My head is aching like sh•t. Pagbukas palang ng mata ko ay umiikot na ang paningin ko kaya naman ay pumikit muli ako at bahagyang hinilot ang aking sentido.Ilang buting beer ba ang naubos ko kagabi at bakit ganito kasakit ang ulo ko. Kaya ayoko ng pag-ibig-pag-ibig na 'yan, eh. Ito ang nadudulot sa'kin, hang-over.
Sa susunod tubig nalang ang lalak-lakin ko at sa ganun pantug ko lang ang bibigat.
Binuksan ko ulit ang mga mata ko at naging OK na ang paningin ko. 'Di na masyadong umiikot. Pero 'yung sakit at bigat ay nanatili pa rin.
Unti-unti akong bumangon habang hawak-hawak ang ulo ko. Parang mahuhulog ito sa sobrang bigat kaya naman ay maingat akong bumangon.
Dahan-dahan din akong naglakad. Pero hindi alam kong saan pupunta. Sa CR ba, dahil magtotooth brush ako o sa kusina para kumain at uminom ng gamot. Pero sa ilang segundong pananatili ko sa aking kinatatayuan ay napagpasyahan kong sa kusina nalang muna mauna at nagugutom na ang alaga ko.
Ng makalabas na ko ng kwarto ay agad may naaamoy akong mabango galing sa kusina. Nagtataka akong naglakad dahil base kasi sa pagkakaalam ko hindi nagluluto si Allison. Hindi siya nagluluto dahil hindi siya marunong.
"Gising ka na pala. "isang baritonong boses ang agad bumungad sa'kin.
Isang lalaking walang pang-itaas at naka boxer lang na may suot na black apron ang bumungad sa'kin. Agad naman akong nagsisi dahil sa naging desisyon kong maunang kumain at hindi man lang nagmumog. Nakakahiya. Amoy panis ako nito panigurado. Laway, amoy ng alak at pawis ang bumabalot sa katawan ko.
Nakikita ko sa mga mata ni Ryan ang pag-aalala ng hawak-hawak ko pa rin ang ulo ko. Akma siyang lalapit sa'kin naunahan ko siyang umatras.
"Masakit ba ulo mo? " tanong niya.
Napapikit ako dun. Nahihimigan ko kasi ang malamig na boses ni Ryan. His concern voice makes my whole body fine. Parang nawala saglit ang sakit ng ulo ko. Tumango na lamang ako bilang sagot. Ngunit hindi ko pa rin siya tinitignan.
"I have here the medicine. Pero kumain ka muna bago ka uminom. " aniya.
Pero ngayon lang nasagi sa isip ko kung bakit siya nandito. Ano ang kanyang ginagawa dito? At paano niya nalaman ang nangyari sa'kin? Gusto ko sanang magtanong pero nahihiya akong ibuka ang bibig ko. Alam kong kahit may distansya ang pagitan naman ay maaamoy pa rin niya ang hininga ko.
"Halika ka na. Kumain ka na. " aniya sa isang mahinahon na boses.
Kahit na naaakit na ko na lapitan siya dahil sa itsura niya ay nanatili pa rin akong nakatayo. Minamasdan siya. Tinitignan ang mga muscles niya kung paano mag-react sa bawat kilos niya. He really turn into a really great man. At ang tanga ko dahil pinakawalan ko pa siya. Alam kong maraming babae ang mas maganda at mas sexy pa sa'kin na kilala at naikama na niya pero andito siya sa harapan ko at inaalagaan ako. Paano ko nagawa ang itaboy ang isang tulad ni Ryan. Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko.
Imbes na umupo at sumabay sa kanyang kumain ay tumalikod na lang ako. Tatalikod ako hindi dahil sa ginawa ko kundi ay maliligo ako at magbibihis. Nakakahiya ang itsura ko. I look like really wasted. God, paano ako nakaharap sa kanya na ganito itsura at amoy ko.
After 30 mins. of taking a bath ay lumabas na ko. Nahagip agad ng mga mata ko si Ryan na nakaupo pa rin sa dining area at hindi rin nagagalaw ang pagkaing niluto niya. Hinintay kaya niya ko?
