Mahal Din Naman Kita

3 1 0
                                    

(My one-shot story for WUS)

"Ang daya mo." 'yan ang paulit-ulit kong binubulong habang nakatunghay sa kinapupuwestuhan nya.

Kahit sa huling sandali, pakiramdam ko tinalikdan mo ko. Tiningnan ko ang mga taong nandito rin ngayon.

Mga kamag-anak natin 'yung iba, pero mas marami mga kabarkada mo. Mga barkada mong inuuna mong asikasuhin kaysa pansinin ako.

Nakakainggit talaga. Buti pa sila nabigyan mo ng pagkakataon na makasama ng madalas.

Pero ako kuya, hindi mo ko napapansin. Aanhin ko mga iniwan mo, hindi naman yun ang kailangan ko.

Ang gusto ko, mapansin mo ko, ang gusto ko ituring mo kong kapatid mo!

But you never did. You didn't see me as your sister. Abala ako sa pagpunas ng luha ko ng may tumabi sa'kin.

"Condolence." saglit ko lang siyang sinulyapan, si Aaron pala, bestfriend mo. Hindi ko siya pinansin at nanatiling tahimik lang.

"Know what? You're lucky to have a brother like Ruther. Mabait, masarap kasama, maaasahan,-"

"Sa inyo na mga kaibigan nya, pero sa'kin? He never treated me that way." pagputol ko bago humarap sa kanya.

Minsan ko ding ginustong maging katulad ni Aaron, isang kaibigan mo. Simula kasi ng ampunin ako nina Mama nung mga bata pa tayo, hindi mo ko pinahalagahan gaya nila.

Mapakla akong napangiti sa kanya bago nagpatuloy,
"Buong buhay ko, ang gusto ko lang ituring na kapatid ni kuya. Kasi siya na lang ang meron ako, simula ng mawala sina Mommy, but guess what? He never did." bago muling namalisbis ang mga luha ko.

Mahirap ba 'yung hinihingi ko kaya iniwan mo na lang ako?

"He can't treat you as his sister, because he cares for you more than that." Litong napatingin ako sa kanya, siya nama'y kinuha ang cellphone nya't iniabot sa'kin.

"I want you to see this. I secretly took a video of him while we're talking, just a few days before," napahinto pa si Aaron at sumulyap sakin bago nagpatuloy,

"Before he committed this."

Nanginginig ang kamay kong kinuha ang cellphone nya't dinala sa gallery. Nakita ko ang video na sinasabi nya't pinanood ito.

In it was kuya, crying helplessly while drinking beer. This image of him is far from his usual facade of an easy-going man.

"Maling-mali 'to Aaron, maling-mali. Kapatid ko pa rin si Rinri, hindi ako dapat lumagpas 'dun."

"Ruther, lasing ka lang." sinabi ni Aaron kay kuya sa video.

"Lasing ako o hindi mali pa rin. You know that I even tried to ignore her very existence kahit alam kong masasaktan siya, God knows how I wanted to bond with her, hear her laughter, do things together like a normal siblings should do. Pero hindi ko kaya kasi hindi yun ang gusto ko. Umiwas ako para hindi na lumala pa pero pare, mas minahal ko pa siya." dinig ko sa video ang paglakas ng iyak mo, nasasaktan ka rin sa bawat pagtalikod mo sa'kin noon?

"Ron, sobrang mahal ko si Rinri, & it sucks because it's not right to love her this way."

Ano 'to? Lumuluhang napasulyap ako sa kinalalagyan mo. Mahal mo ko? Pagmamahal bang maituturing kung nagawa mo kong iwasan buong buhay ko. Bakit ka ganyan?

Hindi mo man lang ako naisip. Basta ka na lang nang-iwan. Gusto kong sumigaw dahil sa nalaman ko pero, impit na mga hikbi lang ang nagawa ko.

Marahang paghagod sa likod ko ang binigay ni Aaron upang maibsan kahit papaano ang sakit na nadarama ko,

"Sana mapatawad mo siya Rin. Forgive him for choosing death instead of facing what he felt for you." wala akong magawa kung 'di umiyak na lang.

Madaya ka talaga kuya. Sinolo mo lahat, instead of telling me.

Bakit hindi mo man lang ako naisip bago ka nagpakamatay?

Hindi mo man lang nalaman, mahal din kita.

Halu-halong GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon