tinakpan ko ang mata ko nasisilaw kasi ako sa araw na tumatama sa mukha ko
Ano bang nangyari kagabi?
tanong ko sa sarili ko ang naaalala ko lang ay yung pag tabi sa akin ni andrew at pag yakap niya saakin kagabi.
umalis si andrew ng hindi man lang saakin nag papaalam malamang ay mag kikita naman kami sa school mamaya.
Anak! bumaba kana at ma le late kana sa school!
Napabangon ako sa sigaw ni mama at napatingin sa wall clock 7:23 Am na pala iniisip ko kasi kung mayroon pa bang ibang nangyari kagabi sana wala dahil sigurado ay mapapahiya ako kay andrew pag nag kita kami.
Naligo ako at nag ayos para sa school, Bumaba ako ng hagdanan at nakita si mama na kumakain kasama yung...yung bago niyang boyfriend at isang babae kasing edad ko lang siguro. masaya sila habang kumakain sa mahabang lamesa madaming pagkain ang nakahanda para may birthday naiinggit ako para silang isang pamilya. napasulyap si mama sa akin nawala ang kaninang masaya niyang mukha at ang kanyang nakangiting labi ng makita niyang seryoso akong nakatingin sa kanila.
Oh a-anak nandiyan kana pala kumain kana
Sabi ni mama ngumiti ako ng pilit bago binalingan ang dalawang tao sa lamesa.
A-anak siya si i-ismael a-at ito naman yung anak niya si lara
Tumango ako at ngumiti sa kanila.
Hindi na po ako kakain sa school nalang po late na po ako eh
Sabi ko at sinulyapan ang bagong boyfriend ni mama at ngumiti ito sakin mukha naman siyang mabait sinulyapan ko yung lara yung anak niya at tinaasan lang ako nito ng kilay at umirap nagulat ako sa inasta niya ngayon ko lang siya natitigan ng matagal maganda ito at matangos ang ilong chinita ang mga mata at mahaba ang pilik mata at pink ang mga labi.
Kailangan mo ba ng mag hahatid?
nagulat ako ng magsalita ang boyfriend ni mama nakangiti ito saakin umiling ako dahil meron namang mag hahatid saakin nakakahiya kung maistorbo ko sila.
salamat po pero hindi na mag papahatid nalang ako kay manong sige po aalis na ako.
Sumulyap ako kay mama na nakangiti akmang hahalikan ko na siya sa may pisngi ng may nakita ako sa may leeg niya a-ano t-to k-kiss mark? saan nanggaling umayos ako ng tayo at nabigla sa nakita ko.
A-alis na po ako ma.
Ani ko at tuluyan ng lumabas sa pintuan namin. nakita ko si manong at mukhang kanina pa nag hihintay.
Sorry po manong natagalan ako tayo na po.
Tumango ito.
Sige po maam.
Habang nag babyahe kami papuntan school hindi ko maiwasan ang nakita ko may nangyayari kay mama at sa boyfriend niya! naramdaman kong bumibigat ang mata ko tingin ko tuloy ay nag tataksil si mama kay papa kasal parin sila kahit papaano at alam ko kung gaano siya nahirapan ng mawala si papa sa amin mahal na mahal niya si papa halos mag pakamatay na din siya ng mawala si papa.
naramdaman kong nasa tapat na kami ng school kaya bumaba na ako.
Salamat po manong sa pag hatid
Kumaway ako kay manong ng papaalis na ang sasakyan at pag harap ko ay....
You're late
Si andrew ang lapit ng mukha sa akin na parang ikakamatay ko.
LARA SEIRA PELIRINO
(siya po yung anak nung bagong boyfriend ng mommy ni wenzel ganda niya po no pero mas maganda po si wenzel para saakin😂😂😂)
YOU ARE READING
My Crush is a Vampire?!
Vampiro''Crush kita kahit sino ka pa kahit isa kang VAMPIRE?!' -Wenzel Yan ang sinabi niya ng malaman ng kaisa isang lalakeng gusto niya na may gusto siya rito pwede kaya mag bago ito at ang ''CRUSH'' ay pwedeng mapalitan ng ''PAGMAMAHAL'' sa isang VAMPIRE?