Chapter 22

31.3K 805 17
                                    

NEAR END/THE WEDDING

LUMIPAS ang araw ng paghahanda para sa kasal nila Frank at Erica ay finally mag-iisang dibdib na rin sila. Isang engranding garden wedding ang magaganap

"Mga gago talaga kayo, babasagin ko talaga yang mga two balls niyo kapag sumablay ang kasal ko." Reklamo ni Frank sa mga kaibigan habang inaayos ni Mark ang necktie niya.

"Relax lang bro, wala ka bang tiwala sa sarili mo?" Ang naiiling na ani X sa kanya. Alam ni X na kinakabahan ito dahil ganun din ang naramdaman niya noong araw ng kasal niya.

"Boys, be ready parating na ang bride." Anang wedding organizer. Kaya naman agad umayos ang magkakaibigan ng tayo.

"It's your turn to show your hiden talent, asshole." Ang nakangising ani Tyrone sabay tapik nito ng balikat ni Tyrone. Bukod kasi kina Austin, Tyrone, X, Yugene ay may tinatago ring galing sa pag-awit si Frank. Kaya siya mismo ang kakanta ng wedding song ng kasal nila ni Erica.

Agad ngang tumayo ng tuwid si Frank sabay abot nito ng microphone na inabot naman sa kanya ni Elijah. Agad na pumailang ang tugtug para sa entourage. The music is played only by the pianist with song title 'The Princess Brides' followed entourage march.

Ang first sponsor o ang mga piling ninang at ninong ng ikakasal ang unang naglakad. Mula rin sa mga kilalang pamilya ang lahat ng mga ito.

After the first sponsor's march followed by the second sponsor the candle, vien and cord.

Sinundan naman ito ng naggagandahang mga brides maids na nakasuot sila ng long slave dress na hanggang tuhod ang haba nito at kulay light pink. Mabulaklakin ang pagkakaburda nito sa parting itaas at plain naman ang mula baywang hanggang tuhod na kulay light pink. Kasama ng mga ito ang naggugugwapuhan nilang mga partner na groomsmen na nakasuot naman ang mga ito ng black american suit.

Sinundan naman ng flower girl ang mga brides maids at groomsmen. Followed by the ring bearer, coin bearer and the bible bearer. And last one is the maid of honor.

Matapus ang march ng mga sponsor ay ang hudyat naman ng pagmartsa ng brides. Kaya makailang hinga rin ang ginawa ni Frank.

Nagpakita naman ang mga kaibigan niya ng pagsuporta sa kanya kaya taas noo siyang tumayo ng tuwid. Inisip na lang niya ay ginagawa naman niya ito para sa babaeng mahal niya. Kaya sa isiping yun ay parang isang bula lang ay nawala ang kaba niya sabay ngiti. Hindi niya akalain na aabot rin pala siya sa ganito. Ito nakatayo siya habang hinihintay ang pagdating ng babaeng mahal niya at kapwa sila magsumpaan sa harap ng altar.

Samantala habang naglalakad si Erica patungo sa wedding venue ay may nakaalalay naman sa kanyang dalawang bakla. Hinabilinan kasi ang mga ito ni Frank na siguradohin nila ang kaligtasan ng mahal niya lalo pa at buntis ito.

Si Erica naman ay excited na itong makita niya ang lalaking mahal niya. Tatlong araw din kasi niya itong hindi nakita ayun narin sa pamahiin na bawal magkita ang ikakasal. Saka na lang daw maaring magkita ang mga ito sa oras mismo ng kasal nila. Kaya naman subra-subra ang pangulila niya dito lalo pa at hindi siya sanay na hindi ito katabi matulog kung gabi. Ngunit tiniis niya yun tutal mag-iisang dibdib na rin naman sila at panghabangbuhay na silang magsasama at babasbasan yun sa harap ng altar ngayon.

Ng marating ni Erica ang bungad ng venue ay agad nitong natanaw ang lahat ng naroon ngunit isang tao ang higit na nangibabaw sa kanyang mga mata, yon ay si Frank. Napakakisig nito sa suot nitong black american suit. Nakangiti itong nakatingin sa kanya kaya mas lalong lumawak ang pagkakangiti niya.

All my life, without a doubt I give you
All my life, now and forever till the
Day I die, you and I will share

Deal With The Gangster Boss(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon