YHEEN's Logic

315 11 4
                                    

Name: Charlene Mae ‘Nayin’ Yagdulas

Username: @nayinK

Motto: Gawin ang mga bagay na makapagpapasaya sa’yo para hindi mo pagsisihan sa huli na may hindi ka nagawa na gustong-gusto mo. (Sariling pananaw. Sariling paniniwala.)

Hobby: Madalas akong nakaharap sa laptop, nakiki-WiFi. Pag-iinternet, bagay na hindi ko kinatamarang gawin. Kung hindi ako nagne-net, nagbabasa ako ng novel sa cellphone ko o kaya nagsusulat ng update sa kwento o kaya katext si mahal ko.

Passion: Nagpapakadalubhasa sa pagsusulat, pagbabasa at pagpapasaya sa sarili.

Team: Arcturus

Describe yourself:

Ako ay isang dalagang hindi mukhang dalaga. Maliit sa edad ko, sakto lang ang katawan pero madalas sabihan ng payat kahit hindi naman. Pinagmamalaki ko ang eyabags na malamang sa malamang makikita sa ilalim ng mga mata ko. Mula ng mag-aral ako hanggang ngayon, hindi niya na ako iniwan. Imbis na mawala, lalong kumakapit. Bahagi na ng sarili ko. Bukod sa mga bata ko na kulay brown, ipinagmamalaki ko rin ang buhok ko na blonde pero natural. Hindi pa nalalagyan ng anumang kemikal.

Ako ay isang dalagang matapang at marunong makisama. Lumalaban kapag alam kong tama ako pero tumatanggap ng pagkakamali at kabiguan. Sa dami na ng mga napagdaanan ko at mapagdadaanan pa, lumakas na lang ako. Ibang klase kasi ang problema, daig pa ang extra joss at iba pang bitamina.

Ako ay mahiyain pero maingay at madaldal na kapag malapit na kakilala ang kasama. Ako ay mapagmahal at sobra kung magpahalaga ng mga taong importante sa’kin. Ako ay may pagpapahalaga sa pag-aaral ko kahit na madalas ay dinadapuan ng katamaran. Ako kasi ang pag-asa ng pamilya ko.

Ayon naman sa kanila, mataray ako, masungit, masama. Mula pa ng magkamuwang ako, ang mga katangiang ‘yan ang kinakabit sa pangalan ko dahil sa impresyong binibigay nila sa’kin na hindi naman nagtatagal. Sa huli, humihingi na lang sila ng dispensa sabay sabing ‘ang mga ‘yun ay akala ko lang pala.’

Nakakaloko, hindi ba? Bakit ba kasi ang mundong ito’y puno ng panghuhusga?

I love: Sampaguita. Ulap. Bulak. Bond paper. Ilaw. Anghel. Gusto ko ng puti. Malinis, payapa, tahimik.

Gusto ko ng kalinisan, kapayapaan at katahimikan sa mundo at sa sarili ko. Sa puso’t isipan ko at ng ibang tao.

Define Life:  Ang buhay ay buhay. Punung-puno ng mga salungat na bagay. May kaguluhan, may kapayapaan. May malakas, may mahina. May wasak at sira, may buo’t gumagana. At ang pagpapakalugan sa tinatawag na buhay na pinahiram lang naman sa atin ay nakadepende sa nagpapatakbo nito. Kung paano mo gugugulin ang oras mo sa pagsasayang sa buhay na pansamantala lang namang sa’yo.

At habang nabubuhay ka, ihanda mo ang balde-balde mong tiyaga, tapang at determinasyon. Paikutin mo ang buhay mo. ‘Wag mong hayaan na pangunahan ka ng ibang tao.

Define Love: Ang pagmamahal ay ako, ikaw at Siya. Pag-ibig na nararamdaman ng puso nating mga tagasunod Niya. Kanya-kanyang interpretasyon ngunit iisa lang din ang babagsakan – naiibang nararamdamang hindi mabigyan ng kahulugan.

Define Astras: Ang Astras ay pinagsama-samang mga bituin na may iba’t-ibang katangian, uri at kakayahan. Pare-parehong nagbibigay liwanag at kinang sa madilim na kalangitan. Mga manunulat na pinagsama-sama upang bumuo ng pamilya kasabay ng paghasa ng talento at magbigay ng kulay sa buhay ng iba.

Talked about guys: Ang mga lalaki ang madalas hinuhusgahan. Sila na tao lang din naman at hindi sa lahat ng oras ay makasalanan. Sila na hindi makukumpleto kung walang kapareha. Sila na kukumpleto din naman sa buhay ng mga dalaga.

Describe your Ideal man: Ang gusto kong lalaki ay ‘yung hindi perpekto pero totoo. Kailanman hindi aalis sa tabi ko. Hindi ako iiwan lalong-lalo na sa mga oras ng kabiguan. Lalaking hindi lamang ako mamahalin dahil sa mahal niya ako kundi dahil din mahal niya ang sarili niya. Lalaking uunahin ang kapakanan ng pamilya niya kaysa sa anupaman. Lalaking may takot sa Diyos. Lalaking may pangarap at kasama ako sa pangarap niya. Lalaking hindi lamang ako pasasayahin kundi paiiyakin din dahil sa ligaya. Lalaking tulad niya, ng kasintahan ko. Nang makilala ko siya, walang duda, siya na talaga!

Did your ideal man turned out real: Oo. Kasama ko siya’t kapiling. Hindi lang ngayon kundi magpakailanman. Salamat sa Diyos, binigay siya sa’kin. Kaya heto ako, masaya’t kumpleto.

What kind of a writer are you: Ako ang tipo ng manunulat na nagsusulat hindi lamang para sa sarili kundi para sa iba. Nagsusulat para maibahagi sa kanila ang mga natatagong laman ng utak at puso ko. Sinusulat ang mga hindi nasasabi ng bibig ko at ng mga bagay na tanging puso ko lang ang may alam. Na sa bawat akdang magagawa ko, may bahagi ng pagkatao ko.

When and how did you start writing: Ako ay nagsimulang magsulat noong elementary dahil sa mga sulating pangwakas at di pormal na pinapasa sa eskwelahan. Pinatawag ako ng teacher ko sa Filipino, isang araw, kinukha ako bilang Feature Writer ng school publication. Nagtaka ako’t nagulumihanan. Ano bang nagawa ko? Bakit ako? Hanggang sa pinaintindi niya sa’kin, kaya ko raw magsulat at mga nasusulat ko raw ay may kabuluhan. Mula noon, nagsulat na ako at sumali sa mga Press Conference. Nagpatuloy hanggang high school. Ngunit pagkagraduate ko, kinalimutan ko. Ayoko na, sabi ko. Pero nang matagpuan ko ang Wattpad noong third year ako, ang una kong minahal, binalikan ko. Kaya rin, may nababasa ka ngayong ganito.

How did you discover wattpad: Natagpuan ko ang Wattpad dahil sa dalawang kaibigan na kamag-aral ko rin. Pawing mga reader sila at inengganyo akong magbasa offline. Hanggang sa gumawa ako ng account, mas natutong magbasa at sinubukang magsulat.

Why did you use that username: Ang gusto ko lang talaga ay ‘nayin lang pero ayaw ni Wattpad ng less than 6 kaya nilagyan ko na lang na letter K dahil Kevin ang pangalan ni boyfriend. Hindi ko naisip na pwede palang gumamit ng underscore. Pero mas gusto ko na ang ‘nayinK’. Siya naman ang numero unong supporter ko.

As a reader, what kind of story do you want to read and why: Bilang isang mambabasa, naeengganyo akong magbasa ng mga Adventure at Fantasy na genre bilang gusto ko ng kakaiba, ‘yung tipong madadala ako sa naiibang kinalalagyan ng mga bida. Mahilig din ako sa mga nagpapaiyak sa puso, mga tragic at drama. Syempre, maging Romance ay mahal ko rin.

Beauty tip/s for your reader: Maganda ka na. Kailangan mo na lang panatilihin ito. Magpahinga, ‘wag i-stress-in ang sarili ng husto. Matulog ng sapat. Kumain ng tama. Mag-exercise. Maging inspirado.

Writing tip/s for your reader: Mayroon akong Writing Tips na ginawa. Matatagpuan iyon sa profile ko. Kung ilalagay ko ‘yun dito, masyado itong hahaba. May Tips for Readers din. Gawa ng kinakalawang ngunit gumagana kong utak.

Girl's LogicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon