"Hmm... Sarap naman nito, babe. "wika ni Mags habang punong-puno ang bibig ng pagkain.
Hindi makaimik si Ryan. Parang patay gutom ang girlfriend niya na kumakain sa tabi niya. Ngayon lang niya nakita itong naging ganito kapag kumakain. Hinayaan lang niya itong kumain. Mukha kasing nasarapan talaga ito sa luto niya.
"Babe, ayaw mong kumain? "
"I'm okay. "sagot na lamang niya habang nakangiti.
Natapos ang dalawa sa pagkain. Si Mags na ang nagligpit ng kinainan nila. Siya na rin ang naghugas ng pinggan. She let Ryan rest dahil pagod ito sa trabaho. Nang matapos si Mags sa paghuhugas ng pinggan ay binuksan muna niya ang ref. Chineck niya ang mga stocks nila. Nang may mahagip ang mata niya na feeling niya ay masarap kainin ay kinuha niya ito. Hindi siya gutom pero natatakam siya at gusto niyang kainin ito.
Hinugasan niya ang apple at hiniwa ng maliliit. Inilagay niya sa isang bowl at binudburan ng asin. Pagkatapos ay masayang naglakad patungo sa kwarto nila ni Ryan.
Pagkabukas palang ng pintuan ay agad ng dumapo ang mga mata ni Ryan sa kanya. Nangunot ang noo nito habang papalapit siya sa binata.
"Hindi ka pa ba busog? "tanong nito sa kanya.
"Naglaway kasi ako sa apple kaya kinain ko. Masama ba? "
"Hindi naman. Baka kasi hindi ka matunawan dahil sa dami mo ng kinain. " pagpapaalala ng binata.
"Ganun ba 'yon? Tss! Gusto kong kumain, eh. "wika ni Mags na nakanguso.
Hinayaan nalang ni Ryan ang dalaga sa gusto dahil mukha itong sarap na sarap sa kinakain.
KINABUKASAN, nagising si Mags na kumakalam ang sikmura. Tinignan niya si Ryan sa tabi niya pero wala na ito doon. Bumangon siya at lumabas ng silid para hanapin ang binata.
"Ryan? " tawag niya dito pero walang sumasagot. Lumapit siya sa may lamesa dahil parang may tinatakpan doon. Pagkalapit niya nakita niya agad ang isang note.
Hindi na kita ginising dahil mukhang sarap na sarap ka sa tulog mo. I already cook for you. Masarap 'yan. Pakabusog ka.
Love,
Ryan
Kinuha niya ang takip at agad lumabas ang masarap na amoy. Umupo si Mags at agad nilantakan ang pagkaing hinanda ni Ryan. Pero bago niya inubos ang pagkain ay sumilip muna siya sa orasan. At nanlaki ang mata niya ng makita na malapit na palang magtanghalian. Kaya pala tumunog na ang tiyan niya dahil gutom.
Pero ang mas pinagtataka niya ay kung bakit tanghali na siya nagising. First time niyang naranasan ang ganito. Ang tanghali na magising kahit hindi siya uminom ng alcohol or something na nakakalasing.
THAT accident happen again. Nagtataka na siya sa mga kinikilos niya. Feeling na din niya na parang bumibigat na siya dahil kain nalang siya ng kain. Tapos lagi na siyang pagod. Lagi nalang siyang inaantok. At kapag nanonood siya ng TV tapos may nakita siyang advertisement na tungkol sa pagkain ay naglalaway siya agad. Gusto na din niyang kumain 'nun.
At hindi lang pala siya ang nakakapansin nun. Pati si Ryan ay nakakapansin na sa mga kinikilos niya.
One morning Ryan ask her na magpatingin sa doctor. Pero nagalit siya dahil wala naman daw siyang sakit at bakit kailangan niyang magpatingin sa doctor. Ryan explained kung bakit at nagulat siya sa sinabi nito. Namilog ang mata niya ng sabihin nitong baka buntis siya. Hindi siya naniniwala sa nobyo dahil imposible daw iyong mangyari dahil nagkaroon pa nga siya 'nung nakalipas na buwan.
Pero ngayon parang gusto na niyang maniwala sa binata dahil natapos na ang buwan ay hindi pa rin siya nagkaroon. At first time din niyang hindi dinatnan. Nanginginig ang kamay niyang kinuha ang phone niya at dinial ang number ni Ryan. Tanghaling tapat at alam niyang lunch break nina Ryan o baka may meeting ito na pinuntahan or something pero gusto niyang maibsan ang kaba niya.
Unang ring palang ng telepono ng sumagot na ito.
"B-Babe? " nanginginig din ang boses niya.
"Hey, what's wrong? Anong nangyari sa 'yo? " sagot ng nobyo sa kabilang linya na may pag-aalala sa boses.
"Babe? C-Can y-you come home? "
"Babe, what happened? Tinatakot mo ko. Wait, I'm on my way. " sabi ng nobyo atsaka pinatay ang tawag.
KALAHATING oras ang hinintay ni Mags bago dumating si Ryan na hingal na hingal. Agad siya nitong dinaluhan. Namumugto na ang mata niya dahil sa kakaiyak. Hindi pa confirm na buntis nga siya pero malakas ang pakiramdam niya.
Agad siyang niyakap ni Ryan. Naramdaman niya ang paghalik nito sa ulo niya. "Bakit ka umiiyak? Anong nangyari? May masakit ba sa 'yo? " sunod-sunod na tanong ng binata.
Humihikbi siyang umiling dito.
"Then, what's wrong? "
It took her a minute to compose herself. Tinignan niya si Ryan sa mga mata. Ayaw na sana niyang umiyak pero ang mga luha niya ay kusang tumutulo.
"I think... I think I'm... P-Pregnant. " mahina niyang sambit at agad na napayuko. Ayaw niyang makita ang magiging reaksyon ni Ryan dahil natatakot siya.
Ilang minutong katahimikan ang namayani bago niya marinig ang tawa ni Ryan. Nag-angat agad siya ng tingin at gayun na lamang ang gulat niya nang makita ang malaking ngisi ng nobyo. Agad siya nitong niyakap.
"Shit! I'm so happy, Mags. Finally, nakabuo na din tayo. "wika nito habang nakayakap sa kanya.
Kumalas si Mags sa yakap ni Ryan at hinarap ito.
"Hindi pa sure, Ryan. Kailangan pa nating makasiguro. Kailangan pa nating magpa-check up. "
"Then we'll go to the OB to check you up. Pero sure akong buntis ka. Tinamaan ko talaga, e. Sapol. " anito na may ngising aso.
Hinampas niya ng mahina ang dibdib ni Ryan at tumawa. "Loko. "
Ryan hug her again. Kiss her in most passionate way. Naglakbay ang mga kamay nito sa katawan niya habang masarap silang naghahalikan.
Napaungol si Mags dahil sa biglaang pag-iinit ng katawan niya. She grab Ryan's hands at pinahinto niya ito sa paggalaw.
"W-We can't. " wika ni Mags nang makawala ang mga labi niya sa maiinit na labi ni Ryan.
"Why? " hingal na tanong ni Ryan.
"I'm pregnant. "
"It's not confirm yet. " bulong ni Ryan at kinagat ang tenga niya dahilan para mapaungol siya.
✔ edited
BINABASA MO ANG
HIDDEN ACTIVITY [FINISHED]
RomansaCompleted R-18 Read at your own risk. Be open minded and be sure you are mature enough to read this story. Thank you.