"I'm sorry... "sambit niya habang papalapit ang kanyang mukha sa akin.
Alam ko na kung saan hahantong ang galaw na 'to—ang pangyayaring ito pero ang utak at ang isip ko ay nagkaisa sa mga oras na 'to at naghihintay sa paglapat ng labi ni Ryan sa labi ko.
Napapikit na lamang ako habang naramdaman ang kanyang hininga sa aking mukha. At hindi naman ako nabigo dahil naramdaman ko na rin ang kanyang labi sa akin. Hindi na muna siya gumalaw sa unang paglapit ng aming mga labi.
Kung noon ako ang agresibo sa bawat galaw kapag kama na ang pinag-uusapan pero ngayon parang narealize kong kailangan ko ding damhin ang partner ko sa paggawa ng bagay na ganito. This is what make love all about.
He kiss me again and this time ay sinakop na niya ang bawat sulok ng labi ko. He savaged everything. Wala siyang iniwan na kahit konting parte ng aking labi. Parang nilagyan niya ng marka ang bawat sulok ng labi ko.
Napakapit na ko sa kanyang balikat. Habang siya ay unti-unting gumagalaw at puwesto sa harapan ko without even breaking our kisses. At ngayon malaya na kong ilipat ang mga kamay ko sa kanyang batok.
We both stopped our kissed and catch our breath. He rested his forehead with mine.
"I love you and I mean it. " untag niya habang hingal na hingal.
Tumango lamang ako sa kanya at pumikit. I caressed his face and kiss him again. Pero this time smack lang.
🌠
Nagising ako ng may mabigat na dumagan sa aking tiyan. Agad kong kinapa ito ng marealize ko na kamay iyon at agad kong nilingon ang pinanggagalingan nito. Agad sumilay ang matamis na ngiti ni Ryan. At nakakahawa ang ngiti na 'yon kaya napangiti na rin ako.
"Good morning. " saad niya.
"Morning. "
Ngayon ko lang naalala na nandito pala siya at katabi ko. Hindi ko na siya pinauwi kagabi at baka mapano pa siya. Mukhang nakainom pa siya. At nag-offer na din ako na dito na siya sa kama humiga. Naaawa kasi akong patulugin siya sa couch na nasa labas ng kwarto. Hindi ko na rin kailangan mag-inarte pa dahil may nangyari na rin naman sa'min.
"Hmm... What do you want for breakfast? " tanong ko sa kanya.
Agad na sumilay ang pilyong ngiti niya at agad na pumaibabaw sa'kin. Napatili ako dahil sa naging galaw niya. Ang bilis ng reflexes niya dahil nakapatong agad siya sa'kin.
"Pwede bang ikaw nalang ang maging agahan ko? " pa-cute niyang tanong.
Hindi na niya ko pinasagot pa at agad niya kong hinalikan. Naramdaman ko ang sabik niyang mga halik. Ang halik na hindi dapat tinatanggihan. Pero kailangan kong kumilos at baka may mangyari dito sa kamang 'to at kay aga pa.
"Hmm... "impit kong ungol at agad na nilayo ang labi ko. "It's too early for this. Kumain muna tayo. I'll cook. "
"Pagkatapos mong magluto, pwede na? " pangungulit niya pa.
"Hindi pwede... "
"Bakit? Sawa ka na ba sa'kin? Ayaw mo na ba kong maka-ano? "
Nasilayan ko ang paglungkot ng kanyang mukha. Hindi naman ganun ang gusto kong iparating eh. Paano ko ba sasabihin sa kanya na hindi pwede kasi may ano ako ngayon...
"Hindi sa ganun. Hindi kasi pwede... kasi ano, e... May ano kasi ako ngayon. M-May d-dalaw ako. " nauutal pa ko sa huli kong sinabi.
Agad naman siyang nahiga sa kama katabi ko.
