Chapter 9

8.1K 206 10
                                    

"ANO 'tong mga pinagbibibili mo?" Itinaas niya ang iba't-ibang klase ng delata. "May balak ka bang purgahin ako ng instant goods?"

Inagaw nito ang mga 'yon sa kanya at isa-isang inilagay sa stock cabinet malapit sa ulunan niya. "Maraming maluluto riyan kung gusto mo ng matinong makakain."

Tinaasan niya ito ng kilay at humalukipkip. Napansin niya kasi na biglang umasim ang mood nito pagkatapos nitong kausapin ang isang mama sa bayan bago sila umuwi. Pinagmasdan niya ito nang mataman. Patuloy lang ito sa ginagawa na parang walang kasama. Iniharang niya ang katawan sa harapan ng refrigerator nang tangkain nito iyong buksan. Naningkit ang mga mata niya nang tumayo ito ng diretso.

"Huwag kang humarang diyan, Sassa. Baka hindi kita mapansin."

Humalukipkip siya. "Bakit, naliliitan kaba sa'kin?"

Tiningnan siya nito nang mataman. "Gusto mong malaman?"

Umingos siya saka binuksan ang refrigerator. Kumuha ng isang pitsel ng tubig saka ito iniwan. Gusto nitong magsungit? Hedipayn dude! She flipped her hair over her shoulder then went out from the house.

Kasalukuyang itinutungga niya ang pitsel ng maramdamang may tumabi sa kanya. "May basong ginagamit para sa pag-inom..."

Nilingon niya ito. He was so handsome. A total knockout. But an asshole.

"Alam ko."

Kinuha nito mula sa kanya ang pitsel at inilapag iyon sa may damuhan.

"Julian?" tawag niya.

"Oh?"

"Ni minsan ba ay hinanap mo ako sa nakalipas na tatlong taon?" hindi tumitinging tanong niya.

May ilang sandali itong nanatiling tahimik. "No."

Tumungo siya. "Oh." Humakbang siya nang dalawang beses at sinipa ang bato na namataan. "Eh, si Ellen?"

"I didn't do it because of her."

She glanced over her shoulder. "Talaga lang ha?"

Bumuntong-hininga ito. "Hindi ko iyon nagawa nang dahil lang sa dumating siya. She just came at the right timing, but no, it wasn't because of her." Lumapit ito sa kanya, hinawakan ang kanyang mga balikat at iniharap siya. "Hindi niya kasalanan ang nangyari. It was me. I don't know. Naging mabilis ang lahat. I doubted my feelings for you, Sassa. Naging duwag ako."

Kumurap-kurap siyang nakatitig lang sa mga mata nito. "Alam kong hindi madali para sa'yo ang pagkatiwalaan ako ulit pero wala na akong pakialam. Maghihintay ako. The moment I saw you with that Samuel guy, I realized I can't just let you to be with another man. Makasarili na kung makasarili, basta ang gusto ko lang ngayon ay ayaw kitang mawala sa mga paningin ko," patuloy nito.

She took two steps back away from him, rubbing the tip of her nose. "Baka nabibigla ka lang, Julian." Ngumiti siya ng malungkot. "Ayoko na ring masaktan ulit. You know, the cut is just so deep I can't even offer you friendship." Huminga siya nang malalim at tumawa ng mahina. "Alam mo mas mabuti pa na huwag na nating ibalik pa ang kahapon. Lets just enjoy being here. Sayang naman ang ganda ng lugar na ito." Inilibot niya ang paningin sa magandang tanawin. "It is really a nice place. Very refreshing."

Hindi na ito muli pang nagkomento at nanatiling tahimik sa kanyang tabi. Oo. Mas mabuti nang klaro ang mga nararamdaman nila sa isa't-isa para wala ng paasa moment. Dahil masakit.



NAHULOG ang lapis na kanina pa niya ngina-ngatngat nang dumaan sa harapan niya si Julian na pawis na pawis habang kasunod nito ang aso. Sinulyapan niya ang orasan. Alas siyete na nang umaga. He probably went for a run. Mukhang hindi yata siya nito napansin dahil parang ito lang ang nilalang na humihinga sa paligid. Inayos nito ang earphone sa mga tainga nito at halos mapanganga siya nang hubarin nito ang pang-itaas na damit.

Oh. Shit.

