Kabanata 16

26.4K 285 9
                                    

      

Noon ang nasa isip lang ni Mags ay ang magpakasaya sa buhay. 'YOLO' ika-nga. Pinanindigan niya ang kasabihang iyon. Night out dito - night out doon, bar dito - bar doon. Malapit na nga umabot sa puntong nagkakaroon siya ng lalaki gabi-gabi. Pero inaalala din naman niya ang precious thing niya down there. Ayaw naman niyang abusuhin ang nagbibigay sa kanya ng kaligayahan.

 
 
 
She never believed in a happy ending. Gaya ng iba hindi din siya naniniwala sa forever. Ayaw niyang pumasok sa isang relasyon dahil takot siya. Oo, aaminin niyang takot siyang mag-commit sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Until he meet Ryan, at first, isang gabing kaligayahan lang ang inaasahan niya hanggang sa nasundan. She thought na pareho lang sila ng pananaw ni Ryan, na sex lang ang nag-uugnay sa kanilang dalawa pero nagkamali siya ng magtapat ang lalaki sa kanya ng tunay nitong nararamdaman.

 
 
Hindi matanggap ni Mags ang naging rebelasyon ng lalaki kaya pinalalayo niya ito sa kanya. O, iniiwasan niyang makita ito dahil ayaw niyang pumasok sa isang seryosong relasyon at ayaw niyang pag-usapan ang mga bagay na iyon. Pero kalaunan ay napagtanto niyang hinahanap ng presensiya niya si Ryan. Hinanap niya ang mga hawak nito sa kanya, ang mga halik nito sa kanya. Ang akala niya ay libog lang iyon dahil sa tumigil muna siya sa pakikipagtalik. For some reason she stop her hidden activity.

 
 
Pero nagkamali na naman siya dahil natagpuan na lang niya ang sariling sinusundan si Ryan sa kung saan. Hindi libog ang nararamdam ni Mags para kay Ryan. She like Ryan. Iba ang nahahatid nito sa kanya. There is something from Ryan na hindi niya naramdaman sa ibang lalaking nakasiping na niya. They did not just having sex, they made love at hinahanap-hanap ito ni Mags.

 
 
Umabot sa puntong naghabol siya kay Ryan ng marealize niyang gusto niya ang lalaki. Nagmatigas ang lalaki nung una sa kanya hanggang sa bumigay na din ito. He can't resist Mags alindog. Pero nasubok agad ang relasyon nila and Mags give up easily without hearing Ryan's explanation. Hanggang sa na-involved ang pamilya niya. Nagkonek-konek na ang lahat.

 
 
Hanggang sa nalaman niya ang tunay na dahilan kung bakit siya iniwan ng mga magulang niya. Dahil walang forever. Naipit at napilitan lang papa niya na magpakasal dahil buntis na ang mama niya sa kanya. And her mom was so inlove with his dad, kaya ginawa ang lahat kahit na ang magpaka-martyr. Pero sumuko na din ito ng hindi na nito nakaya ang lahat. Nang ipamukha na ng papa niya ang katotohanan na iba talaga ang mahal nito.

 
 
She already heard the reasons on both side. Natanggap na din siya ng mga ito lalo na ng mga bago nilang pamilya. At ang saya niya. Ito ang pinangarap niya noon pa man. Ang maging buo ang pamilya niya. Ang maging buo ang pagkatao niya.

 
 
"Ryan, seryoso ka ba sa anak ko? " isang seryoso at maawtoridad na tabong papa niya.

 
 
Andito sila ngayon sa bahay ng papa niya. Dinala niya si Ryan gaya ng utos ng papa niya na gusto niyang makita ang nobyo niya. Nagulat pa nga ang papa niya ng makita nito sa Ryan na nasa bahay nila. Her dad thought na may problema ba daw sa kompanya nila kaya ito napasugod sa bahay nila. Pero mas nagulat ito ng sinabi niyang si Ryan ang nobyo niya.

 
 
"Opo, tito. Seryoso po ko sa lahat ng bagay. Lalong-lalo na pagdating sa anak ninyo. "sagot ni Ryan sa ama niya habang nakatingin sa kanya. "And if you ask me to marry her now. Gagawin ko. " anito na kinabilog ng mga mata niya.

 
Hindi niya inaasahan ang sinabi nito. Tumingin si Mags sa ama niya at nakita niya ang pilyong ngiti nito.

 
 
"Papa?! "

 
 
"Kaya kita gusto, Sandoval. Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa inyo bilang partners. " wika ng kanyang papa at tumayo na ito. Nilahad niya ang kamay niya kay Ryan na agad din nitong tinanggap. "I'm looking forward for that proposal. "anito sa binata. Hindi na niya napigilan ang sarili at tumayo na din siya.

 
 
"Papa?! "

 
 
Nagtawanan lang ang dalawa at binalingan siya ng kanyang papa.

 
 
"Be ready to be called Mrs. Sandoval. "anito at ngumiting iniwan silang dalawa sa sala.

 
 
Hindi siya makapaniwalang umupo ulit. Bakit feeling niya pinagkalulo siya ng ama niya. Tinignan niya ang lalaking nasa tabi niya na hindi pa rin nawala ang ngiti sa mga labi.

 
 

"Pano ba yan? Ihanda mo na ang sarili mong matali sa 'kin... At sa kama ko. "bulong nito sa kanya.

 
 
Agad niya itong tinampal sa balikat.

 
 
"Heh! Manahimik ka diyan. " sambit nya at tumayo. Nauna siyang lumabas sa lalaki. Nakasilay ang ngiti niya habang papalabas siya ng bahay.

She's so much ready for the title...




edited

HIDDEN ACTIVITY [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon