Sa tuwing ika'y kausap
Pakiwari ko'y ako ay nasa alapaap
Pakiramdam ay kay sarap
Puso't isip, ikaw lagi ang hanapMga pagkakataong hindi pinapalagpas
Binibigay ang lahat ng wagas
Na tila ay parang wala nang bukas
Sana'y tayo pa rin hanggang wakasSa mga tingin at iyong mga ngiti
Pakiramdam ko ay pilit na ikinukubli
Laging tanong sa aking sarili
Magiging tayo kaya sa bandang huli?Labis kitang hinahanggan
Pag-ibig mo ang tanging inaasam
Basta't ako'y nandito lamang
Sasama sa'yo kahit saanMaaaring nagmumukha na nga akong tanga
Nagmumukhang tanga sa paningin ng iba
Wala akong paki kung ano man ang sabihin nila
Basta't ang alam ko ay MAHAL KITA!
BINABASA MO ANG
TULA NI BERTO
PuisiANG MGA TULANG ITO AY HANGO SA AKING KARANASAN AT MGA HUGOT SA BUHAY KAHIT AKO'Y SINGLE. SANA'Y INYONG MAGUSTUHAN ANG AKING MGA TULANG NILIKHA