Ang Pait ng Pag-ibig

1.4K 25 1
                                    


Maaaring tayo ay madalas na sawi
Sa mga taong akala nating tama yun pala ay mali
Ayoko ko nang umibig at masaktan pang muli
Ngunit ika'y laging naiisip at ako'y napapangiti

Isang araw ika'y aking nakita
Di ko alam ang gagawin, ako'y nahihiya
Kinikilig, baka nga'y pisngi ay namumula
Sa tingin ko ay mahal na nga kita

Natatakot ako, hindi alam ang gagawin
Kinakabahan kung paano ito sasabihin
Natatakot ako, baka hindi moko pansinin
Humihiling sa Diyos na ako'y iyo ring ibigin

Nang minsang nakita kong may iba ka na
Di ko man lang namalayan na tumulo ang aking luha
Tumakbo papalayo hanggang sa di ka na makita
Masaya ka na sa iba, ngayon ako'y nag-iisa

Labis akong nasaktan, nagdalamhati
Luhang di maubos ang tubig ng pighati
Ang ngiti't tingin mo pala'y isang pagkukunwari
Ayoko nang makita ka, ayoko nang masaktang muli

TULA NI BERTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon