(An activity in WUS where we were asked what do we think will be our lives innthe future.)
Mahal?" tawag ni JM sa kanyang asawa mula sa labas ng kanilang kwarto.
Nagsabi kasi itong iidlip muna habang nagluluto s'ya ng hapunan nila.
"Mahal, I'm done cooking, kain na tayo sa baba?"Kumatok muna s'yang muli bago pinihit ang doorknob, doon ay nakita nya si Mia na nakaupo sa kama nila at abala sa pagtatype sa laptop nito.
"Sabi na nga ba, pasabi-sabi ka pang iidlip ka, 'yun pala nagtago ka lang sa'kin para makapagsulat ka." kunwari'y nagtatampong saad ni JM sa asawa bago lumapit at yumakap mula sa likod nito.
"Sorry mahal, hindi ko mapigilan eh. An idea suddenly crossed my mind while I was looking at you." tugon nya sa kabiyak habang nakatutok pa rin ang mata sa screen.
"Is that a compliment, dear? O dapat na kong magtampo because you're technically admitting that you're spacing out kanina habang nagkukuwento ako?"
Bumitaw siya mula pagkakayakap sa asawa't dumapa sa may tabi nito. Si Mia nama'y nang mapansin ang biglang pananahimik ni JM ay isinara muna ang kanyang laptop at tsaka humiga rin sa tabi nito.
"Ayan na, tinabi ko na po ang laptop, baba na tayo,-"
"I was just thinking, kung hindi kaya tayo nagkakilala five years ago, ano kaya tayo ngayon? Sinu-sino kaya ang mga taong kasama natin?"
Napakunot naman ang noo ni Mia sa tanong ng asawa, "Bakit bigla mong naisip 'yan?"
"Wala naman."
Mula sa pagkakahiga'y tumagilid si Mia ng puwesto't pinagmasdan ang asawa na nakatingin rin sa kanya.
"Whether I met you or not five years ago, magiging writer pa rin ako ngayon. For sure, Napagtapos ko na sina Jam ng college. Baka napagbakasyon ko na sa probinsiya sina Mama at Papa. Tapos ako naman, baka madalas akong busy para sa mga book signings, here and abroad. Nakapagpundar na rin ng bahay. Fulfilling achievements, right? Pero," pagbitin nya tsaka hinaplos ang mukha ni JM na nakangiti lang sa kanya.
"Pero, ano?"
"Pero hindi okay 'yun kasi wala ka, kasi hindi tayo nagkakilala. Kasi you didn't get to bother my whole being with your presence, kasi hindi kita nagawang mahalin at pakasalan. Kasi, baka wala rin sina Mielle at Jienne ngayon."
JM couldn't contain his happiness with what her wife told her that she hugged her tightly."Teka, hindi pa tapos 'yung sagot ko." natatawang turan ni Mia kay JM na napapaiyak na sa kilig.
"'De pe be? Eh, sebreng kenekeleg ne ke."
"Oo hindi pa kasi 'eto pa 'yung karugtong," sinupil nya ang paghagikgik dahil sa anticipation na nakikita nya sa asawa nya para sa idudugtong nya.
"Because a life without a 'JM' beside 'Mia', would never be a happy one." pagtatapos nya bago masuyong dinampian ng halik si JM sa labi.
"Mahal, tama na muna pagpapakilig mo sa'kin, ha? Baka kasi kung sa'n tayo mapunta, kakain pa tayo ng dinner." tugon nito bago tumayo't hinila na rin si Mia upang tumayo.
"Well,you can have me as your dessert,babe." Mia insinuated.
"You and your dirty mind, honey." JM just wink at her then holds her hand as they walk towards the door.
BINABASA MO ANG
Halu-halong Gunita
Short StoryMagulo, malabo. Halu-halo. Mga salitang hindi maisatinig, hirap ibahagi. Halu-halong emosyon, alaala at pagkakataon. May sayang halos walang katapusan, lungkot na hindi mabawasan. Iba-iba man ang pinaghugutan, 'pag pinagsama'y hindi basta-basta ma...