(Flashfiction day entry in WUS)
Senior's Prom Night.
Ito 'yung parte ng highschool na halos lahat excited. Patalbugan sa mga gowns at tuxedo, yung iba nangangarap na maging Prom King o kaya Queen.
Kasama ako sa mga excited na yun pero, sa ibang dahilan.
Excited ako dahil kay Vince, bestfriend ko. Gusto ko kasing maisayaw nya ngayong gabi, ito rin ang pagkakataong hinihintay ko upang umamin sa kanya.
Oo, mahal ko bestfriend ko.
Kaya nga inilabas ko ang ipon ko upang makaarkila ng magandang gown at makabili sa tiangge ng mapormang high heels.
Kahit hindi kami close ng pinsan kong si Maja eh nagawa kong makiusap sa kanyang ayusan ako. Kaya pagtapak ko sa school, confident akong mapapansin ako ni Vince.
Medyo nadismaya nga lang ako nang malaman kong hindi na kami ang magkapareha sa cotuillon.
Magkasintaas kasi kaming dalawa at hindi daw magandang tingnan sabi ni Mrs.Quizon kaya pinagpalit kami ng kapareha ni Glenda, ang muse ng klase. Ang masungit na si Keeno ang naging kasayaw ko.
Ganunpaman bumawi naman sa papuri sa'kin si Vince, kasabay ng pangakong, "Monique, nakakontrata na ko sayo ha? Ako ang last dance mo."
"Oo ba! Usapan yan ha?"
"Naman!"
Parang gusto ko na tuloy madaliin ang oras para rito.
Kaya nga habang sumasayaw kami ng cotuillon, hindi ko maiwasang maapakan si Keeno. Himala nga't hindi sya masungit ngayon kasi kung nataon, nabatukan na naman ako nito dahil sa kalampahan ko.
Pagkatapos ng ilang paalala ng mga teacher sa'min, sinimulan na ang sayawan. Kung anu-ano ng kanta ang pinatugtog, mula sa rap, pop music, love song.
Halos karamihan na rin ng mga kaklase kong lalake at ilang schoolmate naisayaw na ko, pero si Vince? Kasama pa rin si Glenda.
Para na kong ewan na pasulyap-sulyap sa kanya't naghihintay na yayain akong isayaw pero hanggang sa dumating ang oras para i-announce kung sino ang napiling Prom King, wala pa rin.
Napasigaw pa nga ako nang marinig kong tawagin si Vince, agad kong hinangad na sana ako ang maging Prom Queen.
Pero gumuho ang pangarap ko ng tawagin si Glenda. Magkasama na nga sila mula nung cotuillon, hanggang sa pagiging Prom King at Queen, sila pa rin?
Sa hindi malamang dahilan, bigla akong kinabahan ng makita ko silang dalawa na magkahawak-kamay na umakyat papuntang stage, dama kong may mali sa mangyayari.
Nakumpirma nga ang hinala ko ng hiramin ni Vince ang mic at lumuhod sa harap ni Glenda, sa harap naming lahat.
"Glenda, will you be my girl?"
Napuno ng tilian ang paligid,lalo na nung tumango si Glenda at niyakap si Vince.
Ang daming kinilig at natuwa para sa kanila. Ako?
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Napansin ko na lang na nakaharang na pala sa harap ko si Keeno at marahang pinupunasan ng panyo ang mga mata't pisngi ko. Umiiyak na pala ako?
Napatingin ako sa kanya, kanina kahit natapos na ang cotuillon hindi siya umalis sa tabi ko, ni hindi nga siya nakipagsayaw, binantayan nya lang gamit namin.
Alam kaya niya na mangyayari ito? Baka.
Bestfriend siya ni Glenda eh.Mapakla akong napatawa, ang saklap kasi.
Umasa pa naman akong magiging memorable ang gabing ito, nasira sa isang iglap.
Mali pala, may kasalanan din ako. Inakala ko kasing wala lang ang closeness nila nitong mga nakaraan.
Nagkakamabutihan na pala sila't ako na bestfriend niya walang kamalay-malay sa nangyayari.
Saklap talaga."Keeno, pakibatukan nga ako. Baka kasi 'pag naalog utak ko, magising ako't malaman kong panaginip lang 'to."
Pero hindi siya kumilos, nakatitig lang siya sakin. Kaya ako na kumuha ng kamay nya't ipambabatok ko sa sarili ko, pero iba ang nangyari.
Kinabig nya ko palapit sa kanya't... Niyakap.
Unti-unti niya kong sinayaw, habang yakap-yakap nya, sumabay kami sa indak ng mga nagsasayawan.
Lalo nya pang hinigpitan ang pagkakayakap sakin kasabay ng marahan nyang pagbulong,
"Ako na lang ang magiging last dance mo, Monique."
BINABASA MO ANG
Halu-halong Gunita
Short StoryMagulo, malabo. Halu-halo. Mga salitang hindi maisatinig, hirap ibahagi. Halu-halong emosyon, alaala at pagkakataon. May sayang halos walang katapusan, lungkot na hindi mabawasan. Iba-iba man ang pinaghugutan, 'pag pinagsama'y hindi basta-basta ma...