Barker|Sanaysay

32 4 0
                                    

"Cogeo, Padilla Gate-2 labas!"

"Parang, Marikina!"

"Sss-Village!"

"Himala nakapila kayo? Hoy, tingnan mo nakapila ang Esquerda boys! Hahaha!"

"Opo kuya! Dadaan po yan ng Sta.Lucia!"

"Ate, dalawa na lang kulang aalis na yan!"

"Mamaya ka na naman magbibigay?? Kanina pa yang mamaya mo ah!"

"Kawawa sayo! Puno 'yang jeep mo, limang piso lang ibibigay mo?"

"Harangan mo yan! Punyeta! Buwakaw 'yong drayber n'yan!"

Sa araw-araw ganyan ang naririnig ko 'pag nagpupunta ako sa may Aurora, sa kanto ng Pinatubo st.

Kasabay ng ingay ng mga busina ng mga jeep na patok, ingay ng nagbibiruang mga tindero't tindera sa sidewalk na halos lahat ng hahanapin mo naroon na't 'di mo na alam kung saan ka bibili.

Kasabay ng halakhak at habulan ng mga batang-kalye, at sigawan ng mga nanalo't natatalo sa colorgame, andun sila.

Mula umaga hanggang gabi, umulan,bumagyo,umaraw o uminit pa.Kahit pa nga may follow-up o clearing operation, andun sila.

Nagtatawag ng mga pasahero,nagiging tanungan ng mga naliligaw sa pupuntahan, nakikipaghabulan sa mga magugulang na jeep,

nakikipagbiruan sa konduktor at drayber kapag wala pa ga'nong pasahero, andun lang sila.

Maulanan o mainitan man, malamangan man ng mga mandarayang drayber at konduktor,mahingian man ng mga mapagpanggap na kotong cops, andun pa rin sila.

Hindi na inaalintana ang gutom, pagod, puyat, pagsakit ng lalamunan sa kakasigaw.

May maiuwi lang sa pamilya,makita lang na 'ung mga anak nila, unti-unting naabot ung mga pangarap nila para sa kanila, makapagtapos ng kolehiyo, makakuha ng disenteng trabaho.

Kaya nga napakalaki ng paghanga ko sa kanila,

Ayy, mali pala. Napakalaki ng paghanga ko sa mama ko na isang barker.Dahil kahit mahapo at mapaos sila,
siya sa ngayon sa pagtatawag, batid nila na balang-araw, lahat ng kanilang mga pagpapagal at pagsasakripisyo para sa'min ay masusuklian rin.

Especially dedicated ito para sa pinakaAstig sa lahat ng Astig na barker na nakilala ko.

Happy birthday mama!! :)

ILOVEYOU.

'Sensya na ito lang nakayanan ng iyong panganay, sana magustuhan mo 'to.

(Tagal na nito, haha. Nakakatuwang mabasa ulit.)

Halu-halong GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon