Natapos ang klase namin at nakauwi narin ako ng bahay pero hindi ko talaga makalimutan yung nakita ko sa balita na pinapanood ni mommy kasama yung dalawa naming kasambahay si nanay lyn at tska si nanay belinda.
Flashback:
Mom andito na po ako! -tawag ko kay mommy
At naabutan ko silang nanonood ng news kasama yung dalawa naming kasambahay.
Isang babae ang natagpuan sa kalsada patay! meron itong dalawang butas sa may bandang leeg anong klaseng hayop nga ba ang pumatay sa babae?
Rinig kong sabi sa tv at agad akong tumingin nakakaawa at may dalawang butas nga siya sa leeg teka dalawang butas sa leeg? anong hayop nga ba ang gagawa niyan may hayop na bang tumitira sa leeg di kaya aswang or BAMPIRA!? di naman siguro totoo iyon.
Jusko anak mag ingat ka ha tignan mo yung babae kawawa sino kaya gumawa niyan -sabi saakin ni mommy
Ah sige po akyat na po ako sa taas -pag papaalam ko
Ay teka hindi ka ba muna kakain muna? -tanong saakin ni nanay lyn
Oo nga para maka pag luto na kami -sabi naman ni nanay belinda
Naku kumain na po ako sa school eh salamat nalang po -sabi ko
Dali dali akong umakyat sa taas at binuklat ang libro at biglang nag ring ang cellphone ko.
(im inlove im inlove im inlove im inlove im inlove with a monster)
At agad ko iyong sinagot dahil si elvira ang tumatawag.
Bestfriend!!! -sigaw niya sa kabilang linya
Aray ko naman makasigaw ka grabe ah bakit ano bang meron? -tanong ko
Kami na -sabi niya
Sinong kayo? -tanong ko
Ede sino pa ba ede si andrew -sabi niya
Si andrew...kaya pala ang sweet nila ano ba tong dinanas ko napahawak ako sa puso ko bakit pangalan niya palang ang bilis ng ng tibok ng puso ko sana ako nalang ang dahilan ng pag ngiti mo kanina sana lang talaga Mahal na ba kita andrew?
Bestfriend andiyan ka pa ba -tanong niya
Ah ano oo may ginagawa lang kasi ako -sabi ko
Ah sige take care bye! -sabi niya
At binaba niya na ang phone at naramdaman kong basa ang pisngi ko huh bakit? at hinawakan ko iyon basa nga tumingin ako sa salamin pero bakit umiiyak ba ako? hindi naman dapat ako umiyak dahil crush lang naman kita isang pangarap na mahirap maabot inspirasyon lang naman kita pero bakit ako umiiyak OA na siguro.
------------------------------------------Desiere Academy---------------------------------
Hi bestfriend -masiglang bati ni elvira saakin
Hello din -sabi ko
Kamusta ka sorry hindi na kita nasasabayan ah alam mo naman -sabi niya
Ok lang basta maging masaya ka sakanya ah -sabi ko
Oo naman alam mo ba feeling ko nga princessa ako kapag kasama ko siya napaka gentle man tapos pag nakangiti grabe ang guwapo niya promise! hihihihi -sabi ni elvira na kinikilig
May napansin akong pag babago sakanya lagi na siyang naka make up dati naman di siya ganto ang kapal na din ng lipstick niya at sa white uniform namin halata mo din ang bra niya ano ba nangyari sa kanya tska yung boses niya parang naging ano ayoko naman siyang husgahan nag sasabi lang ako ng totoo pero yung boses niya parang lumandi eh alam niyo yun ano bang nangyari sakanya.
Ah bestfriend mukhang hinahanap kana ata ni andrew -paalala ko
Ay oo nga pala bestfriend bye see you -Sabi niya at umalis na siya
--------------------------------------------------------------------------------------------------
![](https://img.wattpad.com/cover/82345573-288-k204170.jpg)
YOU ARE READING
My Crush is a Vampire?!
Wampiry''Crush kita kahit sino ka pa kahit isa kang VAMPIRE?!' -Wenzel Yan ang sinabi niya ng malaman ng kaisa isang lalakeng gusto niya na may gusto siya rito pwede kaya mag bago ito at ang ''CRUSH'' ay pwedeng mapalitan ng ''PAGMAMAHAL'' sa isang VAMPIRE?