Habang nag tuturo ang teacher namin sa harapan ay hindi ko maiwasang mapatingin sa likudan kung saan naroon si Elvira tska si andrew ngunit laking gulat ko ng makita ko ang kamay ni andrew sa hita ni elvira hinihimas himas niya ito ngunit naka poker face parin siya pero si elvira ay ang lawak ng ngiti jusko nakakadiri naman sila kahit bestfriend ko si elvira ay hindi ko maiwasang manibago dahil hindi naman siya ganito dati sa mga ex niya oo madami na siyang ex boyfriend.
Sakto naman na natapos na din ang pangatlo naming subject teacher at nag si tayuan na din ang mga kaklase namin at bumaba para pumunta sa cafeteria para mag lunch.
Bestfriend!! -sigaw ng nasa likod
Napalingon ako sa likod ng may sumigaw napangiti ako ng makita ko si elvira nakatayo na din siya at si andrew kasama niya ngunit sumimangot siya alam ko naman na ayaw niya saakin eh ayaw saakin ng crush ko ok lang hanggang dun lang naman.
Sabay na tayo sa lunch -sabi niya ng nakangiti
Uhmm ano eh kasi -nahihiyang sabi ko dahil parang may black aura sa paligid
Is it ok to you babe -sabi niya ng malambing habang nakatingin kay andrew
Babe? sila na ba bakit..bakit parang nasasaktan ako ano ba crush mo lang siya ok maging masaya ka dapat sa bestfriend mo pati kay andrew diba.
No -matigas na sabi ni andrew pero naka poker face na siya
Mukhang nagulat naman si elvira.
Ah uhmm sige bestfriend sorry sige una na kami -sabi niya na parang nahihiya
At nag lakad na sila ng mag ka holding hands napa upo ako sa upuan ko bakit parang ang sakit naman nun ang bigat sa pakiramdam susuko na ba ako sa pagiging martyr ko kay andrew hindi naman ako nag papahalata na may gusto sakanya pero bakit parang ang laki ng galit niya saakin.
Miss Vasquez bakit nandiyan kapa kanina pa sila bumaba ah?
Nagulat ako ng may nag salita nakita ko yung adviser namin.
Sorry po maam -sabi ko
Lumabas na ako ng room at bumaba para pumunta sa cafeteria pero natakot ako na baka makita ko si elvira tska si andrew na mag kasama at sweet sila baka kasi kung ano nanaman maramdaman kong kakaiba.
Pag kapasok ng pag kapasok ko sa cafeteria ay lumamig ulit ang paligid dahil pati ito aircon din ang mahal siguro ng gastos ng school dito pumila na ako para makabili ng kakainin ko at nag hanap ng upuan pero sa pinaka gilid ay nag sisi ako sa nakita ko nakangiti siya kasama niya bestfriend ko dahil wala naman masyadong tao doon sa pwesto nila parang mas lalo akong nag ka crush sakanya crush pa ba kaya ito
Kumain nalang ako at hinayaan nalang sila maya maya ay pumunta ako sa cr para umiihi pero di ko inaasahan na makakasulobong ko doon si andrew nag tugma ang mga mata namin ang ganda ng mata niya singkit pero agad siyang umiwas ng tingin at pumasok sa cr ng mga lalake at pumasok na din ako sa cr ng mga babae tapos tumili ako dahil sa kilig.
YAHHHHHHHH!!ang guwapo mo -sigaw ko
pero nagulat ako ng hindi lang pala ako ang tao sa cr.
Ate ok kalang po -tanong niya
Ah ano oo ok lang ako -sagot ko
Tumango siya tska lumabas ng cr nakakahiya naman yung ginawa ko baka sabihin nababaliw na ako.
----------------------------------------------------------------------------------------------------
YOU ARE READING
My Crush is a Vampire?!
Vampire''Crush kita kahit sino ka pa kahit isa kang VAMPIRE?!' -Wenzel Yan ang sinabi niya ng malaman ng kaisa isang lalakeng gusto niya na may gusto siya rito pwede kaya mag bago ito at ang ''CRUSH'' ay pwedeng mapalitan ng ''PAGMAMAHAL'' sa isang VAMPIRE?