UMASA SA WALA

768 3 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit di ako makatulog
Baka ito'y dahil sa'yo tuluyan na akong nahulog
Hindi ko mapigilan ang aking dibdib sa pagkabog
Pang-malakasan, Kabog, talbog, sabog, sunog!

Sa tuwing ika'y nakikita
Pakiramdam ko'y mahihimatay pa yata
Bigla akong dinapuan matinding hiya
At ngayon ay 'di na makapagsalita

Di mo alam ako'y pasulyap-sulyap
Ang pagtitig sayo ay kay sarap
Nakikita ko na ang ating hinaharap
Isa ka na ngayon sa aking pinapangarap

Labis kitang hinahangaan
Kulang nalang ika'y aking halikan
Balang ikaw ay aking maaalagaan
Ng buong puso ng walang pag-aalinlangan

Tila hindi ko na nararamdam ang iyong presensya
Nang tanungin kita, ang sinabi mo lang ay "Pasensya"
Di ko alam na mahilig ka sa tinapay, grabe s'ya!
Ako'y umasa lang pala, oh Lord bigyan nyo ko ng hustisya!

TULA NI BERTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon