Bakit ba ang lupit sa akin ng tadhana?
Sa dami ng tao sa mundo bakit ikaw pa?
Ako ay umasa at ako ngayo'y nag-iisa
Mayroon ba akong nagawang masama?Masakit isipin na hindi tayo pwede
Dahil ang iyong desisyon, sa ibang tao naka-depende
Sulyap sayo'y lagi mong nahuhuli
Nararamdam sayo'y aking ikinukubliBakit hindi mo ko makayang mahalin?
Para sa iyo'y sinungkit ang mga bituin
Lahat ng bagay, basta't para sa'yo'y aking gagawin
Ngunit hanggang ngayon hindi mo pa rin ako pinapansinMatagal kitang hinintay
Dahil ako sayo'y patay na patay
Ngunit ako'y walang kamalay-malay
Ngunit ikaw ay nagpaalam na may kasama pang kawayKung kailan ako ay nakalimot
Ikaw naman 'tong sumulpot
Ako ay biglang napakamot
Umalis ka na, ikaw lang ang nagdadala sa akin ng lungkot
BINABASA MO ANG
TULA NI BERTO
PuisiANG MGA TULANG ITO AY HANGO SA AKING KARANASAN AT MGA HUGOT SA BUHAY KAHIT AKO'Y SINGLE. SANA'Y INYONG MAGUSTUHAN ANG AKING MGA TULANG NILIKHA