CRIS' Logic

249 2 0
                                    

Name: Crisanta Diana Borbe

Username: AyanMendez

Motto: You can never plan the future by the past.

Hobby: Mall strolling. Err, more like book store strolling (NBS, Booksale, Fully Booked)… Mmm, matatawag din bang hobby ang “eating”? Hehe.

Passion: Writing. Reading good books while sipping coffee.

Team: Rigil Kentaurus.

Describe yourself: Sa pagkakakilala ko sa sarili ko, tahimik lang. Ako iyong mabubuhay kahit na ilagay niyo lang ako sa isang sulok at walang kausap. Basta ba may hawak na libro o cell phone o pagkain. Nakamamatay ang boredom. Though, kaya ko siyang paglabanan. At ako ang taong mahilig magpunta sa mall mag-isa. But my friends will disagree with these things I just said. Para sa kanila, ako na ang pinakamaingay, pinakalagalag at pinakakalog na taong nakilala nila. At ang super weird ko raw. Kfine.

Your Color: Gray. Medyo unusal, 'no? Pero para sa akin kasi, gray is soothing. Iyong tipong nare-relax ako kapag tiningnan ko siya. Kaya nga karamihan sa mga gamit ko kulay gray. Pati ballpen ko tapos karamihan sa notebooks at blouse (may touch lang iyong iba). Saka ang gray parang mood ko lang. Kapag makulimlim, gray ang kulay ng langit 'di ba? Ganoon ako. Hindi mo alam kung tutuloy ba ang pag-ulan o hindi.

Define Life: Life is something that isn’t taken for granted.

Define Love: “Love requires a leap of faith, and often it has no reason. It simply exists.” Sabi ni Lord Merrick, ang gwapong piratang character doon sa isang English novel na nabasa ko recently. H-in-igh light ko 'to actually. Haha.

Define Astras: Astras? Honestly, I don’t have the slightest idea what astra means. Seriously. Haha. Pero and astras… Sila ang nagbigay ng kulay sa walang buhay kong Facebook. Haha. Hi, pretties.

Talked about guys: Guys? Hindi sila kompleto kapag walang girls. And vice versa. Uhm… I can’t say more. Iisa lang ang kaibigan kong lalaki, eh.

Describe your Ideal man: Ano 'to, physically, mentally? Socially? Arf. Haha. Ano, ewan… Sige, 'pag physically, okay kung maputi or katamtaman ang kulay. Preferably, iyong maganda ang mata, kulay gray siguro ang mata. Blue-gray. Teka! Haha. Meron ba no’n? Ewan. Tapos… Sa totoo lang, wala akong ideal man. Basta kapag nagustuhan ko, ayos na. Wala naman kasi talaga iyon sa physical attributes, tama? Basta marunong magmahal at magpakumbaba. May takot sa Diyos. Sige, idagdag ko ang lalaking may magandang boses at sana, iyong musically inclined. Magpapaturo akong maggitara. Hahaha!

Did your ideal man turned out real: Uhh… Siguro? Nasa tabi-tabi lang siguro siya… Or nasa France siya. Or London. Or Canada. Or Seattle. Whaha. Forenjer pala hanap ko, eh. Dejk lang. Seriously, hindi.

What kind of a writer are you: Ako ang writer na magsusulat kung kailan ako tamaan ng pagkasipag magsulat. Marami akong ideya pero tamad ako kaya hindi ko itina-type. Tapos… Karaniwan talaga gabi ako nakakapag-focus. Iyong tulog na silang lahat, ako hindi pa. Ako iyong, kumukuha ng idea sa mga pangyayari sa paligid. Iyong pagbe-break ng boyfriend ng mga kaibigan ko. Mga nagtatawanan sa cafeteria, mga tambay sa kanto, sigawan at tawaran sa palengke. Kahit ang mga balita sa TV, oo, pinapatulan ko. At madalas talaga, hindi story ang isinusulat ko; opiniyon.

When and how did you start writing: I started writing when I was in 5th grade. Minamanipula ko iyong mga entry ko sa diary ko na pang-complete sa clearance namin. Tapos, nang 6th grade, dito ako nag-start magsulat ng story talaga na puro one shot. Ang genre ko pa is horror kasi nang time na 'to nahilig akong magbasa no’ng True Philippine Ghost Stories. Nakasulat pa ang mga iyon sa intermediate pad. Namulat naman ako sa romance noong high school. Second year. 'Yon lang.

How did you discover wattpad: 1st year college. Kasi noong 4th year HS pa 'ko, 'yong kaibigan ko s-in-uggest niya sa akin na basahin ko raw iyong She’s Dating the Gangters. Maganda raw. So, sabi, sige 'pag may time. At iyong time na iyon ay lumipas ng isang taon. Haha. Kaya nga nang mag-1st year ako saka ko lang nabasa. 'Tsaka, kahit na-discover ko na ang Wattpad nito, hindi ako gumawa ng account. Wala akong interes noon, eh. Pero nang mag-second sem ng 1st year, I tried signing up and that was my first WP account (na binura ko rin after ilang months).

Why did you use that username: Ayan came from my second name “Diana”. Dito kasi sa amin, ang tawag sa akin is “Dian” kaya 'ayun, tinanggal ko 'yong D ay tinagalog ko ang pagkakabigkas sa “Ian”. Ang Mendez naman ay galing sa… wala lang. Maganda siyang pakinggan after ng Ayan, eh. Tapos 'di ba, “Yanyan” si Marian Rivera? Oooh yeah~

As a reader, what kind of story do you want to read and why: A story with romance, and humor. Iyong story rin na napapaisip ako, napapatanong. Iyong pinaiinit ang ulo ko at napapaiyak ako. Oo nga pala, I prefer reading action-pack romance. At mga investigative din.

Beauty tip/s for your reader: Err… Pass.

Writing tip/s for your reader: Kuha ka ng notebook. Tapos ballpen. Hindi ka man magsulat ng istorya, isulat mo na lang ang nararamdaman mo. Makagagaan iyan ng pakiramdam.

-          ♥♥♥

Girl's LogicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon