Name: Wavehelm Zara
Username: Wave09
Motto: Risking is your only survival
Hobby: editing photos, videos, dancing, annoying people
Passion: writing, reading, singing, travelling
Team: Canopus
Describe yourself: Mean, madaling magtampo, sweet lalo na sa girls, easy to deal with, makulit, mataray, madali ako magsawa sa paulit-ulit na bagay, hindi ako madaling kiligin, nanununtok ako ng balikat kapag kinilig ng todo, inaasar ko ang crush ko, lagi akong on time kaya kapag late ka wag mo muna ako kausapin dahil tatarayan lang kita. Give me about 5 minutes to relax. Matakaw ako pero hindi halata. MAHILIG AKO SA DRESS pero iba pinagsusuot ko. Buksan mo wardrobe ko black at red lang makikita mo well may ibang kulay naman dahil ng mom ko, but Geez! I hate pink sorry for oink lovers. Oh! OC nga pala ako.
Your color: black is the only hope that I could hold onto when everything turns upside down.
Define Life: It is like a drama story with a particular cycle that we often read. Kung wala iisang cycle na iniikutan ang bawat kwento ng tao saan nanggaling ang mga istilo or structure na ginagamit ngayon sa mga pelikula o teleserye? Life is about giving everyone an opportunity but the outcome depends on the person’s chosen path.
In addition, life has all the answers to our questions we just need to reveal it.
Define Love: Love is the most appreciated element in life. Bakit? Ask yourself.
Define Astras: Astras is my girls. Since isa ako sa mga lalaki LoL or should I say I grew up surrounded by guys nasanay ako sa company nila. So, and Astras ang ang tanging nagpapatino sa aking boyish attitude. Sa kanila lumalabas ang pagkababae ko kaya minsan naiinis ako kasi kapag may nagdramang isa pati ako nakakapagdrama LoL
Talked about guys: They are nothing without women. Just kididng ang harsh ko pala. Since I’m one of the boys I will describe them as a rose. Nakakaakit sila, pero sa oras na magkamali ka ng hawak sa kanila, masasaktan ka. Pero kaninong fault ‘yun? Of course sayo wag ka manisi alam mong may tinik pero you still took the risk. Women controls men, but men unconsciously steals women’s sanity.
Describe your Ideal man: cute, matalino, approachable, magaling sa english (kasi bulok ako), laging nakikipagdebate sakin in a good way, may sense of humor pero medyo tahimik, most importantly ‘yung napapakilig ako even in his simplest way. (In short mala anime ang dating)
Did your ideal man turned out real: Yes. Pero may nililigawan na siya so contented na akong sumusulyap sa kanya (Kaya nga ideal eh... A creation of one’s imagination)
What kind of a writer are you: Marami ako laging ideas pero hindi ko siya laging naipa-publish sa wattpad dahil tinatamad ako. Never akong nakaranas ng Writer’s block pero kung ang katamaran ay WB then nakaranas na pala ako. Romace talaga ang genre ko but since naging bitter ako nagfocus ako sa mystery or thriller at sa action and sci-fiction. Oh tamad din pala ako mag proofread ng sarili kong gawa kasi nga feeling ko paulit ulit nakakasawa.
When and how did you start writing: Kung poem grade 3 ako nun. Nag start ako grade 5 mga story. Mga 10 years old ata ako nun kasi malandi na ako ng stage na ‘yan. May naging crush ako and since I am a transferee I don’t know how to approach him so gumawa ako ng story well LOVE STORY kami yung bida pero may codename ako para di halata. Tapos isinali ko na rin yung mga friends ko na may mga secret crush din.
How did you discover wattpad: Isa sa mga friends ko na kasali sa first ever LOVE STORY na ginawa ko ay nakigamit sa bahay ng laptop tapos pinacheck yung crush niya daw na si Ken ba ‘yun? Whatever basta yung sa SDTG. Tapos ayun sabi niya bakit ayaw mo itry? Diba mahilig ka magsulat. At ito ako ngayon.
Why did you use that username: My real penname sana is Zara pero kahit mahal ko ‘yan mejo di bagay kasi common na. Then one of my friend (na isa ulit sa story na una kong ginawa) suggests a name. Una, Warren kaso sabi ko yung mejo unique at unisex haha so ayun naging wade, eh since mahilig ako maligo sa dagat noon at mahilig ako mag- marimar sa alon... doon nakuha ang wave.
As a reader, what kind of story do you want to read and why: Gusto ko ‘yung hindi paulit-ulit pero since ganun talaga sa industriyang ito as long as my twist and it will keep me interested okay na dahil kapag rwriter ka, as a reader dapat lahat ng klase binabasa mo. Para kapag tumapak ka na sa path mo, kahit paano naging handa ka. Pero wala nga lang shortcut.
Beauty tip/s for your reader: OMG ano alam ko sa ganito? Eh sarili ko nga takot sa make up. Anyway sige beauty tips ko. Para sa armpit, kalamansi. For the eyes, pipino. Para sa anit, gata ng niyog. Para sa labi, olive oil. Para sa kutis, kumain ng prutas. Pang diet? Ay magcontrol lang walang tips dun na effective kung hindi ka marunong magcontrol.
Writing tip/s for your reader: Magbasa hanggang magsawa. Once na nagkaroon ng idea, if you’re still not sure then outlining is helpful. Pero advise ko talaga sa lahat ay ganito, pagkagising mo wag ka mag isip pero try to write anything na pumasok sa utak mo o kahit mga images. In time, hindi mo aakalain “ay may nabuo akong story dahil sa tidbits na images or words na naisulat ko.”
![](https://img.wattpad.com/cover/9991874-288-k927554.jpg)
BINABASA MO ANG
Girl's Logic
Non-FictionThese are the perspectives of the Pretty Wattpad Writers or also known as ASTRAS. Try to relate. Be inspired. Know their secrets. And be one of us (if you passed).