BAKIT GANYAN KAYO SA BAKLA

539 4 0
                                    

Ang hirap ng aking sitwasyon
Ang hirap magdesisyon
Isang kamalian ang ating relasyon
Ang Diyos ang magbibigay ng aking misyon

Alam kong hindi ako perpekto
Hindi tulad mo na akala mo kung sino
Sino ka ba para ikahiya ako
Una sa lahat hindi ikaw ang tatay ko

Oo maaaring isa akong bakla
Pero ako'y may paninindigan at may isang salita
Madalas nyong inaapi at kinakawawa
Sa inyo ay Diyos na ang bahala

Hindi ako makasalanan
Ano bang mali sa aking kasuotan
Madalas nyo nga kaming pinagsasamantalahan
Inaabuso at hanggang sa inyong iwanan

Bakla, beki, bading
Pagtanggap ang tangi naming hiling
Wag nyong ikahiya at inyo rin mahalin
Kami ay tao na nasasaktan rin

TULA NI BERTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon