Ako nalang lagi ang may kasalanan
Ako nalang lagi ang napapagalitan
Tao rin naman ako na nasasaktan
Sawang sawa na akong ma-sermonanMinsan gusto ko nang mamatay
Mabuti mawala na ako para walang away
Balang araw rin naman tayo'y magkaka-hiwa-hiwalay
Hindi nyo man lang mapakain ni-isang tinapayAlam kong makulit at maingay ako
Mabuti nang gan'on kaysa naman gumagamit ng shabu
Di ko man lang maramdaman mahal nyo 'ko
Tanong lagi sa sarili, anak nyo ba talaga ako?Kahit ako ang argabyado, ako ang kawawa
Di ko man mapunasan ang tumutulo kong luha
Wala nang saya sa napaka-lungkot ko nang mukha
Pagiging anak nyo ba'y wala nang bisa?Minsan iniisip ko ako'y isang ampon
Dahil laging sa kanila ang inyong atensyon
Dito ba sa bahay ay wala na akong posisyon?
Ang nais ko naman ay maging masaya sa piling nyo ngayonGalit nyo hindi pa rin mapapawi hanggang bukas
Sa problema ko'y hindi dapat ako tumakas
Maaaring ipinanganak talaga akong sa lahat ng bagay ako'y malas
Lungkot at inggit sa aking mukha'y inyong mababakas
BINABASA MO ANG
TULA NI BERTO
PoetryANG MGA TULANG ITO AY HANGO SA AKING KARANASAN AT MGA HUGOT SA BUHAY KAHIT AKO'Y SINGLE. SANA'Y INYONG MAGUSTUHAN ANG AKING MGA TULANG NILIKHA