Masakit ang aking nakikita
Bakit ganyan ka aking sinta
Ako'y iyong labis na pinaasa
At ngayon ako'y nag-iisaInakala kong totoo ang iyong sinasabi
Pakiramdam ko'y ako'y aping-api
Tanong lagi sa aking sa sarili
Saan ba ako nagkamali?Hindi ka man lang nagpaalam
Sana'y nagsabi ka man lang
Na ika'y aalis at ako'y iiwan
Marapat na ngang tapusin na ang ating ugnayanLabis mo akong binigo
Ang laki na rin ng iyong pinagbago
Tila parang bula nang ika'y maglaho
Walang tigil din ang aking luha sa pagtuloWag kang magtataka kung ako'y nag-iba
Di ba't sa puso ko'y ikaw ang sumira
Ngayo'y pakiramdam ko'y wala na akong kwenta
Ika'y aking kakalimutan at ako'y magiging masaya
BINABASA MO ANG
TULA NI BERTO
PuisiANG MGA TULANG ITO AY HANGO SA AKING KARANASAN AT MGA HUGOT SA BUHAY KAHIT AKO'Y SINGLE. SANA'Y INYONG MAGUSTUHAN ANG AKING MGA TULANG NILIKHA