"Hindi ka pa ba kumain? "tanong ko agad sa kanya.
I already had the courage to speak dahil mabango na hininga ko.
"Hinintay kasi kitang matapos. "
"Naku, sana nauna ka na. Baka gutom ka na kakahintay sa'kin. "
"OK lang. Sanay na naman na kong maghintay. " aniya dahilan kong bakit ako napatingin sa kanya.
*
We had an awkward breakfast. Halos hindi ko na masubo ang pagkain dahil sa katahimikan naming dalawa. Kung wala sana kaming pinagdaanan ngayon I'm sure kanina pa kami naglaplapan at napuno ng ungol ang buong sulok ng condo ko.
"Salamat pala sa pag-uwi mo sa'kin dito... kahit hindi naman kailangan. "panimula ko.
He told me Allison called him last night. Allison told him that I was drunk at ang ingay-ingay ko daw. Kaya tinawagan siya ni Allison para ilabas ako sa condo niya. Nakakahiya kasi naabala pa siya. Humanda talaga ang babaeng 'yun 'pag nagkita kami. Kakalbuhin ko talaga siya.
"It's fine. " malimit niyang sagot.
Namuo na naman ang katahimikan sa'ming dalawa. Ilang buntong hininga na ang nalabas ko. Pero si Ryan, wala akong narinig na kahit na anong ingay mula sa kanya hanggang nagsalita siya.
"May gusto ka bang sabihin. " sa tono ng boses niya siguradong-sigurado siyang may sasabihin ako.
"Ry, alam kong this past few weeks ay hindi tayo nagkasundo. Gusto ko lang sanang humingi ng tawad... Sa mga nasabi ko. I really really sorry. " base sa nakikita ko, wala akong ekspresyon na nakikita sa kanya.
" 'Yan lang? " poker face niyang tanong.
Nangunot ang noo ko dahil sa tanong niya kaya tumango na lamang ako.
" What about the words you said to Allison kagabi? You don't remember? "
Nakatitig ako sa kanya. How can he be so hot kahit na naka-poker face siya. Kanina pa ko nate-tempt sa abs niya na nakabalandra simula paggising ko pa lang. Umaandar na naman kaharutan ng pag-iisip ko. Nabalik ako sa huwisyo ng may plinay siya na audio na nakarecord sa phone niya.
And it was me saying and confessing to Allison na gusto ko si Ryan. Biglang natutop ko ang aking bibig at namilog ang mga mata. I can't look at him because it's so embarrassing. What the- .
Alam kong si Allison ang nag-record nun. She set me up. And this guy in front me planned everything para mapaamin ako. They set me up.
Ng tignan ko si Ryan agad sumilay ang ngising aso niya. Tumayo siya sa kinauupuan niya at dahan-dahang naglakad papunta sa'kin. Napalunok na lamang ako habang tinitignan ang katawan niya. Yummy...
" I know you have feelings for me too, kaya lang ay natatakot ka. Takot ang bumabalot sa'yo kaya 'di mo maamin na gusto mo rin ako. " he said while leaning against me.
Tinitigan ko lamang ang bawat galaw ng mga labi ni Ryan habang nagsasalita. Nang matahimik siya ay umangat bigla ang tingin ko sa mga mata nya.
Kung kanina wala akong makita na ekspresyon sa kanya, ngayon, I can see in his eyes the love, fire, desire, and lust. Naghalu-halo na lahat.
Kaya naman ay agad kong pinulupot ang aking mga kamay sa leeg ni Ryan. I hungrily kiss him at agad naman siyang tumugon sa mga halik ko.
He carry me papuntang kwarto. Agad niya kong pinahiga sa kama without breaking our kisses.
" I love you, Mags. "
✔ edited
BINABASA MO ANG
HIDDEN ACTIVITY [FINISHED]
RomanceCompleted R-18 Read at your own risk. Be open minded and be sure you are mature enough to read this story. Thank you.