Chapter 4

8.3K 258 2
                                    


"I TOLD YOU. I won't sign those papers," malumanay ngunit may diin na wika ni Julian sa kanya habang abala ito sa ginagawa sa harapan ng laptop nito. Pumunta siya sa office nito para ibigay ang annulment papers nila pero ang hinayupak ay ayaw pumirma.

"Huwag mong hintayin na isampal ko 'tong mga papel sa'yo, Julian. Pumirma ka na," utos niya. Naglabas siya ng ballpen mula sa kanyang bag at ibinigay dito.

Tiningnan siya nito at tinaasan lang ng kilay. Ay, punyeta!

"Hindi ako aalis hanggat hindi ka pumipirma," pagtatapos niya saka naupo sa couch doon. Ipinatong niya ang mga paa sa center table saka tiningnan ito nang matalim. He just shook his head and turned to his laptop again. Pagkalipas ng higit isang oras na paghihintay ay impit na tumili siya saka marahas na tumayo. Lumapit siya sa mesa nito at malakas na hinampas iyon. His head snapped on her.

"Ano ba?! Hindi ako nakikipabiruan sa'yo! Hindi ka ba---"

"I alresdy told you I won't."

She huffed then crossed her arms over her chest. Nakipagtagisan din siya ng tingin dito. Even when the door of his office opened, it didn't break them.

"Julian..."

Doon siya napalingon. When her gaze met the face of the woman behind her heart aches, her fists clenched on her sides. Staring upclose to her was too much bear.

"Sassa?" awkward na tanong ng babae. Tumabingi ang maluwag na ngiti nito kanina at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila ni Julian.

Hindi niya ito pinansin. She doesn't have to. Marahas na dinampot niya ang mga papel sa mesa bago tinapunan ng huling matalim na tingin si Julian saka nagpupuyos ang damdaming umalis.

Ibinalibag niya ang pinto nito. Huminga siya nang malalim bago marahas na pinunasan ang pesteng luhang kumawala sa mata niya. She stayed like that for a moment, calming her nerves. She was ready to leave when someone spoke.

"Gusto mong umiyak?"

Nilingon niya ang nagsalita. "Layuan mo ako, Cloud." Suminghot siya at naglakad. Itinapon niya ang hawak na mga papel sa may trash can na nadaanan niya. Walang kuwenta!

"You know, you don't need to act tough when you're not. Maybe you changed a bit but not the entire you," pagle-lecture nito sa kanya.

"Hindi ko kailangan ang opinyon mo. Ba't mo ba ako sinusundan?"

Ngumisi ito. "Wala. Trip."

Umismid siya. "Kalokohan."

"Nurse kana pala ngayon..." basag nito sa katahimikan niya.

"Paano mo nalaman?" nagdududang sinulyapan niya ito.

"Connections. Gusto mong kumain?"

Kumunot ang noo niya. "Libre ni Khyryu."

Napaismid siya. Tuso din talaga ito. "Sure."

Khyryu was so caught up with his work when they entered. Nilapitan ito ni Cloud habang siya naman ay umupo na sa bakangteng upuan.

"Pare, ipasara mo itong kainan mo," Cloud spoke.

"Restaurant dude, restaurant," wika naman ni Khryu. "And why would I do that?"

"Kainan at restaurant ay parehas lang, Khyryu. Itanong mo pa kay mareng bokabolaryo." Ngumisi ito. "May date ako."

"Wala akong pakialam."

"Dapat mayro'n dahil customer ako rito."

"Humanap ka nang ibang kainan. Busy ako."

"Wala nang kainang malapit. Ginugutom mo naman ang date ko. 'Pag pumayat 'yang si Sassa, ipapalapa ka ni Kenshin sa sampung pating sa bahay niya."

Agad na hinanap siya nang mga mata ni Khyryu. She waved at him then gave out a small smile.

"At ikaw, ipapa-shoot to kill ka no'n 'pag nalaman niyang ikaw ang kasabay niyang kumain." Binalingan siya nito. "Hindi ka dapat sumasama sa isang 'to, Sassa. Lalangawin ka."

Napangiti siya sa kalokohan ng mga ito. "Hindi pa rin kayo nagbabago," komento niya.

Sa sinabi niyang iyon ay nagbago ang ekspresyon ng dalawa. She cleared her throat then stood up. "Sa susunod mo nalang ako i-libre, Cloud. May pupuntahan pa pala ako." Hindi na niya hinintay ang reaksyon ng dalawang lalaki at nagmamadaling umalis.


"YOU need to take care of yourself, Sassa. What did I tell you three years ago?"

Sassa looked at her doctor in the eyes. Napalunok siya. Dumiretso siya rito nang maramdaman na naman ang sakit sa kanyang tuhod habang pauwi siya galing ng restaurant ni Khyryu.

"I told you not to tire your self out. Lalo pa at wala pang isang taon mula nang ma-operahan ka ay tumulak ka na nang ibang bansa para magtrabaho." He shook his head disapprovingly.

Napakagat-labi siya. "A-ano po ang dapat kong gawin, doc.?"

"Magpahinga ka. Kung maaari ay 'wag ka munang lalabas ng bahay mo. Stay there and rest for atleast a week."

Napangiwi siya.

"Diba iyon naman ang ipinunta mo rito sa Pilipinas? Kung gano'n ay magpahinga ka. Magtiis ka, Sassa, unless you want a repeat of what happened."

Umiling siya saka tumayo na. "Hindi na ho mangyayari 'yon, doc." Bumuntong-hininga siya saka nginitian ito. "Salamat. I'll have to go."

"Sure, Sassa. It's what doctors' do." Sinuklian nito ang ngiti niya.

Nagdesisyon siyang dumaan muna sa isang mall para bumili ng panibagong cellphone. Nang makabili ay umuwi na siya.

Napakunot ang noo niya nang maabutan si Julian na nakasandal sa sasakyan nito na parang may hinihintay sa labas ng apartment niya. She hated to admit to herself that whatever he does, it seems to be almost perfect in her eyes. Nilapitan niya ito at tumayo sa mismong harapan nito. Namaywang din siya. "Ano'ng kailangan mo? Hindi ka puwede rito."

He looked down on her and raised his eyebrow, making her want to slap his forehead. Pero imbes na magpatalo ay ginaya niya na lang ito. She also raised her eyebrow. "Ano?"

Tumaas ang sulok ng mga labi nito saka tumayo nang diretso at namulsa. Bahagya ring yumukod ito upang mag-pantay ang mga mukha nila. Napaatras siya sa ginawa nito. "I still have that effect on you---"

Bago pa nito matapos ang sasabihin ay itinakip niya ang palad sa mukha nito at bahagyang itinulak. "Wala akong panahon makipagbiruan sa'yo kaya kung ano man ang ipinunta mo rito ay sabihin mo na nang makapagpahinga na ako," sabi niya bago inalis ang kamay sa mukha nito. "Ba't ka nakangiti?" naasar na untag niya nang makitang nakangiti ito.

Julian just cooly shrugged his shoulders. "Natutuwa lang akong hindi ka nagmumura ngayon."

She scoffed. "Gusto mong murahin kita ngayon?"

Nagkibit-balikat lang ulit ito. He was surely testing her temper. The nerve!

Tumalikod siya at binuksan ang pinto niya. Just before she closes her door, she heard him said, "I just wanted to see you."

"Gago," she muttered under her breath before slamming the poor door.



Love lots,
Realice

In My Heart - Sequel Of HBNOR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon