SA sumunod na araw ay maagang pumasok sa trabaho si Frank. Si Erica naman ay nanatili lang ito sa bahay dahil wala naman siyang pasok sa university.
Pagdating ni Frank sa kanyang opisina ay agad nitong pinatawag si Kahlan. Ang isa sa mga pinagkakatiwalaan niyang agent na nagtratrabaho sa kanya.
"Tok Tok Tok"
Katok ng pinto mula sa labas ng opisina ni Frank.
"Come in." Utos nito sa kumakatok. Agad naman yun bumukas at pumasok sa opisina niya si Kahlan.
"Pinapatawag mo daw ako, boss?" Agad na tanong dito ni Kahlan na agad naupo sa visiting chair sa harap ng mesa ni Frank.
"Yeah! dahil may ipapagawa ako sa'yo." Sagot niya dito.
"Okey! Ano yun?" Seryoso namang tanong dito ni Kahlan. Huminga muna ito ng malalim bago niya sinagot ang tanong sa kanya ng kaharap. "Gusto kung malaman kung saan, sino at pano napunta si Erica sa bahay ampunan. Gusto kung alamin mo ang lahat na maaring makapagturo kung saan siya galing at pano siya napunta doon." Anito kay Kahlan.
Napangiti naman si Kahlan ng marinig kung ano ang trabahong ipapagawa sa kanya ni Frank. "Mukhang may plano na tayo in the near future, boss?" Saad nitong kinailing ni Frank.
"I want her to be happy Mendoza dahil kahit hindi niya aminin sa'kin ay alam kung hindi sapat ang sarili ko para mapasaya siya. Kung saan man siya nagmula at kung ano man ang dahilan kaya siya napunta sa bahay ampunan ay dapat parin niya yun malaman." Anitong kinatango ng kausap na si Kahlan.
"Okey! copy that, boss. So, may iba ka pa bang ipapagawa?" Tanong sa kanya ni Kahlan na agad tumayo. "Wala na, yun lang! And I hope as soon as posible ay makakuha ka ng information tungkol sa totoong pagkatao niya. May tiwala ako sa'yo Kahlan." Ani Frank na seryoso ang mukha.
"Thanks! Boss. Don't worry in this week ay may good news na akong dala para sa'yo." Ani Kahlan bago ito lumabas ng opisina ni Frank. Ng mawala si Kahlan sa opisina ni Frank ay napasandal siya sa kanyang upoan sabay buntong hininga.
"Handa kung gamitin ang lahat ng meron ako matagpuan ko lang ang totoo mong mga magulang. Dahil alam kung nangungulila ka sa kanila. Kaya gagawin ko ang lahat mapasaya lang kita." Kausap ni Frank ang kawalan.
Pagsapit ng tanghali ay nagpasyang umuwi si Frank. Parang nakaramdam kasi siya ng pangungulila kay Erica. Kahit ilang oras lang niya itong hindi nakikita ay namimiss na agad niya ang dalaga.
Ngunit bago tuluyang umuwi si Frank ay bumili muna ito ng bulaklak ng may madaanan siyang flowershop. Matapus niyang makabili ng bulaklak ay napapailing na lang siyang nangingiti habang nasa loob siya ng sasakyan at pinaharurut yun. Hindi kasi niya ugaling bumili ng bulaklak para ibigay sa isang babae. Pero dahil special para sa kanya si Erica ay lahat gagawin niya o kaya niyang gawin para dito.
Pagdating ni Frank sa bahay ay agad itong tumuloy sa loob. At agad niyang narinig sa kusina si Erica na mukhang abala sa paghahanda ng lunch nila.
Walang kamalay-malay si Erica habang nakamasid sa kanya ang nakangiting si Frank. Nakatalikod kasi ito sa gawi ni Frank kaya hindi niya ito nakikita.
"Oh! Kanina ka pa ba dyan?" Gulat nitong tanong kay Frank ng malingunan niya ito.
"Not really, pero nag-i-enjoy kasi akong pagmasdan ang magandang tanawin sa aking mga mata." Anitong kinatawa ni Erica na agad siyang nilapitan ng dalaga. "Flowers for you." Anito sabay abot niya ng bulaklak kay Erica.
Agad namang inabot ni Erica ang bulaklak at bahagya niya itong inamoy bago niya inilapag sa ibabaw ng mesa. "Thank you sa flowers, Mister." Ani Erica kay Frank na nakangiti ng muli siya nitong balingan.
BINABASA MO ANG
Deal With The Gangster Boss(Completed)
ActionFRANK SEBASTIAN MURILLO one of Gangster Squad Boys. Sa unang tingin mo sa kanya ay matatakot ka agad dahil mukha siyang sanggano. Pero kapag nakilala mo ay masasabi mong your lucky to have him as your friend. Written By:WILD AMBER