Chapter 20

37.9K 858 31
                                    

NEAR END:

PARANG dinuduyan sa saya si Erica mula ng makilala niya ang totoo niyang mga magulang. Kaya laking pasasalamat niya sa Poong Lumikha at hinatid ng mga paa nito si Frank sa kanya. Kung wala siguro ang binata ay baka hanggang ngayon ay hindi parin niya nakikilala ang mga magulang niya.

"Hey!"

Boses na nagpalingon kay Erica mula sa kinauupuan niya. Hindi kataka-takang kapatid niya ito dahil magkamukhang magkamukha silang dalawa. Kung baga ay sa girl look siya ng ama at boy look naman ng daddy niya ang kapatid niya.

"Hey! come here." Anito na agad itinuro ang bakanteng upuan sa tabi niya. Agad naman itong tumabi sa kanya. "Anong year kana sa school?" Tanong dito ni Erica.

"Graduating na ako this year ng high school." Sagot nito.

"Uhm! so, next year ay college kan, ano naman ang kursong kukunin mo?" Tanong niya ditong muli.

Napakamot naman ito ng ulo. "Eh! hindi ako makapagdecide kung ano ang kukunin kung course ate e." Anitong napangiti. Agad namang ipinatong ni Erica ang mukha niya sa balikat ng kapatid at ipinulupot nito sa baywang ng kapatid ang dalawang kamay.

"Bakit naman hindi ka makapagdecide ng kursong kukunin mo?" Anito sa kapatid na curious malaman.

"Kasi hindi ako makapagdecide kung business in Management ang kukunin ko or Archetic." Sagot nito kay Erica na napangiti. Agad naman piningot ni Erica ang matangos na ilong ng kapatid niya.

"Kung ako ang papipiliin ay mas bet ko archetic. Bagay sa'yo. Archetic Kent Ezra Vergara." Anitong nakangiti.

"Sounds good ate. I think I'm going to decide now what course I'm going to take in college. Thank you my beautiful sister." Anitong kinatawa ni Erica.

"Maiba tayo ate, diba graduating ka rin ng college?" Anito kay Erica. "Yeah!"

"Do you think papayagan ka ni kuya Frank na magwork after mong makagraduate?" Curious na tanong sa kanya ni Kent.

"Uhm! I don't know, but I'm sure hindi siya papayag. Baka may mapatay siyang tao ng wala sa oras kung magwork ako lalo pa at nursing student ako." Anitong kinatawa ng kapatid niya.

"Okey! lang yan ate, may trabaho naman siya. Siguradong hindi ka magugutom." Anang kapatid niyang natatawa.

"Hays! subrang possessive niyang kuya mo. Kaya ikaw wag mong tularan." Anito sa kapatid. "Nhaaaa....hindi ko maipapangako yan ate, lalo pa at nasa dugo natin ang pagiging possessive." Anitong kinaunot ng noo ni Erica.

"Okey! don't tell me na." Anitong nanlaki ang mga mata na natatawa.

"Yes! sa lahi natin ate, si tito Aljhon, tito Vincent at syempre si Daddy. Kahit itanong mo pa kay Mommy e subrang possessive daw niya. Kaya noong dalaga pa si Mommy ay nabato niya si Daddy dahil sa pagiging praning daw nito." Kwento ni Kent kay Erica kaya nagkatawanan ang magkapatid.

Sa di kalayuan naman ay masayang nakatanaw sa magkapatid ang mag-asawang Oliver at Lezlie. Hindi nila akalain na darating pa ang pagkakataon na mabubuo ang pamilya nilang muli.

"Agad silang naging magkasundo. Thanks God at ibinalik Niya siya sa'tin." Ang emosyonal na anang ginang sa asawa.

"Yeah! At malaki din ang naitulong ni Frank para makasama natin muli ang unica hija natin." Saad naman ng ginoo.

"Ma'am, Sir, dumating na po si Sir Frank." Imporma ng isa sa mga katulong nila. Dahil walang pasok si Erica sa university ay iniwan na lang niya ito sa magulang ng dalaga. Natatakot kasi siyang iwanan ito mag-isa lalo pa at buntis ito.

Deal With The Gangster Boss(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon