Lahat tayo mayroong kaibigan
Kaibigang laging nandiyan
Kaibigang laging masasandalan
Kaibigang handang makipagsapalaranKung may magkakaibigan syempre mabubuo ang isang barkada
Barkadang kahit saan ay gumagala
Barkadang masaya kahit walang pera
Barkadang hindi mo kayang mawalaHindi mawawala sa magkakaibigan ang mga alitan
Mga bagay na hindi natin mapagkasunduan
Mga problemang hindi magkaintindihan
Ngunit pangako sa sarili ay hindi mag-iiwananSinumpa sa isa't-isa na magiging isang tunay
Na kahit kailan ay hindi seseryosohin ang mga away
Hanggang pagpasok at pag-uwi ay laging sabay
Barkadang tunay na sayo'y laging gagabayMahirap man o mayaman
Lahat ay pantay at walang gulangan
Walang sama ng loob at plastikan
Barkadang Tunay magpakailanman
BINABASA MO ANG
TULA NI BERTO
PoesíaANG MGA TULANG ITO AY HANGO SA AKING KARANASAN AT MGA HUGOT SA BUHAY KAHIT AKO'Y SINGLE. SANA'Y INYONG MAGUSTUHAN ANG AKING MGA TULANG NILIKHA