Chapter 7

38.1K 980 44
                                    

SUNDAY afternoon nang bumalik ng Manila sina Frank. Magkahawak kamay ang dalawa habang palabas sila ng airport. Parang ayaw kasing mawalay sa paningin ni Frank si Erica.

"Frank, it's that you?" Boses babae na nagpahinto sa paglalakad ng dalawa.

"Oh! Hi Sofia, how are you?" Ang nakangiting tanong dito ni Frank. "I'm good. How about you?" Balik tanong din nito kay Frank.

"I'm still Frank." Ang natatawa nitong sagot. Nakaramdam naman si Erica ng pagka out of place sa dalawa. Kaya tinangka nitong hilain ang kamay ngunit hindi siya nagtagumpay.

"By the way met my girlfriend Erica, baby si Sofia." Pakilala niya sa dalawa. Nginitian naman ni Sofia si Erica ngunit alam at ramdam niyang fake smile lang ang pinakita sa kanya ng babae.

"Hi Sofia!" ani Erica dito. Kung pwedi lang siguro niya sabunutan ito ay ginawa na niya. Halata kasing may gusto kay Frank.

"Hello!"

Maarte nitong sagot kay Erica.

"Matagal na ba kayong magkakilala? Ngayon ko lang kasi nakitang may girlfriend si Frank. Ang alam ko kasi sa kanya bawat babaeng nakakasama niya ay pawang fling girlfriend lang niya." Ani Sofia.

"It's doesn't matter how long you been know each other. Aanhin mo ang tagal ng pagiging magkakilala niyo kung hanggang doon lang naman kayo sa 'YOU KNOW EACH OTHER' pero wala namang nangyayari. Compare mo sa kakakilala lang but they took long in relationship. Kung baga till death do as part." Pasaring dito ni Erica. Never siyang nagtaray sa iba ng ganun pero kung sa isang biatch lang naman ay why not na hindi niya ilabas ang katarayan niya.

Napangiti naman ng mapakla si Sofia dahil sa narinig. At si Frank ay naubo dahil sa narinig. "Baby, are you okay?" Kunwaring pag-aalala ni Erica kay Frank dahil alam naman nitong sinadya lang ni Frank na maubo kunwari.

"Uhm! I'm fine, baby." Sagot nito sa dalaga. "I think we need to go ng makapagpahinga ka." Saad niya kay Frank. "I think so, baby. It's nice to see you again here Sofia. Mauna na kami sa'yo." Ani Frank kay Sofia sabay pulupot nito ng isang kamay sa baywang ni Erica.

"Bye Sofia, it's nice too meet you." Saad naman dito ni Erica sabay ngiti ng nakakaluko. Kung kaya lang siguro basahin ni Sofia ang nasa isip ni Erica ay mababasa nito ang sinasabi nitong, "Back off biatch."

"Hey! Hindi ka ba galit?" Agad na tanong ni Erica kay Frank ng makasakay sila sa kotse ng binata. "At bakit naman ako magagalit?" Kunot noong tanong dito ni Frank.

"Kasi yung sinabi ko kay Sofia na ano. Alam muna," Anito sabay kagat niya ng pang-ibabang labi. Kaya natawa naman si Frank dahil sa tinuran nito. "Eh! Wag mo nga akong tawanan, nasabi ko lang naman yun kasi parang ang landi niya. Halatang may hindi magandang dala. May naamoy akong parang malansang isda." Ang nakapuot nitong aniya kay Frank.

"Your silly. Okay lang yung ginawa mo basta wag ka lang mapapaaway dahil ayaw kung mapahamak ka." Anito kay Erica.

"Hindi naman ako warfreack at lalong hindi ako nagtataray, ngayon lang talaga. Kasi naman nakakahawa ang isang badboy, baka paggising ko e nandoon na sa kapitbahay dahil tinalian na nila ng t-back." Anitong kinatawa ni Frank.

"So, kasalanan ko pala. Don't worry, always ka lang magdala ng gunting at kapag may tumali sa'kin ng t-back ay putulin mo lang ng hindi ako matangay." Pagsakay narin nito sa tinuran ng dalaga.

"Hindi, itatali na lang kita para kahit saan ka nila dalhin ay mapasama ako." Anitong natatawa na rin dahil sa kabaliwan niya. Kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bibig niya na hindi naman niya nakasanayang gawin dati.

Deal With The Gangster Boss(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon