang ginawang heart surgery kay mayor Rodante ay pinaalalahanan sila ng doktor na hindi pa lubusang magaling ang pasyente. Anomang oras ay puwede uli itong atakehin at magiging delikado na ang susunod. Kung kaya dobleng pag-iingat ang ginagawa nila ng kaniyang mommy Elaine sa pag-aalaga dito. Binantayan nila ang diet ni Rodante, ang tamang oras ng pag-inom ng gamot at hangga't maaari ay ang pag-iwas na bigyan ito ng problema o anumang makasasakit sa damdamin nito.

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Dorcas. Oo nga at tahimik at masaya na ang ate Daphne niya sa ibang bansa kasama nang pinakamamahal nitong lalaki. Ngunit hindi siya. Nahaharap siya ngayon sa matinding problemang pinansyal. Dahil sa operasyon at patuloy na gamutan sa ama ng kanilang tahanan ay halos maubos ang lahat nilang naipundar. Sumabay pa ang demandang graft and corruption na isinampa ng mga Mondego dito na lalong nakadagdag sa kanilang gastos. Kung bakit naman kahit nag-aalok ng tulong si Daphne at Stefano ay matigas itong tinatanggihan ni Rodante.

Mabuti na lang at kahit papaano ay malapit na siyang ma-permanent bilang instructor sa Pontevedra State University dahil natapos na niya ang dalawang taong masteral studies bilang requirement ng pinakamalaking pamantasan na ito sa kanilang lalawigan. Dahil sa may kalakihan din naman ang sinusuweldo niya ay natutugunan niya kahit papaano ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Ang malaking problema nga lang nila bukod sa pagpapagamot ng kaniyang daddy ay ang attorney's fee dahil sa mga kasong hinaharap nito. Ang totoo ay unti-unti na nilang naibebenta ang mga naipundar ng kanilang pamilya.

Kung tutuusin ay mas masuwerte ang kaniyang ate Daphne dahil tahimik na itong namumuhay kasama ni Stefano sa ibang bansa. Samantalang naiwan sa kaniya ang pagpasan sa napakalaking responsibilidad ng pagtataguyod sa kanilang pamilya. Kung bakit sa kabila ng hindi pantay na pagtrato noon ng kanilang ama sa kanilang magkapatid ay mas pinili pa rin niyang maging isang mabuting anak. Marahil ay nais rin niyang patunayan sa kaniyang daddy na kahit hindi siya kasingganda at kasingtalino ni Daphne ay kaya niyang ibigay dito ang respeto at pag-aaruga na hindi naibigay ng paborito nitong anak. Kesehodang nahihirapan siya at minsan ay halos i-give up na niya ang lahat maging ang kalayaan niya bilang isang dalaga.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang pumasok sa faculty room ang best friend niyang si Talitha Zaldriaga, bunsong kapatid ni Misty na kaibigang matalik naman ng ate niya na si Daphne. Katulad ni Misty ay maganda rin ito. Isa rin itong instructor sa PSU. Kapwa sila nagtapos sa pamantasang ito at pareho ding na-hire bilang mga instructor pagka-graduate nila. Sa tourism department napapunta si Talitha samantalang siya naman ay sa hotel and restaurant department.

"Tapos na ang break, friendship. Klase na uli," wika ni Talitha sabay baba ng hawak na mug na may lamang mainit na kape sa kanyang table. Kasisimula pa lang ng first semester kung kaya medyo maluwag pa ang kani-kanilang schedule.

Napangiti si Dorcas sa pagiging maalalahanin nang matalik na kaibigan.

"Sis, you know I no longer drink coffee. Nagkaroon ako ng acid reflux one month ago at natatakot ako na umulit iyon."

Elusive Me (Scandals and Seduction Series Book 2) Self- Published/IncompleteWhere stories live. Discover now