BIGLANG nadagdagan ang kaba ni Erica ng makaharap na nila ang mga taong nasa loob ng bahay ng tito at tita ni Frank.
"Anong ginagawa niyo dito mga gago?" Agad na tanong ni Frank sa mga kaibigan niyang naroon.
"Baka nakakalimutan mo, bahay ito nila tito at tita." Sabat dito ni Ace na siyang nagbukas ng pinto.
"Pamangkin din kami." Singit naman sa mga ito ni Jeb na nakangisi.
"Tst! Ang sabihin niyo, mga chismuso lang kayo, nakikibalita lang kayo." Ani Frank sa mga ito.
"Hindi ako chismuso Murillo, makikikain lang ako dito sa bahay nila Ninong." Biglang dipensa naman ni Tyrone sa sarili. "Me too, makikikain lang dito dahil maraming hinanda si Ninang na pagkain." Saad naman sa mga ito ni Rain.
"Oh! Wag kana magdadahilan Villagas na makikikain ka rin dito dahil alam kung marunong ka magluto. Kaya wag kang magkakamaling magdahilan kundi ipapasunog ko ang restaurant mo." Pagbabanta nito kay Mark ng makita niya itong magtatangkang magpaliwanag sa kanya. Kaya napakamot na lang ito ng ulo sabay tawa.
"Hi! beautiful. I'm Ace Nathaniel Laurel." Pakilala ni Ace kay Erica. Hindi na ito nakipagkamay kay Erica at baka masapak pa siya ni Frank.
"Possessive boyfriend." Pabulong na aniya naman ni Jeb. "I'm Michael Jeb Hernandez by the way." Pakilala din nito kay Erica.
"Mark Anthony Villagas." Pakilala naman ni Mark dito.
"Easthon Rain Castillo, Rain for short." Si Rain na binantaan ni Frank ng magtangka itong kamayan si Erica. Kaya kakamot-kamot ito sa ulo na natatawa.
"And the handsome among of them Zane Tyrone Javier." Pakilala ni Tyrone na kinaubo ng mga kasama nito. "Ang lakas ng hangin ng utot mo bro, umabot dito ang hapyaw." Ani Jeb na isang dirty sign lang ang sinagot ni Tyrone.
"Hello sa inyong lahat." Ani Erica sa mga ito.
"Iho, don't tell me na wala kang planong ipakilala sa'min ng tito mo yang kasama mong maganda." Boses ng tita nito. Napangiti naman si Frank na inakay si Erica palapit sa mga ito.
"Hi tita, kumusta po kayo?" Anito na agad hinalikan sa noo ang ginang. "Kumusta po kayo tito?" Tanong din nito sa ama nila Andrea.
"We are good, iho." Anang nakangiting ginoo.
"Siya nga po pala, tita, tito, met my girlfriend Erica. Baby, met tito Adrian and tita Celeste." Pakilala niya sa mga ito.
"Hello po." Ang nahihiyang bati ni Erica sa mga ito.
"Tingnan mo nga naman, kasing ganda ko. Ngayon pa lang ay alam kung magkakasundo kami nito. Halika dito iha at iwan muna natin ang mga yan dahil pare-pariho lang ang mga yan na mga siraulo." Anang ginang na kinakamot ng asawa nito ng ulo.
"Mahal naman, walang laglagan. Matino kaya ako, noon pa." Anang ginoo na kinataas ng kilay ng ginang sabay pinamaywangan niya ito.
"Hoy! Mister, wag kana mahiya dahil magkasing liko lang kayo ng mga bituka niyang mga pamangkin mo at inaanak mong mga luko-luko. Mahilig mambabae kita mo yung isa mong anak nandoon sa ibang bansa naghahasik ng kalandian." Anito sa kanyang asawa na kinatawa ng mga binatang kasama nila.
"Kayo ang magkwentuhan dahil alam kung puro kahalayan lang ang pag-uusapan niyo. Kaya kami ni Erica at Andrea ang magkwekwentuhan. Mind your own business boys." Anang ginang sabay akay nito kay Erica na hindi nakaimik dahil sa mga salitang binitawan ng ginang. Para itong nakikipag-usap lang sa mga kaibigan niya kung umasta kasi.
BINABASA MO ANG
Deal With The Gangster Boss(Completed)
AzioneFRANK SEBASTIAN MURILLO one of Gangster Squad Boys. Sa unang tingin mo sa kanya ay matatakot ka agad dahil mukha siyang sanggano. Pero kapag nakilala mo ay masasabi mong your lucky to have him as your friend. Written By:WILD AMBER