Nasa Kotse kayo dahil magcecelebrate kayo
dahil nakapag tapos ka na ng high school.
sobrang masaya ka dahil kasama mo ang pamilya mo
mahal na mahal mo ang pamilya mo ng dahil sa
kanila nakapagtapos ka ng pag aaral.
Then meron nangyare nung nasa kotse kayo
naaksidente kayo dahil nawalan ng brake ang kotse nyo
nawalan ka ng malay. hindi mo na alam kung ano na nangyare
sa magulang mo.
Pag gising mo nasa hospital ka na. Hindi mo alam kung sino nagpadala sayo.
nang nagising ka nakita mo yung Bestfriend mo na si Micah na papalapit sayo
"Nasaan sila mama?" tanong mo sa bestfriend mo
"Hmmm Kailey... ano kasi eh.." nauutal pa sya.
"Micah nasaan kasi sila!"
"Wala na sila Bestie. Patay na sila."
"Hindi! Hindi yan totoo." Sabi mo habang umiiyak.
Hindi mo akalain na mawawala sila sayo.
Sabi mo sarili mo.
"Dapat ako na lang. hindi sila."
Ilang araw nakalipas Nalibing na ang mga Magulang mo.
Ikaw na lang natira sa bahay nyo kasama ang mga Maid ninyo.
Malungkot ka ng umakyat ka sa kwarto mo. Umiiyak ka nanaman.
"Mamimiss ko kayo mama't papa."