She couldn't get enough at looking at his perfect set of abs when he finally removed his t-shirt. At dahil nakatagilid ito sa kanya ay kitang-kita niya ang side-view profile nito. Wala sa loob na napalunok siya. Ang hirap namang maging virgin kapag ganitong klase nang katawan ang bumabandera sa harapan niya. Siya pa yata ang magiging rapist.

She held up her hands, screaming when he started pulling down his sweat pants. "Hep!"

Lumingon ito sa gawi niya saka umayos ng tayo. Nakahinga siya nang maluwag. "Bakit mo ba laging nakakalimutan na may inosenteng nilalang kang kasama?" Itinuto niya ang sarili. "Duh, I'm here."

Ngunit agad na naghuramentado ang tibok ng kanyang puso nang umayos ito nang tayo at namaywang. Oh, look at those biceps. Yummy! Napakagat-labi tuloy siya nang wala sa oras.

"Oh, hey."

He gave out a sexy lazy grin, picked up his apple then walked out the door. What the hell happened? Tanong niya sa sarili. Ginulo niya ang buhok. Minsan talaga ay may pagka-weirdo din ang isang 'yon.

Lumabas siya ng bahay at tumingala sa kalangitan. Lord, ano na po ba ang nangyayari sa lalaking yun? Hindi niya ako kinakausap tapos bigla nalang ngingiti na parang---na parang----ah, basta alam niyo na po iyon.

"Nagsasalita kana naman ng mag-isa." A baritone spoke beside her.

Agad na sinulyapan niya ito. "Wow, ang bilis. Nakaligo ka na agad?" Pinasadahan niya ito nang tingin. Nakahubad baro pa rin ito. Nakasuot nga lang ng summer shorts. "Ano'ng balak mo?"

Ngumiti ito. Siyet! Huwag kang ngingiti ng ganyan. Maawa ka sa puso ko! "Maliligo."

"Saan?"

"Sa tubig."

"Ha-ha. Patawa."

Napaawang ang mga labi niya nang hindi nagbago ang ekspresyon nito. "Ahhh. O-kay."

"Have you ever done that?"

"Ang alin? Ang maligo sa ilog?" Umiling siya. "Nope. Bakit?" Nakuha niya agad ang binabalak nito nang ngumisi ito bigla. Nagdududang umatras siya rito. "Hoy, Julian, hah. Binabalaan kita. 'Wag mo--Ayoko!" Nagpupumiglas siya habang hila siya nito palapit sa ilog. "Hindi ako lumalangoy sa ilog! Ano ba?! Baka may buwaya riyan!"

Naasar siya nang tinawanan lang siya nito. "Come on. Masyado kang nagpapadala sa mga napapanood mo. Hindi totoo ang mga 'yun."

"Kahit na!"

"The water here is good. Hindi ka magsisisi," pangungumbinsi pa nito.

Nang malapit sa sila sa hinuha niyang diving area ay pilit niyang binawi ang braso mula rito saka tiningnan ito nang masama. "Fine!" Dinutdot niya ang dibdib nito. "Pero kapag ako nalunod at hindi mo nasagip, hinding-hindi kita patatahimikin hanggang sa pangatlong henerasyon ng angkan mo."

"That's a--Hey! I didn't tell you to dive!"

She smirked internally when she heard him. Serves you right! Ngunit agad siyang lumitaw mula sa tubig nang pasukin ng tubig ang ilong niya. Inihit siya ng ubo. "Aish! Kapag minamalas ka nga naman," bulong niya sa sarili. She sheilded herself when a big splash beside her. Napatili siya nang may humigit sa binti niya mula sa ilalim ng tubig na dahilan upang makainom siya. Ginawa niya ang lahat mapaglabanan lang ang kamay na yun.

Hawak ni Julian ang panga ng umahon ang ulo nito sa tubig. "Awww.. Mahilig ka talagang manuntok," wika nito. Napatulala siya ng mahina itong tumawa. His eyes were sparkling with amusement it was nearly unreal.

She made a face. "Well, you deserved it!"

He smiled. He just freaking smiled! Ahh! Nakakagigil!

Gusto niyang magsisisigaw. Hindi na naman kasi mapigilan ang mabilis na pagtibok ng puso niya dahil sa pesteng ngiting iyon. Wala! Talo na naman siya! At nakakainis! Sobrang nakakainis!

Love lots,
Realice

In My Heart - Sequel Of HBNOR (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon