LUMIPAS ang araw at laging ipinaparamdam ni Frank kay Erica kung gano niya kamahal ang dalaga. Yun nga lang ay hindi nawawala ang pagiging possessive nito bagkos ay mas lalo pa itong naging possessive boyfriend.
Matapus ang trabaho ni Frank ay agad itong lumabas ng opisina niya upang sunduin si Erica sa university.
Pagdating niya sa university ng nobya ay agad niyang natanaw ang nobya at may mga kasama itong mga studyante rin. Bigla nitong nakuyom ang kamao at dali-daling bumaba ng sasakyan ng makita nitong halos dumikit na kay Erica ang isang lalaki.
"Back of asshole, kung ayaw mong manghiram ng mukha sa mga kasama mo." Banta ni Frank sa lalaking katabi ni Erica ng makalapit siya sa mga ito. Agad naman itong lumayo sa dalaga ng makita niya si Frank.
"Frank." Ani Erica sabay pinaikutan nito ng mata si Frank na sumimangot lang. Agad namang nagsipag alisan ang mga taong nakapaligid kay Erica bago pa sila mapag-initan nito ng ulo.
Agad na upinulupot ni Frank ang kamay nito sa maliit na baywang ng dalaga. "Ikaw tinakot mo yung tao." Paismid na ani Erica sa binata.
"Eh! sino ba kasi yun?" Nakasimangot na tanong ni Frank sa dalaga. "Kagroup mate ko sa project namin." Anito sa binata.
"Babalian ko yun ng buto kapag nakita kung tsenansingan ka niya ulit." Saad pa ni Frank na kinatawa ni Erica. "Wag mo nga ako tawanan, seryoso ako." Dagdag pa nito na hindi parin maipinta ang mukha nito.
"Napaka possessive mo naman Mr. Murillo." Paismid na ani Erica.
"What's mine is mine only." Anito sa dalaga. "Don't worry, wala naman magkakagusto sa akin na iba lalo pa kung alam nilang may laman ang tiyan ko." Pabulong na ani Erica.
Biglang natigilan ang binata, hindi ito makagalaw sa tinuran ni Erica. Bigla naman kinabahan ang dalaga na baka ayaw ng binata na malamang buntis siya. Kaya biglang nawala ang ngiti nito.
"Y-you mean?"
"I'm pregnant." Lakas loob nitong sagot. Sabay kagat nito ng pang-ibabang labi sabay yuko nito. Ano mang oras ay nagbabadya ng tumulo ang mga luha nito.
"Yesssssss......magiging daddy na ako. Woaaaahhhhh." Biglang sigaw ni Frank na kinabigla ni Erica. Biglang napaawang mga labi ni Erica na nakamata kay Frank na abot-abot tainga ang mga ngiti nito.
"Frank, ano ba nakakahiya." Saway nito sa binata dahil nakaagaw agad ito ng antensyon sa mga taong nandun.
"Baby, I love you. I'm so happy. Oh! My God. Finally magiging daddy narin ako." Ani Frank. Agad na pumatak ang luha ni Erica dahil ang akala niya ay ayaw ni Frank na magkababy sila.
"Frank."
"Don't cry please. I told you, ayaw kung nakikita kang umiiyak." Sabay punas nito ng luha sa pisngi ni Erica.
"Masaya lang ako Frank. Dahil akala ko ay ayaw mong mabuntis ako." Anito sa binata na natawa.
"Silly. Of course I want. May deal nga kami ni Alex na uunahan namin si X na bumuo. Kaso naunahan naman kami ni Axel." Ang natatawa nitong aniya kay Erica.
"Mahal kita at sinadya ko talagang buntisin ka ng hindi kana maagaw ng iba sa'kin." Saad pa nito sa dalaga. "Mahal na mahal kita. Kung nandyan ka, ang lahat sa'kin ay nagiging tama. Ang mga mali kung hindi ko nakikita ay ikaw ang nagturo sa'kin upang ituwid ko yun. Ikaw ang bumuo sa magulo kung mundo. Mahal na mahal kita at hindi ko kakayanin kung nawala ka sa'kin." Madamdamin nitong wika sa dalaga.
"Mahal na mahal din kita. At nagpapasalamat ako at ibinigay ka ni God sa'kin. Pinunan mo ang kulang sa pagkatao ko, hindi ko man nakilala ang tunay kung magulang ay masaya parin ako dahil mayron isang tulad mo na dumating sa'kin." Maluha-luha nitong turan kay Frank.
BINABASA MO ANG
Deal With The Gangster Boss(Completed)
ActionFRANK SEBASTIAN MURILLO one of Gangster Squad Boys. Sa unang tingin mo sa kanya ay matatakot ka agad dahil mukha siyang sanggano. Pero kapag nakilala mo ay masasabi mong your lucky to have him as your friend. Written By:WILD AMBER