"Ay, ang malas naman. "
Napangiti na lamang ako dahil sa naging reaksyon niya. Oo, napakadali ng mga nangyari. Nagkatampuhan kami ni Ryan dahil sa mga misunderstandings. Nagkatampuhan kami dahil sa galit at pride ko. Umabot pa ng ilang araw bago kami bumalik sa ganitong sitwasyon. I love him, naamin ko na 'yon sa sarili ko matagal na panahon na kaya nga pinatawad ko na siya at tinanggap, 'di ba.
At napakabait ko kasi dahil hindi ako marunong magtanim ng sama ng loob.
"Hmmm... Bango naman. " rinig kong wika ni Ryan. Lumapit siya dito sa'kin na nagluluto lang naman ng itlog. Agad niyang pinulupot ang mga braso niya sa maninipis kong bewang. Agad din niyang inaamoy ang leeg ko dahilan para mapatili ako. Nakakakiliti kasi.
"Ano ba ang mabango? 'Yong niluto ko o ako? "
"Pareho. Pero syempre mas mabango ka. " saad niya at inamoy na naman ang leeg ko.
"Okay. Okay. Tama na. Baka sa'n pa 'to mapunta at makalimutan kong may ano ako ngayon. "sambit ko at pinatay na ang apoy.
Kinuha ko ang itlog at inilagay ito sa plato. Agad naman bumitaw si Ryan sa'kin pero nasa counter pa rin siya nakasandal at nakahakukipkip. At kapag ginagawa niya ang mga ganyang moves na tu-turn on agad ako. Ang hot kasi niyang tignan.
"So, pwede? "
"Ew, Ryan, mag-hunosdili ka nga. Halika na nga at kumain na tayo... "
Umupo na ko at sumunod naman siya. Agad akong kumain dahil kanina pa ko gutom na gutom. Napapansin ko nitong mga nakaraang araw ang dali kong magutom. Tapos kahit hindi naman ako gutom at may magustuhan na pagkain na napapanood ko sa TV ay naglalaway kaagad ako.
Pero meron nga ako, 'di ba? Tsk!!
"Tungkol pala dun sa birthday ng half-sister mo, doon ko lang din nalaman na magkapatid pala kayo. " napatigil ako saglit at nakatingin lang sa kanya.
Hindi ko naman masisisi sila na hindi nila sinabi ang isang Magdalena Montealegre. Na parte ako sa pamilya nila.
Tumango lamang ako at ngumiti 'tsaka nagpatuloy sa pagkain. Pero napapansin kong nakatitig lang siya sa'kin at hindi ginalaw ang pagkain niya kaya napahinto ako ulit.
"May p-problema ba? " agaran kong tanong ng mapansin ko ang mukha niya.
"Hindi ka ba galit sa tatay mo dahil sa ginawa niya sa'yo? Nung umalis ka sa party nung gabing 'yon nagtalo silang mag-asawa. Alam kong masama ang makinig sa usapan ng iba pero hindi ko kasi mapigilan, e. At narinig ko kung pano ka niya ideny at insultuhin... "
Hinawakan ko ang kamay ni Ryan na nakakuyom na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Ngumiti ako sa kanya.
"Hindi ko sasabihin na OK ako. Hindi ko rin sasabihin na hindi ako nasaktan sa mga sinabi ni papa sa'kin. At hindi ko rin sasabihin na hindi ako galit sa ginawa niya. Pero 'yong fact na ama ko siya, 'yon nalang 'yong pinagpasalamat ko. I should thank him for bringing me in this world kasi nakilala kita. At iyon na lang ang ipapasalamat ko sa kanya. Mama, told me half of the story kung bakit nila ako iniwan. At ngayon ang side nalang ni papa ang gusto kong marinig. In that case, magiging buo ako. Kahit hindi niya ko tanggap bilang anak, ko kasi alam ko ang dahilan. "
✔ edited
BINABASA MO ANG
HIDDEN ACTIVITY [FINISHED]
RomanceCompleted R-18 Read at your own risk. Be open minded and be sure you are mature enough to read this story. Thank you.