Last Chapter

24K 309 17
                                    


 
 
Hay... Magwawakas na talaga si Mags at Ryan. Salamat sa inyong lahat na nagpalakas ulit ng loob ko. Ang dami kong insecurities sa buhay. Gumawa ako nito ibig sabihin handa ako sa lahat ng pwedeng mangyari. Siguro nagulat lang ako. Mahal ko kayo kaya itutuloy ko 'to. Hindi nalang siguro ako magbabasa ng mga comments.

Kaya ito na. Enjoy my babies...

█████████████████

 
 
"Okay ka lang? "tanong ni Ryan kay Mags. Habang nagmamaneho ay nakahawak ang isang kamay niya sa kamay ni Mags at ang isa ay nasa manibela.

Bumuga si Mags ng isang malalim na buntong hininga. "Kinakabahan ako. "

"Bakit ka naman kinakabahan? Tanggap na tayo ng papa so wala kang dapat na ipangamba. "


"Kahit na. " hindi nalang kumibo si Ryan at hinayaan nalang niya si Mags. Hinayaan niya itong pakalmahin ang sarili niya.

 
 
Galing sila sa Doctor kanina. Nang malaman nila na buntis nga si Mags ay parang nanalo sa luto si Ryan. Hindi niya alam kung ano ang irereact niya dahil sa sobrang saya.

 
 
 
Agad na tinawagan ni Ryan ang mga magulang niya kanina. Pinaalam niya sa mga ito na sa kanila siya maghahapunan at may balita siya sa mga ito. Si Mags naman ay tinawagan ang ina. She tell her mom na may sasabihin din siyang importante dito kaya kung may oras siya ngayon ay gusto niyang makipag-kita. After tawagan ni Mags ang ina ay ang papa naman niya any sunod niyang tinawagan. Ang sabi niya sa papa niya na papunta siya sa bahay nila at kasama niya si Ryan.

 
 
 
"Are you okay? " Ryan ask her nang huminto na sila sa tapat ng bahay ng papa ni Mags.

 
 
 
Mags nodded at bumaba na nga silang dalawa. Mahigpit ang pagkakahawak ni Mags sa mga kamay ni Ryan habang papasok sila sa bahay. Namamawis na rin siya dahil sa kaba. Para siyang teenager na sumusuway sa mga gulang.

 
 
Nang nakapasok na sila agad sinalubong ang dalawa ni Prima ng isang matamis na halik at mahigpit na yakap. Lumapit si Mags sa ama at nag-mano. Malalarawan sa mukha into ang ngiti habang nasa harap niya.

 
 

"So ano iyong gusto niyong sabihin? " bungad agad ng papa ni Mags.

 
 
"Antonio, paupuin mo muna ang mga bata. " singit ni Prima. Sinunod nila ang sinabi ng ginang. Nakaupo na sila ngayon sa mahabang sofa. Nag-utos si Prima ng meryenda sa mga katulong. Ryan look at her and give her signal na siya na ang magsabi dito. She nodded kahit na kinakabahan siya.

 
 
 
"Pa?... " binigyan niya muna ng isang mahabang pause bago nagpatuloy. "I'm p-pregnant... " mahina ang huling salitang sinambit niya. Pero alam niyang narinig ito ng ama.

 
 
Mas dumoble ang kaba ni Mags nang hindi pa nagreact ang papa niya. Mags' saw Prima's smile. Bumalik din ang tingin niya kay Ryan, binigyan siya nito ng isang ngiti na nagpapahiwatig na okay lang ang lahat at 'wag siyang mag-alala.

 
 
 
Bumalik ang tingin niya sa ama. "I'm so happy for you, anak. I'm so happy for the both of you. I'm so happy na magkaka-apo na ko. " parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Mags dahil sa sinabi ng ama. "Pero Ryan, kailangan may basbas kayo sa itaas. "

 
 

"Yes po, tito. Magpapakasal po kami ni Mags sa lalong madaling panahon. " Hinigpitan ni Ryan ang hawak niya sa mga kamay ni Mags.

HIDDEN ACTIVITY [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon